Minsan mapapaisip ka na lang, may mga bagay na kailangan kinakalimutan sa malalamig na gabi na ang kayakap ay kadiliman. Ikaw siya paano ba natin sisimulan kung una palang natapos na. Hindi ikaw kundi ako ilang beses na ba natin nasisi ang isat isa. Malamang sa malamang mahina ang bawat isa para sumuko. Pilit kinalimutan pero namamatay sa lungkot ng kadiliman. Sa bawat pag alpas ng luha, gustuhin ko man pigilan ngunit nabuhos na ang lahat. Siguro yun yung panahon, ubos na ako sa lahat ng nakimkim ko.
Ngayon ko tatapusin ang modernong luha na hindi nakakakita.