"Sagutin mo ako, Gi-An. Bakit ka umalis? Bakit mo ako iniwan?" garalgal na tanong ko. Hindi ko mapigilang hindi maghinanakit sa kanya. Ang tagal ko syang hinintay.
"Gusto mo talagang malaman!?" balik tanong nya.
Tumango ako kaya't lumapit sya sa akin. Nagtitigan kaming dalawa. Kitang kita ko sa mga mata nya na walang kaemo-emosyon ito. Nasaan na ang spark sa mga mata nya pag tinitingnan nya ako?
'Gi-An? Bakit ka nagbago?!'
"Iniwan kita dahil hindi naman talaga kita mahal! Hindi kita minahal!" sigaw nya sabay iwas ng tingin. Hinawakan ko sya sa kamay pero tinabig nya ito.
Alam kong nagsisinungaling ka, Gi-An. Ramdam ko. Ramdam na ramdam ko.
Gusto kong maiyak.
Masakit pa rin pala.
Sa sobrang bilis ng pangyayari ay nakita ko na lang ang sariling kong nakalutang habang hawak nya ako sa leeg. Mariin ang pagkakasakal nya sakin. Talagang gusto na nya akong patayin.
"G-g-i-An! Ugh! B-itiwan mo a-ko pakiusap. W-wag mong gawin ito." nahihirapan na akong huminga.
Titig na titig lang sya sakin. Nakikita ko na ang galit sa kanyang mga mata.
"Mamatay ka!" sigaw nya sabay angat ng kaliwang kamay nya na may hawak na maliit at ordinaryong punyal.
Napapikit ako. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako na sa muli naming pagkikita, malayong malayo na sya sa Gi-An na nakilala ko. Na minahal ko noon.
"Paalam, Mayumi!" narinig kong sabi pa nya. Hirap na hirap na akong huminga. Hinang hina na ako.
"Itigil mo iyan!" sigaw ng isang pamilyar na boses.
Minulat ko ng bahagya ang mga mata ko. Nilingon ko ang pinanggagalingan ng boses at dun na talaga ako napaiyak lalo. Nakatingin sya sakin at bakas ang lungkot sa mata nya.
'Kyo..'
--**--
[Camilla's Pov]
Habang nakikipaglaban sina Vincent at ang iba pa, hinanap ko na agad si Tita. Umakyat ako sa hagdan at pinasok ang lahat ng kwartong nakikita ko. Lakad-takbo ang ginawa ko. Hindi ako nakakaramdam ng kahit anong pagod. Mas nananaig sakin ang pagkagustong makitang muli ang Tita Cristine ko.
'Tita, nasaan ka na ba??'
May mga sumalubong sakin na ilang itim na engkanto. Sabay-sabay nila akong sinugod. Pinakalma ko ang saking sarili at saka humugot ng malalim na hininga. Nilabanan ko silang lahat. Nilabas ko ang punyal na sya namang nagpaatras sa iba.
Napangiti ako ng sandaling iyon. Takot silang masaksak ng punyal dahil ikakamatay ng kaluluwa nila ito.
"Lumapit ang gustong mamatay?!" tanong ko. Nagtinginan naman ang mga itim na engkanto. Hinawakan ko ang damit ko at bahagyan ibinaba ito ng tama sa lebel kung saan makikita nila ang marka ko. Lalong bumakas ang matinding takot sa mukha nila.
"Walang sasagot?!" tanong ko pa.
May dalawang engkantong naglakas ng loob para sugurin ako. Naging mabilis naman ako at sinaksak ko silang pareho. Nagkikisay sila at unti-unting naging abo ang katawan nila.
'Walang kahirap hirap.'
Tumingin ulit ako sa mga natirang engkanto na nakatayo, habang pinapanood ang unti unting pagkaabo ng kasamahan nila.
YOU ARE READING
Message In A Bottle [ENCHANTED SERIES]
FantasyDesperada ka na bang magka boyfriend? Yung tipong nagpaganda ka na, pero deadma. Yung kumapit ka na sa sablay mong gayuma? Yung gabi-gabi kang nagpupuyat, makakita lang ng falling star na tutuparin ang wish mo. Hanggang sa n...
CHAPTER 25
Start from the beginning
![Message In A Bottle [ENCHANTED SERIES]](https://img.wattpad.com/cover/34304158-64-k379217.jpg)