Tinungo niya ang kusina, doon niya naabutan ang kanyang Tita Johan na naghahanda ng kanilang umagahan.

"Good morning, tita." Bati niya, nang tuluyan siyang makalapit. Kahit sa kalayuan ay amoy pa lang ang niluluto ng kanyang Tita Johan.

Iyon ang una niyang beses na maamoy ang ganyang klase ng luto, pero sa amoy pa lang. Alam niyang masarap.

Sa ilang araw niyang namamalagi sa Pangasinan, talagang nasanay na siya sa mga pagkain na lutong probinsya. Hindi naman mapili ang kanyang tiyan, kaya wala namang nagiging problema sa kanya pagdating sa kung anong inihahanda ng kanyang Tita Johan na kinakain nila sa araw-araw.

Bumaling naman ang kanyang Tita Johan sa gawi niya. "Good morning," Nakangiti nitong bati sa kanya. "Ang aga mo yata magising. May lakad ka ba ngayon?" Usisa ng kanyang Tita Johan.

"Wala naman, tita. I just slept early." Tugon niya. "What do you call that dish, tita?" Nanatili ang tingin niya sa niluluto habang patuloy na hinahalo iyon ni Johan.

Saglit siyang binalingan ni Johan. "We called it here, sopas."

Tipid lang na ngumiti at tumango si Adam.

"Maupo kana diyan at paghahanda kita." Sumunod naman siya sa utos ng kanyang Tita Johan. Nang maluto ang sopas, pinaghanda siya ni Johan. "Kumain ka na, ihahatid ko lang 'to diyan sa tapat." Ipinakita ni Johan ang tupperware na naglalaman ng niluto niyang sopas.

Napatayo naman kaagad si Adam. "Ako na po."

Nagulat naman ang kanyang Tita Johan sa biglaan nitong pag boluntaryo. "Ako na, kumain ka na lang diyan." Tanggi ni Johan.

"It's okay, tita. I insist." Nagpupumilit na aniya.

"Hay, sige na nga. Mukhang mapilit ka. Tumawag ka na lang, Si Kennedy o si Karina." Tumango siya bilang tugon.

MADILIM pa sa paligid ng nakalabas si Adam sa gate. Maga-alasais pa lang kasi ng umaga. Hindi na siya nagdalawang isip na lumipat sa kabilang bahay, magkatapat lang naman kasi iyon.

"Tao po..." Pagtawag niya mula sa labas. Naaaninag niya ang ilaw sa loob ng bahay, senyales na may gising na sa loob.

Makaraan naman ang ilang minuto niyang paghihintay, tsaka lang may lumabas. Bumungad sa kanya si Mr. Tolentino na tingin niya nasa 50s pa lang.

"Good morning, sir." Bungad niyang bati, nang makalapit iyon sa kanya.

"Magandang umaga rin sa iyo." Bati pabalik ni Mr. Tolentino. "Anong maipaglilingkod ko sa iyo?"

Pinakita niya ang dalang tupperware, na hinanda ng kanyang Tita Johan. "Pinapa-abot po ni tita."

Binuksan naman ni Mr. Tolentino ang kanilang gate, tila kahit hindi nasabi ni Adam kung sino ang tinutukoy niyang tita. Alam na kaagad iyon ni Mr. Tolentino. "Tuloy ka."

Pagkapasok nilang dalawa sa loob inabot naman niya kay Mr. Tolentino ang dala niya. "Maupo ka muna, tawagin ko lang ang misis ko."

Tumango siya. "Thank you, sir."

Habang naghihintay si Adam sa pagbabalik ni Mr. Tolentino. Kinuha niya ang pagkakataon na 'yon para mapasadahan ng tingin ang bahay. Simple lang, nakadikit ang mga picture frames sa dingding. Medyo malabo sa paningin niya kung kaninong litrato 'yon kanyang nakita, kaya hinayaan na lamang niya. Makikita mo rin ang kalinisan ng bahay. Wala kang makikitang dumi, kahit sino ang pumasok mahihiyang magkalat.

Nawala ang atensyon niya sa pagtingin sa paligid nang marinig ang boses na nagmumula sa isang babae. Siguro, iyon na ang misis na tinutukoy ng ginoo sa kanya.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon