Gelo POV~
Binitawan ko ang lapis at nakangiting tinitigan ang tapos ko ng plates. I'm happy and satisfied.
'Finally I'm done making youuu' pagkausap ko sa papel na nasa harap ko.
"Teyya tapos ka na ba jan---" napatigil ako sa pagtatanong ng makitang sobrang lunod na lunod siya sa pagbabasa. Ni hindi na niya ko narinig.
We're both college now. Medicine naman ang kinuha niya. She's the most hardworking, persistent and studious person I've ever met. She's a good friend of mine since highschool. Magkaiba man ang kinuha namin ngayong kolehiyo na kami, here we are studying together.
She's looking cute with her white jacket and white cotton shorts. Cute even though her facial expression right now is very serious pfft.
Tinignan ko ang relos ko at mag mag aalas kwatro na. Before 6 dapat nahatid ko na siya sa kanila.
"Teyya..."
"Mhmm?" Tiniganan niya ko gamit ang nagtataka niyang mukha, naka taas pa ang dalawang kilay.
"Woi baket??" Nakakunot na ang noong tanong niya. Shit natulala ako dun ah.
"Alas kwatro na" Parang walang nangyaring anunsiyo ko. "Tapos ka na jan?"
Naglakad ako palapit at pumunta sa bandang likod niya tapos tinignan mula doon ang librong binabasa niya kanina at mga notes na sinusulat niya.
Tinaas niya ang glasses niya at ginawang head ban saka nilingon ako. "Yup almost, pero sa bahay ko na 'to tatapusin" saka niya dali-daling inayos ang mga gamit niya.
Andami niyang highlighters, adik ata tong babaeng 'to sa highlighter.
Bibitbitin na sana niya yung bag niya pero hinatak ki agad siya palabas ng bahay.
"Tara muna sa 7/11" aya ko. Saka kinuha ang susi ng motor sa gilid ng pinto.
"Taraaaa" sabi niya at kumalas sa pagkakahawak ko at nagsuot ng helmet. Shit hawak ko pa rin pala kanina yung kamay niya. Anong nabgyayari sayo Gelo.
Patay malisya ulit tapos nagsuot na lang den ng helmet. Pinaharurot ko ang motor hanggang marating namin ang 7/11.
Bumaba sa tapos nagtanggal ng helmet. Inayos niya ang mejo nagulong nakalugay niyang buhok.
Ipinark ko muna ng maayos yung motor bago kami pumasok ng 7/11. Pesteng pintuan minsan nalilito pa rin ako kung pull o push.
Nauna si Teyya at sinundan ko naman niya. Pumunta siya sa bandang Bigbite and Siopao. Dalawang buns ang kinuha niya. Isa sakin, isa sa kaniya.
"Sana may free taste 'no kahit tong mga hotdogs lang..." Teyya na busy pa ren sa paglalagay ng hotdog sa buns. Bagal talaga kumilis netong babaeng to.
Kinuha ko yung tong ng siopao at kumuha ng isang Hotdog. Pinanood niya nmang gawin ko yun. Namilog ang mata niya ng kagatan ko yung hotdog.
"Gelooo!" Suway niya sakin pero inosente ko lang na nginuya yung hotdog.
"Ahh" sabi ko at inilapit ang hotdog sa kaniya. Nakakunot ang noong tinignan niya muna ako saka kumagat.
Pffft
Pagkatapos lagyan ng hotdog yung dalawang buns. Kumuha ulit siya ng isa pang bun tapos nilagay yung kinagatan na naming hotdog.
Binitbit niya yung big bites namin saka kami naglakad papuntang Drinks area. Inopen ko yung fridge tapos sinadyang tagalan ang pagpili.
Ineenjoy ko ang pagpapalamig ng dutdutin niya ko sa tagiliran.
Kumuha ako ng Dalawang Smart C na kalamansi flavor at saka siya nilingon. "Bakettt?"
