"What the hell is going on. . ." bulong ko sa sarili ko kasabay ng kilabot na dumaloy sa katawan ko.

Napatingin ulit ako sa mga kaklaseng nakapaligid sa akin at mas lalo pa akong kinilabutan nang mapansing palakas nang palakas ang boses nila.


Sampung katawan sa silid-aralan!

Ang mga mata ay nakasabit sa pisara!

Sampung kaluluwa ay dapat punan!

Ikaw ay kanyang makukuha!


Para nang sasabog ang ulo ko sa lakas ng mga boses nila. Dali-dali kong tinakpan ang mga tenga at pumikit nang mariin. Doon ko lang napansin na napakalakas pala ng tibok ng puso ko at nanginginig ang mga kamay ko.

Nang mapansin kong tumahimik ang paligid, unti-unti kong binuksan ang aking mga mata.

Bigla akong nakaramdam ng labis na takot nang mapansing huminto na pala ang guro sa pagsusulat sa pisara at nanatili lang siyang nakaharap dito, hindi gumagalaw sa kinatatayuan.

Wait. . . Who the hell is she?

"May naririnig akong maingay. . ." Umalingawngaw ang boses niyang malambing at tila ba pakanta. Unti-unti siyang lumingon habang may malawak na ngisi sa mukhang walang kakulay-kulay.

Hindi ako nakagalaw sa sobrang takot. 

She's not a teacher here! I've never seen her before!

Umikot siya nang tuluyan at nanatiling nakatayo sa harapan naming lahat. Hindi man siya gumagalaw, nanatili ang kanyang malawak na ngisi. Makaraan ang ilang sandali, napansin ko ang mga mata niyang gumagalaw mula sa kanan hanggang sa kaliwa. Saka ko lang napagtanto ang kanyang ginagawa—pinapakiramdaman niya ang paligid!

Para nang sasabog ang puso ko sa takot. Wala akong ibang magawa kundi humawak nang mahigpit sa palda ko.

Nagsimula siyang humakbang papalapit, kung saan-saan pa rin ang tingin habang may malapad na ngisi. Ayokong magtama ang mga tingin namin kaya muli akong pumikit.

Narinig ko ang mabagal niyang paghakbang, at tila ba sumasabay rito ang tibok ng puso ko. Palakas nang palakas ang mga hakbang niya kaya alam kong papalapit siya sa akin.

Naninikip na ang dibdib ko at para na akong hahangos. Natatakot akong gumawa ng kahit na anong ingay. Pilit kong pinagdikit ang mga labi kasabay ng tuluyang pagpatak ng mga luha ko.

Huminto ang mga yapak sa mismong tabi ko. Lalo akong nanginig at hindi na ako halos makahinga. Sa kabila nito, unti-unti akong dumilat.

Para akong tinakasan ng lakas sa buong katawan nang makitang nakatayo ang babae sa tabi ko, ngunit nakaharap siya kay Leroy! 

"Kenna, sorry!"

Sa isang iglap, biglang may bumulusok na sakit sa hita ko. 

Napadilat ako't napasinghap. Natagpuan ko ang sarili kong sumisigaw, ngunit walang boses na lumalabas dahil sa mga kamay na nakatakip sa bibig ko.

"Shh! Shh! Shh!"

Humahangos man at nalulula sa sobrang kalituhan, pansin kong may nakayakap sa akin at may isa namang na nakahawak sa mga tuhod ko na para bang pinipigilan akong gumalaw. Dahil sa katahimikan ng paligid, halos rinig ko na ang bawat mabibigat nilang paghinga.

I continued to gasp like a fish out of water, trembling and crying in silence. But then I noticed it. . . I noticed where I was.

Nasa loob pa rin ako ng isang classroom, ngunit napakadilim at nanunuot sa hangin ang hindi maipaliwanag na amoy. Ang tanging liwanag ay nanggagaling lang sa malaking kandila na nakasindi sa ibabaw ng mesang tila ba babagsak na sa sahig. 

Pansin ko ang anino ng mga sapot ng gagamba, pati na ng mga sirang blackboard at desk. Okupado ang mga upuan sa paligid, ngunit parang may kakaiba. Pilit ko itong tinitigan at nagimbal ako nang mapagtantong mga kalansay at naaagnas na mga bangkay ang nasa mga upuan!

Bigla akong may narinig na malulutong na tunog at tila ba nanggagaling ito sa tabi namin. Dahan-dahan akong humarap sa direksiyon nito. 

Nakita ko ang isang malaki at maitim na pigurang nakayuko sa harap ng upuan. Hindi ko man makita nang malinaw ang hitsura niya, kitang-kita ko naman kung ano ang ginagawa niya—nilalapa niya ang braso ng bangkay ni Leroy! Ang naririnig kong malulutong na tunog ay gawa ng mga buto nitong nababali niya!

"Guys, get ready to run like hell!"



Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


High School LockdownWhere stories live. Discover now