HARIKA

8 1 0
                                    

              CHAPTER 1

Maraming sumisigaw

Lahat nagkakagulo dahil sa malakas na pag uga ng eroplanong sinasakyan ko

All I can do is pray while gripping my seatbelt tightly for me not to fell off my seat

Naawa ako sa ibang pasahero dahil nagkauntog untog na sila sa ibat ibang parte eroplano mabuti nalang at mahigpit akong nakakapit sa upuan at seatbelt ko

gusto ko silang tulungan pero anong magagawa ko nasa pareho kaming sitwasyon

Hanggang sa nagkaroon ng malakas na impact dahil sa pagcrash ng eroplano kasabay ng matinding sakit na naramdaman ko sa dibdib ko

Isang malaking bakal ang nakatusok sa dibdib ko bago ako mawalan ng buhay

God I want to live more

pero mukhang hanggang dito nalang

Napasinghap ako pero tubig ang pumasok sa bibig ko imbis na hangin

Napamulat ako ng mata at napagtantong nasa tubig ako

Fvck Im drowning!

Agad akong lumangoy pataas at mabilis na inahon ang sarili mula sa tubig

Where am I, why am I alive? Anong lugar to?

Naalala ko nasa flight ako papuntang singapore para sa business meeting ng kompanya ko, I know I died

Napatingin naman ako sa damit ko at hindi maiwasang magulat sobrang ganda at garbo ng suot kong gown

pero bakit? Bakit ganito ang suot ko?

"Lady Harika!!"- wala sa sariling napalingo ako sa babaeng tumatakbo papalapit sakin

" anong nangyare Lady Harika bakit basang basa ka?" Nagaalalang sabi nito pero mababakasan mo ng takot ang mukha nito bahagya pa siyang nanginginig at nagaalangan na hawakan ako

Harika? sino si Harika

"Lady Harika ayos lang po ba kayo? mas mabuti pang umuwi na tayo Lady Harika upang ika'y makapagpalit" aniya at iginaya akong maglakad kahit na naguguluhan ako ay sumunod nalang ako sakanya lalo na at wala akong kaalam alam kung anong nangyayare sakin

Pagdating namin sa malaking bahay kapansin pansin ang pag iwas sakin ng mga katulong yung iba ay takot pang bumati sakin isinawalang bahala ko lang at tinuon ang pansin sa paligid

Pakiramdam ko ay bumalik ako sa sinaunang panahon, puro makaluma pero kitang kita ang karangyaan sa bawat gamit walang kahit anong modernong kagamitan

"Anong nangyare sayo aking kapatid?ayos ka lang ba?"- nagaalalang sabi ng magandang babae sa aking harapan

pero alam kong peke lang yung pinapakita niya sa dinarami dami ng taong nakaharap ko sa unang buhay ko ay alam ko na kung totoo o peke lang sa kaso niya alam kong peke lang yung pinapakita niya

" ayos lang, kailangan ko lang ng pahinga" sabi ko at matamis na ngumiti sakanya

Nakita ko pa kung paano manlaki ang mata niya bago ko siya lampasan

Anong nakakagulat sa pag ngiti ko? Kahit ang mga katulong ay ganun din

"Lady Harika may problema ba?"- tanong sakin ng babae kanina ng huminto ako

" maari bang ikaw ang mauna"- sambit ko aangal pa sana siya ng mabilis ko siyang nilingon kaya takot itong nauna ng maglakad

Bakit ganun na lamang sila katakot?

REINCARNATED: Harika (The Mean Noble)Where stories live. Discover now