"Pogi ohh" kinikilig na bulong nito sabay tingin sa Chips section. Nilingon ko naman at ayun. Papabells na pumipili ng mga chichirya.
I'm bisexual. Gwapong gwapo yung lalaki pero di ko type.
Nilingon ko si Teyya panay ang dutdut pa rin sa tagiliran ko. Kumunot ang noo ko. Noon naeenjoy ko mag hunting ng mga gwapong lalaki kasama siya, pero di alam anong biglang nangyari. Tsh.
"Tara na sa counter" yaya ko at kinaladkad ang maharot na babaeng to papuntang counter.
Siya ang nagbayad. Matik na sa bahay nalang kami mag compute. Pinanood kong magtawanan yung babaeng cashier at si Teyya ng makita ko sa peripheral vision ko na may papalapit.
Yung lalaki sa Chips section.
Doon ko ito sinuri. Matangkad, mejo tanned skin, gwapong gwapo sa suot nitong plain black T shirt.
Naka Plain black T shirt ren ako para tuloy kaming naka couple tshirt.
Napapitlag ako ng mapansing wala na si Teyya sa harap ng counter. Dali-dali akong lumabas. First time di ako nalito sa pull at push sa pinto.
Asa tabi na ng motor si Teyya. Teyya sungit pfft naka kunot noo niya e.
La la la la la la HAHAHHAHAHA
Nakasakay na kami pareho sa motor pero ang laki ng pagitan namin. Di pa kumakapit.
"Kumapit ka" sabi ko bago andarin ang motor pero parang wala ito g naririnig.
Binigla kong binilisan ang pagpapatakbo.
"Pesteeee ka!" Tinawanan ko lang siya. Nakahawak na siya ngayon sa bewang ko at di na niya iyon tinanggal hanggang makarating kami sa bahay.
-TABING DAGAT-
Nakahiga kami ngayon sa nilatag naming blangket sa tabing dagat. Nagdala rin kami ng unan! Tapos na kami magmeryenda at ngayon nanonood nalang ng sunset.
Ang ganda. Lagi ko tong nakikita dahil malapit lang ang bahay namin sa dagat pero sobrang nagagandahan pa rin ako.
Nilingon ko ang katabi ko at namangha ako ng makita ang repleksiyon ng sunset sa mga mata niya.
May sinasabi siya pero di iyon pumapasok sa utak ko. Ang alam ko lang gusto ko siyang halikan. Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya at nagtama ang mga mata naming dalawa.
Napatigil siya sa pagsasalita. Sobrang lapit na ng muka naminng dalawa. Bumaba ang tingin niya sa labi ko at napalunok naman ako.
"Teyya... Can I kiss you?" I asked
"Yes---" pinaghiyang ko ang mga labi namin.
1!
2!
3!
4!
5!
6!
7!
8!
9!
10!
Pagkatapos ng halikan namin ay binagsak ko ang ulo sa leeg nito. Saka kami parehong natawa.
"Crush mo na rin ako 'no?" Teyya. Yes noong highschool palang umamin na siya saakin.
Ako lang itong torpe.
But not anymore. "I falling Teyya, ligawan mo na ko" natawa lang siya sa sinabi ko.
Hinarap ko siyang muli saka binigyan ng isang mabilis na halik.
"Hoy nakakadalawa ka na ha---" hinalikan ko ulit siya at tinugon naman niya iyon.
Wakas
[A/N: Hope you like it. Vote and comment anong masasabi niyooo. Love Bukojoyceee]
YOU ARE READING
FALL | oneshot
Romance"Kumapit ka" sabi ko bago andarin ang motor pero parang wala ito g naririnig. Binigla kong binilisan ang pagpapatakbo. "Pesteeee ka!" Tinawanan ko lang siya. Nakahawak na siya ngayon sa bewang ko at di na niya iyon tinanggal hanggang makarating kami...
