"There she is," sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng malakas na boses.

It's Joji, Russ and Bricks. Nakatingin sila sa gawi namin at tinuturo pa ako ni Bricks. Hindi nakagalaw sila Rika nang maglakad ang tatlo papunta sa amin.

"Vanny!" nakangisi si Russ nang tawagin ang pangalan ko pero naglaho rin agad iyon nang makita kung paano ako hawakan nila Angel.

I instantly took back my arms from them and gently caressed it, nag-iwan ng marka ang mga kuko nila sa braso ko. Mahapdi 'yon at namumula.

"B..bakit kayo nandito?" tanong ko sa tatlo na ngayon ay nakamasid na sa braso ko. Itinago ko ito upang hindi na nila makita pa.

"Hinahanap ka ng girlfriend ni Captain," mabilis na sagot ni Bricks, tinutukoy niya si Margaux.

"Pati ni Madam Dons," dagdag ni Russ.

Ako ang kausap nila ngunit hindi naman sila nakatingin sa akin dahil ang mga mata nila ay masama ang tingin kay Rika at sa mga kaibigan niya, halatang naiinis sila sa mga ito.

"B..bakit daw?" tanong kong muli, pasimple kong nilingon sila Rika.

Bigla silang naging maamong tupa noong dumating ang tatlong lalaki. Wala silang masabi ngayon, tila ba nawala lahat ng pinapakita nilang tapang sa akin kanina.

"Anong bakit? They were looking for you because MVD wouldn't be complete without you, Miss Van," sagot ni Joji at kinindatan pa ako.

Para akong nagkaroon muli ng lakas ng loob dahil sa sinabi niya. Bakit nga ba ako nagpapadala sa sinabi nila Rika sa akin? Margaux and Donna has been good to me, wala nga silang pinakitang kahit na anong masama sa akin. They treated me as if they've known me for years.

Hinarap ko si Rika at ang mga kaibigan niya. Tinaas ko ang sariling noo habang pinagmamasdan silang tatlo, I suddenly felt the courage to get back at them.

"Rika," tawag ko sa pansin niya.

Nilingon ako ni Rika at tinaasan ng kilay ngunit agad din niyang ibinaba 'yon nang mapansin na masama ang tingin sa kanya ni Joji.

"If you hate me, hate me alone. Don't be out there saying bad things about me, trying to recruit people to hate me with you," I blurted out at her.

Halatang nagulat siya sa sinabi ko pero pinigilan lamang niya ang sarili na ipakitang naiinis siya. Sumunod kong nilingon si Angel at Cristal sa likuran niya na kapwa nakayuko.

"Bakit tumahimik kayo? Scaredy cats?" I mocked them. "You're just good at picking on someone that you have powers over with, this is the last time that I will let you touch me."

Tumalikod na ako matapos sabihin 'yon, inaya ko na ang three ids upang umalis na, nauna akong maglakad ngunit napahinto rin ako agad nang maramdaman ko na hindi pala sila nakasunod sa akin.

Nilingon ko sila at at nagsalubong ang mga kilay ko nang makita na may  ibinubulong sila kay Rika at sa mga kaibigan nito. Halata ang takot sa mukha ng mga babae kaya nagtaka ako kung ano 'yon.

"Ano'ng sinabi niyo sa kanila?" tanong ko sa tatlo nang maglakad sila papunta sa akin.

"Nothing, we just told them what consequences they're going to face if they messed up with you again," si Joji ang sumagot kaya napangiti ako.

These three guys always have my back. Laging sila ang naghahanap sa akin sa tuwing gusto akong makita nila Margaux at Donna.

"Nasaan ba sila?" I asked them while we're walking towards the pathway. 

"Ayun," tinuro ni Russ ang buong Bullets na nagkukumpulan sa gilid ng soccerfield.

Kusang tumama ang mga mata ko kay Blare na nakaupo sa tabi ng kapatid niyang si Blake. Gusto ko na lang biglang umatras nang makita ko na naman siya.

Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora