Bumaba ako ng kotse habang hawak hawak ang kamay niya at sabay kaming pumasok sa loob

Naa amoy ko ang mga masasarap nilang pagkain dito kaya agad akong umupo sa bakanteng upuan

"Yung pang broken na pagkain" rinig kong sambit ni Cyrus sa waiter kaya akma ko na sana siya babatukan ng tumawa ang waiter na kaharap namin

"Ilan po" natatawa pa nitong sagot kaya pati itong waiter sinamaan ko ng tingin

"Sunugin ko kaya kayo ng buhay!" Gigil na asik ko dahilan para napatingin samin ang lahat

Wala akong paki!

"Wala pa kaming sunog na buhay pa mam" sagot nito sakin

Ano daw!?

Ginagago ba ako ng waiter nato! Si Cyrus naman ang napatawa kaya napakuyoom ang kamao

"Ikaw sunugin ko sabi ko!!" Inis na sambit ko

"Wala po kaming ikaw na sunog maam" balik nito sakin

Ay gago!

Di na lamang ako umimik at nag iwas ng tingin sabay taas ng kamay ko kasabay nun ang pag laho ng waiter sa harap ko

Ayun napadpad sa huling pader ng restaurant nato

May lumapit na babaeng waiter kaya tinakpan ko na lamang ang tainga ko dahil nakakadagdag stress.

Si Cyrus at Ang babaeng waiter ang nag usap at pansin ko pa ang ngiti ng babae pati na ang malagkit nitong titig kay Cyrus

Di ko alam pero nakaramdam ako ng inis kaya wala sa oras kong nasapak ang mesa

"Pinakamahal na food! Dalawang serve! Yun lang! Walang halong linta!!" Inis na asik ko kaya napamaang naman ang Waiter na babae at tumango tyaka marahan na sumulyap pa kay Cyrus at akmang ngingiti

"Isang ngiti mo pa ikaw kakainin ko!" Inis na sambit ko napalunok ito ng laway at agad na umalis sa harapan namin kaya agad akong napatingin kay Cyrus na nakataas ang kilay na tumingin sakin

"Stop shouting baka sabihin ng iba baliw kana" aniya kaya sinamaan ko lang siya ng tingin sabay Cross arm sa harap niya

Sumandal siya sa upuan niya at malagkit na tumitig sakin habang ako nililibot ang tingin sa lugar

Maganda dito tyaka malawak ang lugar

"Stop staring at me" inis na saad ko sabay takip ng dalawang mata niya gamit ang kamay ko

Nakaka inis kasi!! Nakakairita ang titig niya

Tumawa lang siya sabay hawak pa sa kamay ko na nakatakip sa mata niya at akmang i alis pero diniin ko ang pag katakip sa mata niya

Napa atras siya kaya di ko na siya ma abot at bumagsak sa mesa ang kamay ko habang hawak hawak niya

Magkatapat kami ng upuan kaya ang hirap niyang batukan.

Dumating yung inorder namin na daldala ng babae kanina, kita ko naman ang pag iba ng awra ni Cyrus ng umayos ako ng upo

EXTRAVAGANT [FUTURE AND PRESENT]Where stories live. Discover now