Chapter 32: PATAY KANG BATA KA!

801 4 1
                                    

Zela’s POV

“huy Ferds!” tawag ko sa pinsan ko. “tulala ka naman?” tanong ko sa kanya. Lately kasi, palagi nalang syang tulala. Ewan ko ba dito. Nakakakain naman ng maayos, wala naming problema. Ay ewan ko bas a kanya!

“huh? Ah. Don’t mind me. May iniisip lang ako.” Sabi nya sabay inaaliw si Yue. Masyado kasing malikot si Yue lalo na kapag nasa kotse kame. Kaya eto, inaaliw lang sya ni Athena para di lang masyadong malikot.

Nasa kotse kame ngayon papuntang band room. Kung naaalala nyo, nasa school yung band room namin kaya, in short, papunta kameng school. Imi-meet kasi namin sina Terrence dun. Di pa rin nila alam na nakabalik na si Athena. Kumbaga, surprise to! Mghed excited na ako ><

Fastforward

Qwertyuiop Academy, band room.

Wala naming tao sa school since Saturday naman kaya madali lang kaming nakapasok without Yue attracting attention. Oo, daig nya pa ako kung maka attract na attention eh! Kahit san nalang kame mapunta, andaming pumupuri sa kanya. Eh ang Yue naman, gusting-gusto sa attention. Parang tatay nya lang. KSP -___-

Pagkapasok ko ng band room, andun na naghihintay sina Anfernee, Terrence, at John.

“Uy guys!” tawag ko sa kanila.

“Uy Zel! Ano palang meron at bigla kang nagpapa reunion dyan?” tanong ni John.

“May surprise ako sa inyo!” masigla kong sabi.

“Ano?” sabay nilang tanong.

“Hindi ano. Sino!” sabay hila kay Athena na andun sa labas ng band room sa may gilid. “chenen!”

“Athena!” sabay nilang sabi at ipa-power hug sana si Athena pero natigil sila nung namalayan nilang may karga-karga si Athena na baby.

“Uyyy, parang si Erol na pinaliit oh.” Sabi ni Anfernee.

*pok*

“Aray naman tol!” sabi ni Anfernee sabay hawak sa batok nya.

“loko ka kasi!” sabi ni Terrence.

Nakooo naman Ferds! Sabi na nga ba’t hawig ni Erol yang anak nyo! >< di ka pinagbigyan na sana di nya kamukha!

“Pero seryoso Athena, anak mo?” serysong tanong ni Terrence.

“ah hindi. Kapatid ko.” Sagot ni Athena. Di na sya gaanong kinakabahan kapag sinasabi nyang kapatid nya si Yue.

“sigurado ka? Parang kamukha kasi ni Erol oh!” sabat naman ni Anfernee.

“tanga mo talaga tol! Sinabi na ngang kapatid, magtatanong ka pa kung sigurado ba!” John.

“Pasensya naman, tao lang!” Anfernee

“oh talaga tol? Sigurado?” pang-asar ni Terrence.

“lul ka!” Anfernee

“Pero Athena, pakarga nga!” sabi ni John.

“ah sige sige.” Sabi ni Athena tsaka tinuruan si John kung paano yung tamang pagkarga ng bata.

“waaaaa bata! Ang kyot mo talaga! Wag kang matutulad sa taong to ah?” sabay nguso kay Anfernee. “Shunga na nga, pangit pa!”

“nakakadalawa na kayo ah!”

Ayun nga. As usual, kulitan dun, kulitan dito. Nakita ko naming nag-eenjoy din si Athena na makasama ulit yung barkada. At syempre, si Yue, enjoy na enjoy rin sa attention sa kanya lalo na yung nagme-make face na sina Terrence, Anfernee, at John sa kanya.

After a while, nagpaalam na rin kameng aalis na kasi may pupuntahan pa kame.

“oh baby, enjoy ka bang kasama sina tito?” tanong ni Athena kay Yue. Ang lawak-lawak kasi ng ngiti ng baby nya hanggang ngayon. “Si mommy kasi, nag-enjoy ng sobra!” sabi nya sabay kiss sa pisngi ni Yue.

Naglalakad na kame ngayon papuntang parking lot. Pupunta pa kasi kame ng NSO para ma-ayos na yung birth certificate ni Ferds nang maayos na rin yung keh Yue.

“haay nako Yue, parang kang mommy mo ngayon oh. Ang lawak ng ngiti.” Sabi ko.

“Ay baby! Next time ah, bonding ulit tayo sa kanila?” sabi ni Athena na nanggigigil keh Yue. “hmmm, love love ka talaga ni Mommy! Gwapo talaga netong anak ko!”

“Mommy? Anak?” bigla naman kameng napalingon sa nagsalita.

Si Terrence. Di namin namalayang nasa likuran pala namin sya.

“A-anak mo si Yue?” gulat na tanong ni Terrence.

Patay.

Fastforward

NSO

“waaaaa ang cute nung baby oh” girl 1

“oo nga! Nako! Gusto ko ganyan rin yung baby ko!” girl 2

“Hayyyy baby. Kahit san ba talaga tayo mapunta, may fans ka?” sabi ko keh Yue.

Eto namang batang to, mas nagpapa cute din!

Kandong-kandong ko si Yue habang nilalaro sya. Turn na kasi ni Athena para i-entertain nung parang teller ng NSO. Basta ayun sya sa may mga booths at nagfi-fill up na ata ng form.

Kay Terrence naman, inamin na namin sa kanya. Di ko naman kayang magtago ng sikreto sa kanya noh! Kaya ayun, si Ferds na mismo yung umamin. Nung una, gusto nyang ipaalam na namin kay Erol pero inexplain namin sa kanya kung bakit hindi pwede. Ayun, nag promise naman syang walang ibang makakaalam. Kahit sina John at Anfernee.

“Ikaw, bata ka!” sabi ko habang nanggigigil. Nagmomonologue ako.

“Ba’t ba kasi kamukha mo yung daddy mo! Ayan tuloy! Andali dali mong mabuking!” sabi ko sa kanya habang pinipisil pisil ang braso nyang mataba. Pero mahina lang rin.

“Hay nako! Nase-stress ako sa dugo ng daddy mo! Haaay Erol! Ba’t ba ang lakas ng dugo mo at pati yung anak mo parang magiging habulin rin? Ikaw, Young ka talaga! Di talaga mapagkakaila! Young ka talaga!”

“ay, andyan na pala si mommy mo oh.” Sabi ko sabay tayo. “Athena, kunin mo na tong anak mo bago pa ako manggigil na husto!” sabi ko.

Ay, walang narinig? Di ako pinansin?

“huy!” namalayan kong napako yung tingin nya sa likuran ko. Ano kaya meron sa likod ko at--- HOMAYGULAY!

“Mr. Young, is there anything wrong?” tanong nung lalakeng naka Americana na katabi ni Erol. Yes. Si Erol ngang nasa likod ko. And yes ulit, di nya pinansin yung lalake.

“T-tama ba yung n-narinig ko?” parang naninigurado nyang tanong. Di ko alam kung sino tinatanong nya. Kung ako ba, si Athena na tulala, or yung upuan na nasa harapan namin. “A-anak mo si Y-yue?” tanong nya kay Athena na hindi makasagot. “A-anak ko si Yue?”

Napatingin ako kay Athena na namumutla na at kay Erol na di ko mabasa ang expression. Kung galit ba sya, na hindi makapaniwala, or ano ba! Basta ang masasabi ko lang ay…

“Patay.”

She died She live (YWF SS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon