"Teka, saan ba tayo pupunta? Bat nagmamadali ka?" tanong ko kay Aestrielle na tila ba hindi mapakali at kanina pa lumilingon-lingon sa paligid.
"I'm sorry, dapat hindi ko na pala plinano." nanghihinayang sabi niya at ako naman ay napakunot ang noo dahil hindi ko siya maintindihan.
"Kiel is here. Pinapunta ko siya dito at binalak kong magkita kayo. He requested it." napatingin ako sa kaniya at tumigil. Si Kiel lang pala eh, bakit niya pala itatago.
"Oh si Kiel lang pala eh, tara na kitain na lang natin siya, sayang naman ang pagpunta natin dito kung hindi rin naman matutuloy." ani ko sa kaniya.
"Pero may past kayo and sinaktan kaniya noon tiyak na di ka pa nakakamove on." nag-aalalang sabi niya sa akin. Tumawa lang ako at napakunot ang noo niya sa akin.
"Wala kaming past kasi hindi naman naging kami. May I tell you Aestrielle Dela Cruz, I've moved on already. Mas nauna pa ako sayo! Hello!"
Hindi siya nakapagsalita at hinila ako para bumalik sa dinaanan namin kanina. Is she really my bestfriend? Halatang di pa nakakamove on sa past. Gosh Aestrielle!
Pero kahit ganun habang papalapit kami ay unti-unting kumabog ang puso ko. Epal naman ito. Nakamove on ka na Amira! Matagal na! Gumising ka sa kahibagan mo!
"Oh ano? Kabado ka ba?" tanong niya ngunit inirapan ko lang siya.
"Why would I?"
Kiel is so special to me. He's my puppy love and first love too. He's my friend and my Knight in Shining armor.
Mahirap pala talaga kapag nagkagusto ka sa kaibigan mo at ang malala hindi niya kayang tumbasan ang nararamdaman niya sayo. But it doesn't matter, mas pinapahalagahan ko pa rin naman ang pagkakaibigan kaysa sa sariling nararamdaman.
"Mabuti naman at nandito na kayo! Kanina pa kami naghihintay!" masayang ani ni Krisha, ang isang barkada ko din.
Niyakap niya ako ng mahigpit, "Namiss kita, Amira. Ang tagal nating hindi nagkita."
Ngumiti ako sa kaniya at lumingon sa paligid. Sa hindi inaasahan, nagsalubong ang paningin naming dalawa ni Kiel. Unti-unti siyang lumapit sa akin at ngumiti.
"I've missed you, Mirang." he said and kissed my forehead. Napatulala ako dahil sa ginawa niya. Ganoon rin sila Krisha, Aestrielle, Josh and Thadd. They are all shocked.
"Teka? Bat di mo ginawa yon sa amin? Ang unfair huh?" pagsisingit ni Krisha.
Ngunit hindi siya sinagot ni Kiel, nakatitig lang kaming dalawa sa isa't isa at tila ba naghihintay ng sasabihin ko.
"I've missed you too Kiel."
He smiled at me.
—
DISCLAIMER!!
Ang istoryang ito ay pawang mga kathang-isip lamang. Ang mga pangalan, lugar at pangyayari ay hindi naaayon sa totoong buhay.
Plagiarism is a Crime
This is my first story. I hope you'll like it.
Chasing Crossed-Arrows
Date started: September 27, 2021
Date finished: —
YOU ARE READING
Chasing Crossed Arrows (On-Going)
Romance"Huwag kang umaasa kung hanggang kaibigan lang." Amira Lianna Cortez is a soft-hearted woman. She value friendship the most, more than her feelings. Chriskiel Buenavista is her bestfriend. They have a group set of friends. Kasama roon sina Krisha E...
