Siguro dahil two years na akong single- not that I'm complaining- kakaiba na 'yong feeling ng giddiness para sa date namin. I've enjoyed my time being free for the past years.

Ngayong after nang two years na wala akong dinedate, feeling ko tuloy ito 'yong very first date ko. I'm feeling nervous and excited at the same time.

At sure ako, 'di lang ako 'yong nakaka-feel no'n.

Kabaliktaran nang maingay na traffic sa labas 'yong nakakabinging katahimikan nang kotse ni Saulas.

Sinundo niya ako sa apartment saktong sakto sa alas kwatrong usapan namin. Prepared na 'ko bago pa 'yon pero nakaka-concious pa rin kung mukha bang 'di ko naplantsa 'tong damit ko. Denim jumpsuit stretched above my knees with matching black Converse wedge.

Si Saulas naka-three fourth checkered- beige and black- at black trouser. His Balenciaga shoes matched with the casualty of my Converse.

Sumilip ako sa kaniya. Seryosong nagdadrive at kulang na lang umubo siya mula sa kanina pang pagtikhim. His hair's parted on the right side and neatly combed. No'ng nakita ko siya kanina, pinipigilan kong ngumiti.

Natural dapat medyo pakipot muna, alangan namang sabihin ko ka'gad 'ang gwapo mo yata ngayon?' nasa doorstep ko pa lang siya?

Maaga kaming nakarating sa diner. Sakto! Maabutan namin 'yong sunset habang kumakain.

The place is a deck view. Overlooking ang buong siyudad ng Manila mula rito. At dahil 'di pa gabi, kapalit ng city lights ang sunset. On the cream-colored sky scattered the almost orange looking clouds surrounding the sun. Nagkukulay ginto ang mga balat namin sa sinag ng araw. The yellowish-ambience was enough to relax me.

Golden hour.

Malamig ang yakap ng hangin. Bukod sa acoustic songs na mahinang tumutugtog, tahimik pa rin kami. Kaunti lang din ang mga tao. Naglalaro sa ilong ko 'yong amoy ng grilled pork at coffee.

"Ang ganda 'di ba?" sabi ko no'ng makitang nakatingin din si Saulas sa langit. Hinihintay namin ang mga order.

Tumango siya.

"'Yong ganda ng view na 'yan, 'yan 'yong reason kung ba't gustong gusto ko sa mga matataas na lugar."

Humarap siya sa 'kin. "Pansin ko nga. Kahit no'ng may mga field trips tayo mas nag-enjoy ka pa yata sa Arayat kesa sa mall."

"Ang sarap kaya sa feeling. Feeling ko gan'to ako kalaki, kataas, tapos 'yong mga galit sa 'kin, 'yong mga may ayaw sa 'kin 'tsaka 'yong mga problema, ayan gan'yan lang sila sa kaliit." Tinuro ko 'yong mga nagliliiting bahay at iba pang building na nakapalibot. "I'm bigger than them. Always bigger than them."

"You've always been." He glanced at me. "Thea, thank you for giving us a chance."

Something's poking in my chest.

Lumingon ako sa kaniya. His skin looked tan with the light. There's a reflection of his tall nose and eyelashes on his cheeks.

"Hindi ko alam kung pa'no ako aamin sa 'yo kasi... magkaibigan tayo. And, um, also the issues. Kaya palaging hindi ko natutuloy kasi baka wala ring chance." He pursed his lips, his hands under the table. "Kaya... thank you, for not hesitating unlike what I did."

"You don't have to thank me. May issue man o wala, I won't hesitate to tell you that I like you."

May nagtatagong ngiti sa labi niya. "And, um, I also want you to know that I believed you and that... that I never ever believed in those rumors about you. Because I know you."

Napatunghay ako sa kulay gintong mata niya sa mga sinabi.

Peste. Naubusan ako nang salita.

Sa dinami nang mga lalaking dinate ko, iisang lalaki lang 'yong nakapagsabi nang pinakahihintay ko. At sa layo-layo nang hinanap ko, nasa malapit lang pala ang hinihitay ko.

Spread Your Wings, DorotheaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant