**

Maaga akong nagising dahil
pupunta pa ako sa bahay ni mr.  Kasi nga gagawa pa kami ng lantern eh bakit sa bahay pa nila? Aba ewan ko.
Naligo na ako at nagbihis pagkatapos ay kumain na ako sa hinandang pagkain sa lamesa pagkatapos ay sumakay ng traysikil.

   

    Saan kaya itong binigay niyang address chuchu na ito? Ah baka alam ni manong.

      "Ahm manong alam mo po bang address ito? Hindi kasi pamilyar sa akin eh." Sabi kay manong at pinakita sa kanya ang address.

       "Ah alam ko yan mam dyan yan sa kabilang dako maam kaso bawal pumunta dyan praybit property yan at may nagbabantay. Bali balita na sobrang yaman daw ang nakatira dyan mam" sabi ni manong habang nag dadrive.

" Ihatid mo nalang ako sa gate manong"
   
" Sigurado ka maam?" Nagtatanong na sabi ni manong driver.

" Oo"

Parang nagalinlangan pa si manong driver , eh ito ang binigay na address ni mr.
Nagbayad ako kay manong at lumabas na sa traysikil, wow! Grabi! Ang laki namang gate to! Dito talaga siya nakatira? Sanaol mayaman. Pagtingin ko sa labas ng gate maybodyguard nga at may earpiece pa na sa kanilang tenga at may baril din sila na nakasuksuk sa kanilang tagiliran. Nakakatakot naman. Ganito ba talaga ang mga bodyguard sobrang tuwid tumayo hindi kaya nangangalay yong paa nila at sumakit ang likod nila?

 

  Pumunta ako sa harap ng gate at agad akong nakita sa mga bodyguard nilapitan nila akong tatlo...baka akala nila magnanakaw ako. Tatakbo na ba ako? Huhulihin ba nila ako? Pakshet! Patay na!

   Akma na akong tatalikod at tatakbo ng nahawakan ng isa sa kanila ang aking braso natakot kaya nagpumiglas ako at nagsusumigaw.

   " Ahhh! Wag po! Hindi po ako magnanakaw! Wag niyo po akong saktan!" Nakapikit kong sigaw habang nagpupumiglas pa rin.

"Hindi ka namin sasaktan bata. Ikaw ba si lucas mayer? " Tanong ng guard.
Tumigil ako saka pupumiglas. Alam nila ang pangalan ko?

" Oo po."

"Pasok bata naghihintay na si boss sayo." Walang emosyong sabi ng nakahawak sa braso ko. At binitawan na ako. Baka pina alam ni mr sa mga guard niya na darating ako.
Agad nilang binuksan ang malaking gate at pinapasok ako, pagkapasok ko para akong nalula sa napalaking bahay sa di kalayuan dito sa kinatatayuan ko. Ang lawak pa ng palagid at napakalinis marami ding nagbabantay.

   May lumabas na nakamaid ang suot , may edad na ito tansya ko ay nasa forty plus na siya. Ng nakarating na siya sa kinatatayuan ko ay ngumiti ito sakin kaya napangiti na din ito, napakaaliwalas ng kanyang mukha , ang ganda din niya kahit may wrinkles na siya
pakiramdam ko ng nasa dalaga pa siya ay napakaganda niya.

 
  " Ikaw ba si Lucas mayer iho?" Nakangiting sabi ng matanda. Kaya tumango ako.

" Oo po.riri nalang po "

" okey riri. Ako ang mayordona dito iho , pinapasundo ka ni young master sakin , halika pasok na tayo sa loob. Siya nga pala tawagin mo nalang akong manang Ida iho. Akala ko babae ka kundi lang sa pangalan mo hindi talaga kita mamumukhaan na lalaki." Sabi ni manang Ida.
Nahiya naman ako , kanina nga tinawag ako na iha ni manong driver hindi ko nalang sinuway.
Napakamot nalang ako sa kamay ko, habit ko na talaga ito pag nahihiya ako.

"Ah hehe, sabi nga din ng mga kakilala ko po"

" Akala ko talaga babae ka iho, ang ganda kasi ng mukha mo pangbabae at saka hindi din mahahalata sa katawan mo dahil mapayat ka at ang kinis mo"

" Ah hehe, grabe naman po, hindi naman ako ganon ka kinis"

" Atsaka yang mata mo iho,may lahi kaba? " Sabi ni manang Ida. Ito din ang katanungan ko mula noong bata pa ako, kakaiba kasi ang mata ko , nag search ako tapos nakita ko ang kapareha sa mata ko ang tawag daw dito ay baby blue ayes. May lahi nga ako, pero hindi naman nagsabi si mama kong sinong tatay ko, kong pinoy ba ito o hindi. Wala talaga akong balita sa kanya kong saan man siya ngayon o buhay pa ba.

" Baka nga po, wala kasi akong alam kong sino yong tatay ko mula bata pa ako, hindi din nagsabi sakin si mama" sabi ko. Hindi na nagtanong si manang sa buhay ko, tinanong nalang niya ang pag aaral ko o kahit ano.

Nasa harap na kami ng pintuan ng malaking bahay binuksan ito ni manang Ida. Na unang pumasok si manang Ida tapos ay sumunod na din ako.
Pagpasok ko pa lang namangha na ako sa loob, at di makakaila na napakamamahalin ang gamit dito, kumikintab kintab pa.
Ang inaapakan din namin ay sobrang kintad at nakikita ang repleksyon ko. Parang hindi ako nababagay na tumapak dito sa loob.

Naabot na namin ang sitting
area dito sa malaking bahay o mansyon. Ang ganda ng style at architecture sa loob. Ang ilan ay organized at modern na modern, ang lawak lawak pa. May nakita akong lalaki na nakatalikod sakin habang naka upo sa pang isahang sofa at nakatutok sa kanyang loptop and I know that kind of posture.

  "Iyan na si young master iho, sige puntahan mo nalang siya at  maghahanda ako ng meryinda niyo." Sabi ni manang kaya tumango ako. At dahang dahang naglalakad patungo sa kanya.

  " Ah ahm..." Nakagat ko yong labi ko, hindi ko kasi alam ang sasabihin ko.

Sa wakas ay humarap na ito sakin, agad tumibok ang puso na parang mga kabayo na tumatakto. Ang gwapo gwapo niya sa suot niya kahit simple lang, parang siyang model na naligaw sa shoot niya. Ang pupungay din ng mata niya na parang inaantok pag tumingin sayo.
At nakadagdag din ang suot niyang sunglass.

  Naglulumikot yong mata. Hindi ko alam pero nahihiya ako.

   "You're here." Baritong sabi niya, at tinanggal ang sunglass niya bago pasadahan ang buhok sa kamay niya. Shit, ang gwapo.

   "Ahm Oo, gagawa na ba tayo ng project natin?" Nahihiyang sabi ko.

  " Sit first" sabi niya at tinuro ang kaharap niya na sofa din. Kaya umupo ako at pinagsiklop ang mga kamay.
  

    Maigi niya aking tinignan, kaya naiilang ako.

  "Ah ahm anong uunahin natin?" Tanong ko

  " Lets buy the materials that we needed." Sabi niya .

Kinapa ko yong bulsa ko para kuhanin yong pitaka ko, nagdala kasi ako ng pera para talaga sa materials na gagamitin namin. Kinapa ko sa kabila bulsa ko ng hindi ko makapa sa left side ng suot kong short na abot sa tuhod. wala din wag mong sabihing na iwan ko? Fudge!

Ngumiti ako ng hilaw sa kanya. " Naiwan ko kasi yong wallet ko hehe."

   " You don't need to, I wil buy the materials. Just come with me. " Sabi niya kaya nakahinga ako ng maluwag.


**

Enjoy reading 😁

Vote and comment po

Salamat pala sa nag vote ng
YM .

And sorry mga typos.

You're Mine(BXB)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora