Halos maestatwa ako sa kinatatayuan ko nang biglang bumagsak sa sahig 'yong lalakeng kanina pa ako ginugulo. Nakahawak ito sa gilid ng labi niyang may dugo. Nabasag at nagkalat sa sahig 'yung basong hawak niya. Hindi pa rin ako makagalaw dahil sa gulat. Dahan-dahan kong nilingon kung sino man 'yung sumuntok sa kanya.

Kazuo..?

"Problema mo ba, tol? Sabing ayaw niya, 'di ba?" Mahinahong tanong niya ngunit bakas sa kanyang mga mata ang galit niya rito sa lalakeng nakahiga pa rin sa sahig.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao, lumapit na rin sila Drake at Fourthsky sa'min. Nanatili akong nakatayo habang nakatitig kay Kazuo na aamba pa uli ng suntok ngunit pinigilan ito ni Fourthsky.

"What happened?" Nag-aalalang tanong ni Drake sa 'kin.

Hindi ko na alam kung ano ang sunod na nangyari. Natauhan na lang ako nang mapagtanto kong asa parking na uli kaming lahat. Hindi naman na bago sa 'kin ang gano'ng kaganapan sa mga club na ganito. Kaya ko naman talaga ipagtanggol ang sarili ko. Minsan pa nga, e, sumesenyas pa ako sa mga tropa kong kasama pag hindi ko na kaya itaboy ang humaharot sa'kin.

Pero 'yung kanina... aminado akong nahirapan ako dahil makisig ang bastos na 'yon. Ang hirap niya itulak at sumakto pa na nahihilo na rin ako.

He punched that bastard.

"Are you okay na ba? You're spacing out," malambing na tanong ni Audrey sa 'kin habang hinihimas ang likod ko.

Lahat sila ay sa 'kin lang nakatingin, para bang hinihintay nila akong mag salita o kung ano man. Pinasadahan ko sila lahat ng tingin, bakas pa rin sa mga mata nina Drake, Kazuo, at Fourthsky ang galit dahil sa nangyari.

Si Fourthsky ay nasa likod lang ni Audrey nakatayo pero kita ko ang mga nakaw na tingin nito sa best friend ko. Si Astrid naman ay hinahaplos ang braso ni Kuya para pakalmahin ito, at si Kazuo... nanatili lang siyang nakasandal sa kaniyang Raptor habang naka-halukipkip.

"Thank you, Kazu. Sorry napa-away ka pa," nahihiyang sabi ko dito.

"You should've called us the first time he harassed you. You let that son of a bitch do the same shit twice," iritang singit ni Drake.

"S-sorry. I tried to push him away naman. Kaya ko naman sarili ko, e, kaso nung pangalawang beses ang higpit na nang kapit niya," nauutal kong paliwanag sa kanya.

"Tara coffee muna bago umuwi, maaga pa kayo mamaya," aya ni Kazuo.

Papunta kami ngayon sa pinaka-malapit na Starbucks to sober up dahil quarter to 4 o'clock na rin. Tahimik pa rin si Kazuo. Walang imik. Walang emosyon o kahit na ano.

Gusto ko na putulin ang katahimikan pero hindi ko alam kung papaano at saan sisimulan, parang natuyo na ata lahat ng laway ko. Madaldal akong tao pero bakit biglang umurong bigla ang dila ko?

"Kazu... Thank you," I murmured.

Dinapuan niya 'ko ng tingin. "Wala 'yun. Sorry nabigla ka ata sa nangyari. 'Di ko lang kaya mapirmi sa isang gilid habang may babaeng binabastos sa harapan ko... tapos ikaw pa ang binastos." Umiling ito.

He's mysterious, quiet, emotionless, silent but deadly, at mukhang playboy, but because of what he did kanina just to save me from that manyak... interesting ka.

Kazuo Takeshi.

"May hoodie ako sa likod. Suotin mo, malamig sa labas," aniya.

Hindi na lang ako nagsalita, mukhang pinag hoodie rin naman ni Fourthsky si Audrey. Less than 30 minutes lang ang travel time from the club papunta rito, sa coffee shop na medyo may kalayuan pa rin sa bahay. Kami na lang ni Kazuo ang hindi pa bumababa sa kotse kaya minadali ko na ang pagkuha ng gray hoodie niya sa likod at dali-dali ko itong sinuot.

Bawat Daan (Puhon Series #1)Where stories live. Discover now