Para namang bago iyon sa kanya. Umirap lang ako sa kawalan at hindi na pinansin ang sinabi niya. Pinagsalikop niya na lang ang mkamay naming dalawa.

Lumingon ako kina Nes. "Tara?" yaya ko sa kanila. Sumunod naman sila sa amin ni Gael.

Pababa ng hagdan si Mommy ng makapasok kami sa loob.

"Good evening po, Tita." sabay sabay na sabi ng mga kaibigan ko.

"Good evening," ngiti ni Mommy sa kanila. "Saan kayo galing?"

"Ah, sa Dahican po kami Tita." sagot ni Nes. "In-invite po kasi kami ng pinsan ko. Si Valentine nga po pala, pinsan ko po."

"Magandang gabi po." magalang na sabi ni Valentine.

Nagtaas lang ng kilay si Mommy kay Valentine at bumaling agad sa akin. "Ilang beses ko na bang sasabihin sa'yo na magpaalam ka sa akin kapag aalis ka?"

"Elaine!" saway ni Tito Samuel kay Mommy. Kalalabas niya lang galing sa kwarto nila. "Nag dinner na ba kayo, Helaina?" tanong ni Tito Samuel sa akin.

"Hindi pa." sagot ko. Napatingin ako kay Gael. Hinihigpitan niya kasi ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Mag dinner muna kayo. Sabihan mo si manang." ani Tito Samuel at binalingan si Mommy. "Let them eat first."

Matalim namang tumingin si Mommy sa akin bago naglakad pabalik sa kwarto nila.

Naabutan namin si Manang na naglilinis sa dining area. Bakas sa mukha niya ang pag-alala nang makita ako.

"Ba't ba naman kasi hindi ka nagpaalam sa Mommy mo. Alam mo bang nagkasagutan kami kasi kinukunsinti raw kita.." ani Manang.

"Hayaan mo na 'yon Manang. Parang di ka na nasanay." sabi ko na lang.

Awkward silence filled the air nang nasa harap na kami ng hapag kainan. Katabi ko si Gael na tahimik lang na kumakain. Panay naman ang pagpapalitan ng tingin nina Cyril at Nes. Seryoso ring kumakain sina Valentine at Charmaine.

"Sorry, Laine. Wrong timing yata 'yong pag suggest ko na dito kami mag dinner." nahihiyang sabi ni Charmaine.

"No, it's okay, Charm. Huwag mong pansinin 'yon. Hindi lang talaga kami magkasundo ni Mommy." sabi ko.

Tipid lang na ngumiti si Charmaine sa sinabi ko. Minsan lang kasi sila pumupunta dito. And most of it ay wala si Mommy. Kaya nabigla siguro sila sa amin kanina. Gael didn't mind, though. Alam niya naman kasi ang rason kung bakit ganun ako makitungo kay Mommy.

Hindi na rin naman sila nagtagal. Pagkatapos naming mag dinner ay nagkwentuhan muna kami saglit. Tapos nagpaalam rin sila kaagad kina Mommy at Tito Samuel. Hindi na rin ngtagal pa si Gael. Baka pagod na daw kasi ako at mukhang kailangan ko na daw na magpahinga. Tatawagan na lang daw niya ako pag dating niya sa bahay nila.

Dumiretso agad ako sa kwarto ko pagkaalis nila. I'm avoiding my mother. Tatalakan lang naman kasi ako nun. Tapos wala pa ako sa mood. Baka masagot sagot ko lang siya.

Sinuot ko ang favorite jammies ko pagkatapos kong magshower. Past nine na pala. Maaga pa ang klase ko bukas.

Humihikab ako habang binubuksan ko ang laptop ko. I immediately logged in to my Facebook account. Hindi kasi ako mapakali kapag hindi ko natitingnan ang notifications nito bago matulog. Kaya kahit na pagod na pagod ako ay tiningnan ko ito.

3 messages and 56 notifications

I clicked the messages. Si Gael, Shane and Ysha pala.

Gael John Escala: Charge your phone please. Tatawag ako.

Shane Sevilla: What's up? Did you confront him?

HelainaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon