PART 42

82 4 0
                                    

Xia POV

Kasalukuyan akong nakahiga sa damuhan, sa ilalim ng malaking puno habang tanaw ang malawak na kalangitan

Di ako makapaniwala na may mansion din si Cyrus sa Xansix, Shanqia

Nakalimutan kong nasabi niya sakin na may matutuluyan kami as long as legendary royal Exist, as long as we exist.

Si Vanellope at Josh na nasa loob inaayos ang lahat habang si Cyrus na nagpapahinga sa silid niya, ako naman na di pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina

Nagsisimula nang lumubog ang araw, Pinikit ko na lamang ang mga mata at naisipang pumunta sa dream land.

"Mr. valler! Ace" masigalang bati ko ng makita ko sila na naka upo habang nag painting

Agad napatayo si Ace at agad akong niyakap ng mahigpit kaya napatawa na lamang ako

Lumapit ako kay Mr. valler at yumakap din na ginantihan niya din

"Napakalungkot ng mga mata mo, taliwas sa kinikilos mo ngayon" saad ni Mr. Valler kaya agad akong nag iwas ng tingin

Pinaharap niya ako sa isang tubig na nakalagay sa timba, napaka kalmado nito dahilan para makita ko ang repleksyon ng sarili ko

My blue-green Eyes.

"Nasan na ang masiglang mga mata ng Phoenicia namin?" Tanong niya kaya napabuntong hininga na lamang ako sabay nguso sa harap niya

"I'm just tired" saad ko

Umupo naman pabalik si Ace kaya marahan akong humiga sa lap niya kaya napailing na lamang si Mr. Valler

"Kayo na muna rito" saad niya at umalis kaya napangiwi na lamang ako sabay tingin kay Ace na nakangiting naka tingin sakin

"Gumanda ka lalo" aniya kaya napairap ako sabay takip ng mga mata niya na kinatawa niya

Ilang sandali pa, isang buntong hininga ang binitawan niya kaya napatingin ako sa kanya ng seryoso

"Hindi na bumabalik si Khen" saad niya kaya napaiwas ako ng tingin

Maski ako na di ko alam kung bakit kunting panahon para gawin yun ni Lewis hindi man lang niya ginawa

Ang magparamdam sakin, samin. Pero mukang tuluyan na niya akong kinalimutan at mas pinili ang pagiging prinsipe niya

"Siguro busy lang" sambit ko sa kanya kaya nabaling ang tingin ni Ace sakin

"Right, hindi kayo magkasama" mapaklang aniya

Maski si Ace na naapektuhan din, sana inisip man lang yun ni Lewis

Ito ang napakaligtas na lugar para pag usapan ang mga maseselang usapin pero bakit? Bakit di man lang bumisita si Lewis at sabihin ang nangyayari?

Napapikit na lamang ako namalayan ko na lamang na isang mainit na palad ang pumahid sa mga luha ko

Agad akong napamulat nanlaki pa ang mata ko ng wala na ako sa dream land and i see Cyrus staring at me deeply.

"Gising kana!" Saad ko sabay tayo pero malamig lang siyang nakatingin sakin

EXTRAVAGANT [FUTURE AND PRESENT]Where stories live. Discover now