The Vanishing

6 1 0
                                    

"Ayan na mga Hapon! " sigaw ni Dr. Sevilla .
Isandaang tao ang walang habas na pinagpapatay,nabayoneta at nalagutan ng hininga at sabay sabay ding tinapon sa may likuran ng Insular Hospital sa may land fill. Doon nila kinitil ang buhay ng aking ama ,isang janitor ng Insular . Kasama ng tatay ko ang iba pang staff ng ospital kasama sila Dr. Sevilla, Dr. Climaco , Dr. Gutierrez at Dr. Montoya. Naroon din sila nurse Santa Maria, Apostol , Claravall at Bernabe. Madami pa silang kasamahan ang nawalan ng buhay, taong 1945. Nakakalungkot at nakaririmarim. Bakit ganun ang nangyari? Nawalan ako ng magulang. Ganito lang ba ang tingin ng mga Hapon sa buhay ? Ang pighati ko ay walang kapantay. " ~ Lucinda Icasiano, 67, tubong Manila.

A dos y Pebrero , 2019

Dali dali kong tinanggal ang aking blazer na puti para magpahinga. Ako nga pala si Anastacia Sandoval, isang psychiatric resident sa Psychiatry Hospital sa Mandaluyong. Nakakapagod ang araw na iyon from my duty as a third year resident . Alam mo naman ang mga pasyente namutawi sa OPD , andaming baliw sa Pilipinas, mga literal na may karamdaman sa pag iisip, nakakapagod pagsunusunurin ang mga anamnesis ng bawat pasyente , nakakagulo ng utak kong kalmado, subalit as they say , " I am a doctor, I serve to heal, to palliate and to treat, to make people well and alright up to the utmost of his being . "
At ako ay tumitingin sa aking cellphone sa schedule ko for the weekends. Next weekend meron kaming scheduled retreat / acquaintance party sa may Hotel Beyer. Ako ay nagka interes sa hotel na iyon, Dati ko na nakikita sa mga dyaryo , television at social media Kaya bilang may extra time ako , hinanap ko ang istorya ng hotel.

Hotel Beyer.
Isang strukturang itinayo noong 1909. Ayon sa aking Google chrome binuksan sa publiko bandang 1912. Kasabay ng pagdaong ng unsinkable TITANIC. Napakaraming Black and White silent films ang inilagak at pinanood nung panahon na iyon. Kabilang na ang CLEOPATRA , Dr. Jekyll and Mr. Hyde at ang Russian best silent film of all time na The Cameraman's Revenge. Madami dami nang pinagdaanan ang hotel na ito. Nasabak sa giyera ng World War 1 at 2 . Marami nang buhay at patay ang naglagi dito. Mga general, diplomatiko, bayani, manunulat, siyentipiko, lider ng bawat bansa, Nobel Prize winners at mga Hollywood actors and actresses. Sadyang makulay ang hotel na ito na isa ring dating sementeryo noong unang panahon kaya nga parating may eksplanasyon kung bakit sa bawat araw ay may mga hindi maipaliwanag na sandali sa mga hotel guests nito. Nakakapangilabot nga iyon, though  hindi pa naman ako nakaranas ng mga ganun sa aking 30 years of existence.  Ano nga ba ang multo? Hindi ko din masagot iyan.  Ayun halos matapos ko na ang buong google search patungkol sa hotel na ito. Sana ay maging mapayapa naman ang retreat namin doon, peaceful and calm.

Nuebe de Pebrero , 2019

Makalipas ang isang nakakapagod na isang linggo sa Mental Hospital ay dumating na ang Pebrero 9, Sabado. Sakto, ang araw ng retreat.
Kasama ko sina  Ellendra , Minerva at Odette  bilang mga kapareho kong mga third year Psych residents . Kami ang Fab 4 sa Mental. Mga residente sa lagay na iyon.
We started as strangers in the First year then we just had clicked since then. Masaya kami sa aming mga remaining years as residents. Di ko din maisip kung bakit sa dinami dami ng specialization , PSYCHIATRY pa napili namin. I don't know for them but as for me, I love studying people. Kaya nga Arts and Humanities and premed ko , I really love venturing into the history and culture of the human race. Ewan ko Lang kung ano naman ang pakiramdam nila Elle, Mimi at Odie.
Something about the day rattles me, early on, I mean rattles na may halong excitement at fear , or kaba. Of course , hindi mo maiaalis sa akin ang kaba kasi sa Mental Hospital pa lang, madami na ang ghost stories doon dala ng noong unang panahon daw ay pinaslang ang mga doctors, nurses and other staff ng mga Hapon. Maraming bantay na  nagsabi sa akin na nakakausap, nakakakita, nakakaramdam sila ng kakaiba sa bandang likuran ng ospital. Paminsan minsan nagmimistulang parang busy hospital ang kabilang ward, full of uniformed personel, pero they are just working , with no cares about the world. Minsan ang isang bantay ay naghahanap ng gasa sa first floor , until may mapagtanungan sya na nurse sa ward na iyon, ayun sinabihan sya nung nurse na nasa second floor , may mga gasa, akyat ka na lang, wika nung nurse na nakaputi at may nurse cap pa , a thing na hindi mo na nakikita nowadays. So umakyat yung bantay deretso sa second floor , wala na syang nadatnan doon , it seemed like an abandoned, decaying, and sad place. "Aba, niloloko naman ako nung nurse sa baba " , wika nya. So bumaba sya, lo and behold! Wala ngang tao, walang ward, walang mga pasyente! It seemed like a desolate building with no one except himself. "Aysus namulto ako " yun ang konklusyon ng bantay. Well , para sa akin naman " to see is to believe". So habang kwento lang naman iyon, nakakatakot nga pero of course, I wouldn't believe it kasi I didn't see it . However sometimes, I also think of that possibility na we are all symbiotic, I mean we co exist with the ghosts to begin with . Perhaps they too must have their own stories to tell , to shudder upon, to inspire, to despire. I don't really know since I haven't had that experience. Perhaps I am feeling the same kaba while going here sa Hotel Beyer.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 20, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Vanishing Where stories live. Discover now