Oh, if that's what it takes to learn that sweet heart of yours

Ganyan naba ka kapal ang mukha mo para harap harapang sabihin sakin ang mga ganyang linya?

Talaga bang patay na patay ka sakin

And I might never get there, but I'm gonna try

Buti naman alam mo. Hindi! Nakakinis na!

Humiga siya sa damuhan habang nakabukas ang kaliwang braso niya tas tinap ang gilid niha na para bang nagsasabi na tabihan ko siya

Napakuyom ang kamao ko dahil alam ko na ang patutunguhan

Napatitig na lamang ako sa kanya, at kahit na alam kong mali ito gusto kong gawin

Gusto kong sundin ang puso ko.

If it's ten thousand hours or the rest of my life

Humiga ako sa damuhan katabi siya at ginawang unan ang braso niya sabay tingin sa magandang kalawakan

Dama ko ang labi niya na dumampi sa noo ko na kinalambot lalo ng puso ko

I'm gonna love you

Nakangiting kanta niya sabay pisil ng ilong ko pero di ko pinansin iyon bagkos tinitigan ko siya

Parang maluha ako ng wala sa oras, di ko alam kung saan ako humugot ng lakas at kakapalan ng mukha para yakapin siya

Sa mga oras nato parang ayaw ko na siyang bitawan dahil sa oras na bitawan ko siya, natatakot akong lulubog siya ng hindi ako kasama

Lunalalim na ang nararamdaman niya sakin habang heto ako naguguluhan pa

Di ko alam kong paano ko haharapin si Lewis, kung pano ko sasabihin sa kanya kung ano itong nararamdaman ko

"Bitawan mo na ako at matulog kana" natatawang niyang saad pero di ako umimik at nakayakap pa din sa kanya

Kapag bibitawan ko siya baka hindi ko na siya mahawakan ulit.

Pano ako makakatulog? Kung nalilito ang puso at isip ko?

Pano ako makakatulog sa damuhan?

"Hindi kita iiwan phoenicia, mamatay man ako" aniya kaya nalipat ang tingin ko sa kanya sabay sama ng tingin

May mamatay bang hindi nang iiwan? Kaya nga iwan kasi patay na!

Muli siyang tumawa kaya sinobsob ko ang mukha sa dibdib niya

Paano kita panghahawakan? Kung di ko alam pano harapin si Lewis.

May nararamdaman parin ako kay Lewis,pero.... Nakakagulo na

Pinikit ko ang aking mga mata at hinayaan ang sarili na matulog habang niyayakap siya.

Nagising ako sa malambot na kama, makapal na kumot kaya agad kong nilibot ang tingin

Nasa kwarto ako napatingin ako sa gilid ko at ako lang mag isa kaya napahinga naman akong maluwag.

Ginawa ko ang morning routines ko at mabilis na lumabas sa kwarto ko

Napakunot ang noo ko ng makita si Vanellope, Josh at Cyrus na seryosong nag uusap

EXTRAVAGANT [FUTURE AND PRESENT]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora