Prologue

130 7 3
                                    


"L-Lucas. . ." nanginginig ang paos kong tinig na tawag sa pangalan niya. Umaasang lilingon siya, umaasang babalik siya.

"Lucas, k-kailangan kita." muling pagsusumamo ko habang nakaluhod sa ilalim nang malakas na ulan.

Bahagya akong napahawak sa dibdib ko nang maramdaman ko ang malakas at masakit na pagkirot nito.

"N-Nakikiusap ako sa'yo, nagmamakaawa ako sa'yo, Lucas. . ."

Subalit kahit anong pagtawag na gawin ko sa pangalan niya ay hindi siya lumingon, hindi siya tumigil, hindi siya bumalik. Tuloy-tuloy siyang naglakad papalayo mula sa akin. At kasabay nang paglayo niyang 'yon ay ang tuluyang pagkawasak ng puso ko.

Tuluyan na akong napahagulgol habang nakaluhod sa gitna ng basang daan.

Hindi ko alintana ang walang tigil na pagbuhos ng ulan maging ang sakit at kirot na dahan-dahang nararamdaman ko sa buo kong katawan. Ang tanging nasa isip ko lamang ngayon ay si Lucas.

Bakit niya ako nagawang iwan.

Bakit niya ako nagawang saktan.

Bakit niya ako nagawang kamuhian.

"L-Lucas. . ."

Nangako ka. Nangako kang hindi mo na ako sasaktan. Nangako kang hindi mo na ako muling iiwan. Nangako ka, Lucas. Nangako ka. . .

Marahan akong napapikit at dinama ang sakit na unti-unting kumakalat sa kabuuan ng aking katawan.

Kung ito man ang huling beses na makikita kita ay nagpapasalamat pa rin ako.
Ikaw nalang ang kaisa-isang taong nagbibigay dahilan sa akin para patuloy na lumaban. Subalit ngayon na pati ikaw ay tuluyan akong iniwan, wala na akong dahilan pa upang patuloy na lumaban.

Wala na akong dahilan pa upang patuloy na mabuhay.

Ikaw ang nag-iisang taong nagbigay sa akin ng pag-asa para mabuhay. At ngayong wala kana, sana sa pag-alis mo'y isama mo ang puso kong luhaan.

Naramdaman ko na ang unti-unting panlalabo ng mga mata ko kasabay ng dahan-dahang pagbagsak ng katawan ko.

At sa huling sandali ng makakaya ko'y pilit kong tinanaw ang papalayo niyang likuran.

Pilit kong tinanaw ang papalayo niyang pigura.

Pilit kong tinanaw ang tuluyang paghakbang niya papalayo sa akin hanggang sa dahan-dahan siyang maglaho sa aking paningin at ako'y tuluyang lamunin ng walang hanggang kadiliman.

"I love you, Lucas. I-I love you, m-my dear, bully. . ."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 29, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Dear BullyWhere stories live. Discover now