"Wala." Tumingin ito sandali sa akin matapos ay ngumiti. Nabother ako sa ideya sa kung anong bumabagabag kay Aaron. Pero mas mabuti na rin naman na hindi ako mamilit dahil ayaw niyang sabihin.

"Here you go, cupcake. Your destination." Napatingin naman ako sa labas dahil sa sinabi ni Aaron. Nanlaki ang mga mata ko. Isa itong hotel. " Sa loob ng hotel hanapin mo iyon Casa Del Amor restaurant. Doon kayo magdedate ni Sac." Napatingin naman ako sa suot ko. Hindi ko akalain dadalhin niya ako sa class restaurant. "You are way too underdressed, cupcake but it's alright. Hindi naman nagdidiscriminate ang resto na iyan."

"Hindi ko naman inaasahan dito kami magdidinner." Kinakabahan kong inayos ang gamit ko. Para bang gusto ko ng magback out. "Akala ko baka doon sa dati namin kinainan lang. Hindi ganito." Inirapan na naman ako ni Aaron.

"Well, Sac is an old timer pagdating sa mga ganitong dates. He likes the classic formal dinner dates, old time music and all things pertaining to classic or old. Nasama ka na nga niya sa play di ba? So, kapag nabobore ka na kasama siya you can give me a call and I'll fetch you and we'll do something exciting." Pinanliitan ko ito ng mata. Hindi ko na gustong malaman ang sinasabi niyang exciting.

"Bahala na." Tinanggal ko na ang seatbelt ko at inayos ang damit ko na out of place sa lugar.

"Wait..." Natigilan ako sa pagbukas ng pintuan ng kotse at tiningnan si Aaron.

"Yes?"

"Lumapit ka nga at parang may mali sa'yo." Pinagtaasan ko siya ng kilay alam ko na maling-mali ang suot kong damit pero lumapit ako sa kanya. Baka may amos o dumi ako sa mukha na kailangan matanggal.

"Anong mali?" Malapit na ang mukha ko sa kanya pero wala itong ginawa kundi tingnan lang ang mukha ko. Maya-maya ay hinaplos niya ang pisngi ko ng marahan. "A-aaron?" Hinawakan niya ang magkabilang panga ko at nilapit niya ang mukha niya sa akin. "A-aaron..." Naramdaman ko ang paghalik ni Aaron sa noo ko at nakatigil lang siya doon ng matagal. Maya-maya ay hinalikan niya naman ang ulo ko.

"Ra--"

Napatingin naman ako sa may bintana ng kotse ni Aaron na may kumakatok ng maligalig. Naaninag ko naman ang nasa labas. Si Sac. Kaagad akong humiwalay kay Aaron at si Aaron naman ay tumawa-tawang binuksan ang bintana niya.

"Nandito na ang pinapasundo mo, boss." Nagsalita si Aaron na tila nainsulto.

"Rachel, lets go." Tumingin ako kay Sac na seryoso matapos ay kay Aaron na hindi nakatingin sa akin.

"Rachel, tawag ka ng ka-date mo." Napalunok ako sa sinabi ni Aaron. Binuksan ko na ang pinto ng kotse at lumabas. Hindi ko alam ang magiging reaction ko sa ginawa ni Aaron.

...
Nakasunod lang ako sa likod  ni Sac na nakabihis ng pormal ngayon. Hindi naman ito pormal na pormal pero mukhang pormal lang dahil may coat siya sa ibabaw ng tshirt niya at dark jeans. Kahit naman jeans siya ay hindi siya mukhang nakakaswal kagaya ko. Bakit nga ba kasi Tshirt at sira-sirang pantalon ang suot ko naman ngayon? Hay Rachel!

Pinaupo na kami sa reserved table namin ng receptionist at binigyan ng menu. Tumingin ako sa paligid. Mukhang class at makaluma ang mga kahoy na upuan at mesa. Isama mo pa ang ambiance ng restaurant. More on old pictures at paintings ang nakadisplay sa restaurant. Paintings ng iba't ibang sceneries, places at festivities sa Pilipinas gaya ng Barasoain Church, Bulkan mayon at pista sa iba't ibang lugar sa Pilipinas. Nakakamangha ang mga nakasabit na paintings. Ang mga pictures namang nakasabit ay nasa iisang wall. Nandoon iyon mga tao at puro portrait ang kuha. Mga lumang larawan ng lumang tao ang mga litrato.

"You like it?" Napatingin naman ako kay Sac sa tanong niya at ngumiti ng maliit. Hindi ko alam kung kanina pa siya nakatingin sa akin at nakita niya ang pagkamangha ko sa lugar. "I hope you like it. Ayoko naman masira ang second first impression mo sa akin." Napangiti ako ng malaki sa sinabi niya.

Impression on the HeartKde žijí příběhy. Začni objevovat