Chapter 1

120 7 0
                                    

Chapter 1

Ynna's POV

Nagising ako sa lakas ng alarm clock ko. Ihahagis ko pa sana ulit 'yon kaya lang ay agad akong napamulagat at napatingin sa oras. Shet! Late na ako!

Dali-dali akong naligo at inayos ang sarili, pagkabihis ko agad-agad na akong bumaba at agad na nagpaalam kay Mommy.

"Mommy! Alis na po ako!" sigaw ko. Wala kasi si daddy ngayon kaya naman magcocommute talaga ako.

"Sabi na kasing agahan magising! Puyat pa!" sigaw niya pabalik.

Kung minamalas ka nga naman, wala pang dumadaan na taxi dito sa village namin. Napatingin ulit ako sa relo ko, anong oras na! Late na talaga ako nito.

"Veya! Ang tagal-tagal mong kumilos tapos iiwan mo na lang ako sa bahay niyo pagkatapos kong maghintay ng napakatagal?" reklamo ni Bry na huminto sa harapan ko.

"Nakailang missed call at text ako sa'yo, ni hindi mo man lang maisip reply-an!" reklamo niya pa at napailing iling. Napatingin naman ako sa cellphone ko, ang dami nga nitong tawag at ang daming text. Napapeace sign na lang ako sa kaniya.

"Life saver ka talaga, Bry! I love you na talaga!" sabi ko sa kaniya sabay yakap. Pagkayakap ko, amoy na amoy ko na agad ang mabangong halimuyak nito.

"Did you just sniff me?" gulat niyang tanong. Lumayo pa sa akin.

"Bango mo e," ani ko na ngumiti pa nang malapad sa kaniya. Sumakay na ako sa front seat dahil hindi pa ako nakakapag-ayos.

"Hoy, Halika na, Bry!" sigaw ko sa kaniya. Napahinto naman siya sa pagkatulala niya sa may labas at agad na pumasok sa loob ng sasakyan niya.

"Tara na, late na ako!" pagmamaktol ko.

"Wow, bakit parang kasalanan ko?" tanong niya na inilagay pa ang kamay sa dibdib. Hindi ko naman maiwasan ang matawa at napailing na lang.

"Hehe. Tara na, dami pang sinasabi," ani ko na inirapan siya.

"Pasalamat ka mahal kita," sambit niya.

"Edi thank you," ani ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.

Nang makarating sa school, sure na sure na akong late kami dahil wala na ang maiingay na estudyante.

"Kaya pala sila nalate, baka kasi nagdate," pang-aalaska ng mga kaklase namin. Pinamulahan naman ako ng mukha sa sobrang hiya.

Umupo na lang ako sa upuan ko pero bago ako makarating doon nakita ko sina Anne at Vincent na magkatabi na ngayon ng upuan at ang masaklap pa sa harap pa talaga ng upuan ko. Nagkatinginan kami ni Anne subalit kita ko ang pagtaas niya lang ng kilay sa akin. Nilaro ko na lang ang kamay bago nag-iwas ng tingin.

"So, class, bago tayo magstart ng discussion. Ireremind ko lang kayo sa pagpunta natin sa orphanage sa sabado, siguro naman nakapagpaalam na kayo sa parents niyo?" anang guro namin.

"Yes, Ma'am!" sabay-sabay naming sabi.

Nakapagpaalam na ko kay Mommy about doon. Mas excited pa nga siya kaysa sa akin. Mahilig kasi si Mommy sa mga bata.

Bahagya naman akong nadistract kay Anne at Vincent na naghahagikhikan sa gilid. Hindi ko naman mapigilang isipin na ako dapat 'yon. Kami dapat ni Anne ang nagchichikahan ngayon. I felt bad about it. Nag-iwas na lang ako ng tingin.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko kay Bry na siyang nasa tabi ko. Tinatakpan nito ang mata ko.

"Pag-inggit daw, pikit," aniya na tumawa pa. Nginiwian ko naman siya at sinamaan ng tingin kaya tumawa siya.

It Hurts A LotWhere stories live. Discover now