SEATMATE

20 5 0
                                        

THIS ONE SHOT STORY WAS NOT WRITTEN BY ME! I read this story when I was elementary. Nakaebook pa siya noon and this is the first one shot story that I read. To the original writer, I like this one shot so much!

Seatmate

*One Shot Story*



Zid's POV*

Alam mo yung feeling na gustong gusto mo siya pero hindi mo masabi kasi wala kang lakas ng loob or talagang wala ka lang kasing K kumpara sa mga taong umaaligid sakanya.

Hays. Nakakainis naman eh!

"Hey Zid, nagawa mo na assignment natin?" ayan na ang bumubuo ng araw ko, linapag niya bag niya sa baba ng chair niya. Ako naman parang timang na nakatingin lang sakanya.

Bumalik lang ako sa katotohanan ng bigla siyang mag wave wave sa harap ko at tawa ng tawa.

"AY AY! Ano ba yan..uh assignment, oo ikaw nagawa mo na? Gusto mong kopyahin?" dire diretsong sagot ko

"Talaga? Bait talaga ng seatmate ko ah. Akalain mo 3 years ikaw lang naging seatmate ko? Sana next year ulit" sabi ni Alex Kit Ramos

Si Alex Kit Ramos lang naman ang isa sa mga pinaka gwapo sa batch namin. Siya lang naman ang seatmate ko 3 years in a row- di ba sign na un?

Hays.

Hindi ko tuloy siya nasagot. Tahimik lang siyang nangongopya ng assignment. Bakit kasi ang gwapo niya? Palabiro at tsaka may dimples? Kahinaan ko pamandin yun!

"Uy Zid, salamat ha. Napuyat kasi ako kagabi kaya di ko nagawa" kumakamot na sabi niya habang inaabot sa akin yung paper ko

"Sus napuyat sa kakalaro ang sabihin mo. Magbago ka na nga! 3rd year na tayo ganyan ka parin!" asar ko sakanya at ambilis parin ng pintig ng puso ko kahit lagi naman naming routine to.
"Nag aaral naman ako minsan Haha. Kilala mo na ba yung bagong girlfriend ko?"

"Nanaman? Naku, magbago ka na kasi. Settle ka sa isang babae lang.. uh.." napatigil ako, ano naman daw tong pinag sasabi ko?! TT3TT

"HAHA. Anong meron sayo. Usually nanghihingi ka agad ng picture eh. Nagbreak na kami kanina, masyadong nangingialam ng gamit eh ayaw na ayaw ko pamandin un"

"May ganun eh kung ipagkalat mo nga mga gamit mo dito sa desk ko eh, tsk ang arte mo talaga Alex!"

"Di bale ikaw naman eh. Pinagkakatiwalaan naman kita" sabay ngiti at tayo, anjan na pala yung teacher namin.

Bakit ganyan siya?

Hala. Hindi naman niya alam nararamdaman ko. Eh paano ko siya masisisi?

Hindi tuloy ako makaconcentrate sa klase. Ang hirap naman pala ng ganito?

**

"Hey you Zid. Tulala ka nanaman. Sabihin mo na kasi sakanya!" sabay sundot sa akin ni Krissie bestfriend ko

"Anong sabihin? Meron ba akong sasabihin?" >3<

"Pasimple ka pa eh ilang beses mong sinasabi na patay na patay ka jan kay Alex. Hello? 3rd year na tayo baka mamaya ma kick out yan dahil sa hindi nag aaral tapos di mo na makita tapos makakahanap pa siya ng iba ibang tao tapos---"

"HEP HEP HEP! Ano ba Krissie mamaya may makarinig sayo. Naman kasi eh, tignan mo naman ako. Magkakagusto ba siya isang napaka simpleng gaya ko?!"

"HOY ikaw na ang sumisigaw. Kahit na, kesa naman yang hindi ka na nakakaconcentrate dahil sakanya noh!"
"Kasi naman, bakit sa dinami dami pa eh. Sana babae nalang mga naging seatmate ko eh!"

SEATMATEStories to obsess over. Discover now