KABANATA 17

13K 821 310
                                    

Kabanata 17.   

THANARIAZHA'S POINT OF VIEW

Hindi pa man tapos magluto ng tanghalian si Charry ay nakita kong dumating na si Zyr. Tiningnan ko ito at pinagmasdan ko ang gwapo  niyang mukha. Nang magtama ang paningin naming dalawa ay tumitig pa ito ng mariin sa akin kaya naman napaiwas ako ng tingin.

He's everyday handsome.

Naupo ito sa katapat kong sofa. Nagpatuloy naman ako sa pagbabasa ng dyaryo.

"Thana" tawag nito sa akin.

"Why?" Walang ganang saad ko dito.

Kinalma ko naman ang puso ko na kanina pa mabilis ang tibok simula ng dumating si Zyr. Para bang lagi itong tumatalon sa tuwa kapag nasa malapit si Zyr.

"Nothing" saad  nito sa akin. Tumango naman ako.

"I guess you already know about the incoming war" pahayag ni Zyr. Sinulyapan ko naman siya saglit bago tumango.

"Yes, it's in the news" tugon ko sa kaniya.

"Lady Thana, tapos na po akong magluto. Pakitawag nalang ako kapag tapos na kayong kumain" nakangiting pahayag sa akin ni Charry at mabilis nawala sa aming paningin. Narinig ko nalamang ang pagsara ng pinto ng aking bahay.

Tiniklop ko naman ang newspaper. Nilapag ko iyon sa sofa bago tumayo at nagtungo sa may dining room. Nakasunod naman sa akin si Zyr.

Magkatapat kaming naupo at tahimik lang akong kumain. Paminsan-minsan ay sinusulyapan ko siya. Seryoso naman ang kaniyang mukha.

"Zyr, is the war already confirmed?" Tanong ko dito.

"Not yet. There's still time to negotiate" sagot nito sa akin. Napatango naman ako.

"But, are you not the one who's in-charge of this matter?" Tanong ko dito.

"I am and I asked the king to let me stay in northern land" pahayag nito.

Hindi ko naman iyon inaasahan at mas lalong hindi ko inaasahan na papayag ang hari dahil masyadong kritikal ang sitwasyon ngayon. Sa pagkakatanda ko ay hindi ito ang tipo ng tao na babaliwalain lang ang mga kasalukuyang nangyayari.

"They should sacrifice the princess. If they arrange a marriage alliance between two kingdoms. We can avoid the war by doing that" pahayag ko naman.

Tumango naman si Zyr.

"Some of the court officials already suggested that. They are now just waiting for the king's decision" sagot naman ni Zyr.

Hindi na nakakagulat. Isa iyong maganda at malinis na plano. Iba iyon kapag nagpadala ng hostage sa kalabang kingdom. Dahil ang posisyon ng isang hostage ay hindi maganda. Pwede itong mapatay kahit anong oras at kapag nangyari yon, pwede pa rin pagsimulan ng war. Pero kapag naman kinasal ang dalawang direct descendant ng royal family ay walang magagawa ang dalawang kingdom. Sa paraan na yon, pwedeng maiwasan ang war habang buhay.

Pero madaming pagkakataon na hindi nagkakaroon ng marriage alliance ang dalawang kingdom. Lalo kapag gusto talagang magsimula ng war ang kalabang kingdom.

Nang matapos kaming kumain ay hindi ko na tinawag si Charry. Mabilis din akong nagtoothbrush kasabay si Zyr. Nagvolunteer naman si Zyr na hugasan ang aming pinagkainan. Hindi ko naman ito pinigilan dahil normal na rin ito at lagi niya iyong ginagawa.

Tumaas naman ako sa aking kwarto. Umupo ako sa harap ng salamin at nagpractice ulit na ngumiti. Balak ko sanang ngitian si Zyr kanina dahil masaya ako na nagkaroon kami ng maayos na diskusyon ngunit hindi ko nagawa dahil naalala ko kung gaano nakakakilabot ang ngiti ko.

The Hero Is My VillainWhere stories live. Discover now