CHAPTER 25
[Jackie's Pov]
Nandito na kami sa loob ng palasyo. Kanya-kanya kami ng engkantong kalaban. At heto nga ako, nakikipaglaban sa isang diwatang kasasabi lang na may galit sya sakin.
"Ikaw si Mayumi di ba!? Yung babaeng kalahating tao at engkanto?!" sabi nya habang nagtatagisan kami ng laban.
"Ano ngayon!?"
Ngumiti sya ng nakakaloko. Lintet to! Nang iinis pa yata!
"Ikaw 'yong laging kasama ni Gi-An sa kabilang mundo, di ba??" sabi nya. May pang aasar sa tono nya.
Natigilan naman ako kaya sinamantala nya ito. Inundayan nya agad ako ng espada, buti na lang at nakailag ako kundi hati ako sa dalawa. Tsk. Madaya ka!
"Wala kang pakealam! Bakit ba pati iyon ay alam mo?!" inis na turan ko. Sinugod ko sya ng sinugod. Atras naman sya ng atras. Hanggang sa nalaman ko na lang na lumalayo na kaming dalawa sa karamihan.
"Hindi mo ba namimiss si Gi-An?!" nakakalokong tanong nya.
Medyo kinakabahan na ako sa kanya. Malakas sya, oo. Maganda. Pero kampon sya ng itim na engkanto! Sunod sunod ang binigay kong tira sa kanya. Sa galit ko'y buong pwersa ko syang inundayan ng saksak pero nakaiwas sya.
"Papatayin na kita! Nang wala ka ng maraming sinasabi pa!" sigaw ko sa kanya. Ngumisi naman sya at biglang tumigil sa kanyang ginagawa.
"Ayokong kalabanin ka. Sabi nya kasi sakin, ipaubaya na daw kita sa kanya." nakangising turan nya.
Isang lalaki ang sumulpot sa kung saan at papalapit sya samin. Doon na ako nawalan ng lakas. Doon na ako pinanghinaan ng loob.
"Gi-An??" mahinang tawag ko.
Ang laki na ng pinagbago nya. Tama nga ako. Sya ang nakita ko nun sa may sementeryo. Pero bakit!? Anong ginagawa nya dito!? Bakit sya nandito?!
"Kamusta na, Mayumi?" sabi nya. Wala akong makitang kakaibang reaksyon sa kanyang mukha. Ang mga mata nya'y blangkong nakatingin lamang sakin.
'Gi-An? Ikaw ba talaga yan?'
"G-gi-An.." mahinang sabi ko ulit. Ramdam na ramdam ko ang pangangatog ng tuhod ko. Sa sulok ng mata ko'y nakita ko ang paglayo ng diwatang kalaban ko.
Naiwan kaming dalawa ni Gi-An. Tigalgal pa rin ako sa muli naming pagkikita.
"A-anong ginagawa mo dito Gi-An? Bakit ka naririto?!"
Lumapit sya sakin. Hanggang sa ilang dangkal na lang ang layo nya sakin. Hinawakan nya ang baba ko at itinunghay paharap sa kanya.
"Nandito ako...... para patayin ka, Mayumi." pagka sabi nya'y agad nya akong itinulak ng malakas.
Tumilapon ako sa may pader. Sa lakas ng impact na inabot ko'y nahirapan akong tumayo. Hindi ako kasing lakas ng purong engkanto, kaya ganito na lamang ako kung masaktan.
"Gi-An, bakit?" bakit mo ako gustong patayin?? Bakit bigla kang nagbago? Bakit Gi-An?! "Bakit mo ako iniwan??" naluluhang tanong ko.
Matagal nya akong tinitigan. Ngunit sa bandang huli'y sya din ang nag iwas.
"Tumayo ka dyan, Mayumi. Labanan mo ako!" sigaw nya sakin.
Dahan-dahan akong tumayo. Huminga ako ng malalim para pigilan ang mga luhang gustong kumawala sa aking mga mata. Ang sakit ng buong katawan ko dahil sa lakas ng pagkakatama ko sa pader.
DU LIEST GERADE
Message In A Bottle [ENCHANTED SERIES]
FantasyDesperada ka na bang magka boyfriend? Yung tipong nagpaganda ka na, pero deadma. Yung kumapit ka na sa sablay mong gayuma? Yung gabi-gabi kang nagpupuyat, makakita lang ng falling star na tutuparin ang wish mo. Hanggang sa n...
![Message In A Bottle [ENCHANTED SERIES]](https://img.wattpad.com/cover/34304158-64-k379217.jpg)