Ch. XXIII

60 4 8
                                    

Ch. XXIII

▬▬▬▬▬

NATAHIMIK NGA SIGURO ang mga basher sa loob ng two years, pero nandiyan pa rin sila. Instagram na nga lang ang ginagamit ko, pero kita ko pa rin 'yong pagaaligid nila sa comment. Natahimik lang, pero 'di sila nawala. Naghihintay lang nang perfect timing para atakihin ulit ako.

At ngayon ang nakita nilang perfect timing.

"Pa'no pala, madam, kung iisa lang 'yong nag-post sa inyo ni Saulas noon at 'yong nag-post ulit ngayon?" tanong ni Conrad, kausap ko sa phone.

Bullshit pala kung gano'n.

Peste. Kahit anong gawin ko, 'di ako makapanood nang maayos. Kailangan kong mag-focus para sa audition ko next week, pero heto na naman ang letseng kamalasang bumisita sa 'kin.

"'Pag talaga ako nakita ko 'yong gag- ewan ko ba. Wala na talagang magawa sa buhay 'yong mga tao ngayon," dagdag niya. "Hoy, Thea, an'dyan ka pa? Bakit hindi ka nagsasalita? Speechless?"

"True."

Third time ba naman, 'di ka maii-speechless?

May nag-post nang picture namin ni Saulas, magka-holding hands palabas ng mall. Picture 'yon no'ng last kaming nanood ng sine. Natural inisip kaga'd na kami na nga, which only serves as a proof to our last issue: that he cheated on Farah two years ago with me.

Mula nang ihatid ako ni Saulas, nag-iisip na ko kung pa'no ko i-eexplain ang side ko ng maayos. 'Yong 'di ma-mimisinterpret at maiintindihan nila. Kaso na-realize ko na tulad ng dati, kahit pa'nong explain ang gawin ko, kung bingi naman ang mga bored na basher na 'to, 'di pa rin nila maiintindihan.

Kaya binalik ko na lang 'yong pansin ko sa pag-reready sa audition kaysa sayangin ko na naman 'yong oras ko. Kaso, heto nga, lumilipad pa rin 'yong isip ko.

"Kailan ba 'ko ku-quota sa mga issue na 'to?"

Natahimik si Conrad.

"Kailangan ko na naman bang mag-deactivate? Mag-eexplain ako pero masama pa rin 'yong tingin sa 'kin. Kapagod, bullshit."

My cursor hovered to the Twitter tab that I was using earlier. 'Di ko pa rin mapigilan 'yong sarili kong silipin 'yong mga sinasabing negative tungkol sa 'kin.

For I don't know how many times, trending na naman ang pangalan ko. Phenomenal na naman ang mukha kong 'to.

'Yong mga naniniwala sa 'kin noon, sinisiraan na rin ako ngayon. 'Yong mga shippers pa rin ni Farah at Saulas, pakalat-kalat sa Instagram ko.

"Alam natin kung ano 'yong totoo. Kung 'di sila makikinig, wala tayong magagawa. Ang importante, madam, alam mong wala kayong ginawang mali."

Tumango ako. Tama.

"Gano'n talaga, kahit magpaka-angel figure ka pa sa internet, may magagalit pa rin sa 'yo, 'di ba? Hindi talaga mape-please lahat. Basta ako, sina Tita, si Saulas, ikaw, alam natin 'yong totoo. Na wala kayong ginawang mali."

I smiled with his words.

"Thank you..." Pinatay ko ang laptop 'tsaka pinikit ang mata. "... for always believing in me."

Pumalatak siya. "Bakit ka nagda-drama?"

I chuckled. "Sira ulo, nagte-thank you lang drama na agad?"

Nagmulat ako nang may kumatok. Pamilyar 'yong boses na tumawag sa 'kin. Nagpaalam ako kay Conrad 'tsaka binuksan ang pinto.

"Good evening. Sorry, natutulog ka na ba?" salubong ni Saulas.

Spread Your Wings, Dorotheaजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें