Episode 35:Third Target of Elfame Mafia

Comincia dall'inizio
                                    


" Maraming dugo ang kailangan natin. Okay lang ba yun sayo? "


" Basta ba maililigtas niyo ang kasamahan namin."


" Kung ganun ay pumasok na tayo para maumpisahan na natin ang blood transfusion." Una ng pumasok sa loob ng emergency room ang doktor.


" Maraming salamat Kael." Yumakap si Elsa sakanya.


" Konting bagay lang naman 'to Elsa. Di mo na kailangang magpasalamat pa." Natatawa namang sabi ni Kael. Napakabait talaga ni Kael. Kahit di niya gaano kasundo si Hell ay nagpresenta pa rin siya para mailigtas ang buhay ni Hell.


At pumasok na sa loob si Kael. " Mabait nga pala talaga yang kaibigan mo Bossing." Sabi ni Benz kaya ngumiti ako. Likas na talaga kay Kael ang tumulong kahit noon pa.


Napatingin kaming lahat kay Hugo nung magsalita ito " Aalis na muna ako."

" Baket ka aalis? " Hindi makapaniwalang tanong ni Ish. " Kailangan tayo ni Hell ngayon, Hugo "


" May aayusin lang ako sa companya." Sagot naman ni Hugo habang straight na nakatingin kay Ish.


" Pansin kong medyo napapadalas na yang problema sa companya ah."


" Ganun talaga. Maraming nagsusubok na patumbahin tayo." Sagot niya " Sige na, aalis nako."


" Mag iingat ka Hugo." Paalala ko. Ngumiti naman siya. " Salamat Boss " Pagkatapos ay umalis na siya. Parang kakaiba ang ngiti niyang iyon. May problema kaya si Hugo?


" Napaka sipag talaga ni Hugo pagdating sa pagtatrabaho." Benz.


" Lumaki kasi yang mag isa si Hugo." Sabi ni Ish. " Actually marangyang Pamilya naman talaga ang mga Arsenal. At isang marangyang bata yan si Hugo noon. Pero isang gabi ang nagbago sa buhay niya. Pinatay ang buong pamilya niya nung gabing yun. Siya lang ang tanging nabuhay dahil itinago siya ng mga magulang niya sa isang tagong lugar ng mansyon nila. Simula nun ay lumaki ng walang pamilya si Hugo. Naging palaboy siya, ginagawa niya lahat ng bagay para lang mabuhay. Dumating nga din sa punto na pinasok niya pa ang pagtutulak ng droga dahil wala na siyang mahanap na trabaho. At di ko na alam pa ang mga sumunod na nangyari sakanya. Isang araw ay nirecruit nalang siya ni Boss Vlad para gawing myembro ng Virgo Mafia. Iyon ang kwento niya sakin."


Ang lungkot pala ng naging nakaraan ni Hugo, halos magkatulad lang kami ng sinapit. Medyo matagal na ako dito sa Virgo Mafia pero marami parin pala talaga akong hindi nalalaman tungkol sa grupo at sa mga myembro nito.


" Lalabas na muna ako sandali." Paalam ko


" Aalis ka din Boss? " Ish


" Hindi, magpapahangin lang ako. Babalik din agad ako."


" Gusto mo ng kasama Bossing? " Benz


VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora