"..sana kahit sobrang dami na ng kasalanang nagawa ko sayo.. kapag nawala ako.. kung ayaw mo man akong kalimutan.. -sana.. sana kahit ang masasayang araw na lang natin habang magkasama tayo ang maaalala mo.. hinihiling ko na sana huwag kang masaktan ng sobra dahil higit akong malulungkot kapag malungkot ka."

"First."

"Thank you Tork.. maraming maraming salamat dahil minahal mo ako.. salamat dahil naging kapatid din kita.. salamat sa mga chocolates na binibigay mo kapag malungkot ako.. salamat dahil nandiyan ka palagi sa tuwing kailangan kita.. salamat din sa hindi pag-iwan sa akin Tork.. ..sana sa susunod kong buhay ay makilala pa rin kita.. i promise in my next life.. hinding-hindi na ako aalis.. hindi na kita iiwan.. lage na tayong magkasama at hindi na kita sasaktan.."

"First.. please." hagulhol pa rin niyang sambit sa pangalan ko.

"It's okay baby.. everything's will be alright the next time that you will see me." sambit ko habang marahang tinatapik ang likuran niya. Hindi ko man magawang bawasan ang lungkot at sakit na nararamdaman niya ngayon, umaasa pa rin akong sa susunod naming pagkikita ay hindi ko na siya masasaktan ng ganito.

Ilang segundo pa ang lumipas ng nanatili lang kaming magkayakap.

Bumukas ang pintuan at pagmumukha ni Clover ang bumungad. Pansin ko pa ang dala-dala niyang supot na alam kong galing siya sa isang drugstore. Para sa akin ba ang laman ng supot na iyon?

Pasimple kong pinunasan ang luha ko habang siya ay nanatili pa ring nakatingin sa akin.

Malamig siyang bumaling kay Tork na yakap ko pa rin hanggang ngayon.

"Drink it." sambit lang niya bago mabilis na lumabas sa kwarto ko. Hindi ko alam kung nagseselos ba siya.

At paano niya nalamang may sakit ako?

"Clover." tawag ko pa sa kanya na nagpakalas ng yakap ni Tork sa akin. Binalingan niya din ng tingin si Clover na hawak-hawak pa rin ang doorknob ng kwarto ko.

"Paano mo alam?" pagkaraan ay tanong ko sa kanya tungkol sa pagdala niya ng gamot. "Ikaw ba ang nagdala sa akin dito sa kwarto ko?" dagdag ko pa na nanatili lang na nagpatahimik sa kanya. What's the matter?

"Nakita mo ba sila mommy dito sa unit ko kagabi?" patuloy ko pa ring tanong dahil sa mga pumapasok na posibilidad na nangyari habang wala akong malay.

"Take a rest First.." sambit lang nito at tuluyan ng nilisan ang kwarto ko.

Napasunod na lang ang paningin ko sa kanya. Hindi ako sigurado pero iba ang pakiramdam ko. Iba din ang pumapasok sa isip ko dahil sa hindi niya pagsagot sa tanong ko tungkol kay mama. Naabutan niya pa ba ito kagabi dito? Anong napag-usapan nila? Hindi ako matatahimik hangga't hindi siya sumasagot sa mga tanong ko. Gusto kong makasigurong hindi niya ito nakita ni ang makausap ito ay ayaw ko.

"Why? What happened? Bakit nandito ang mommy mo?" usisa ni Tork sa akin habang nagpupunas siya ng luha niya kaya naputol ang pag-iisip ko tungkol kay Clover.

Hinarap ko siya upang sagutin ang tanong niya.

"We just talk Tork.. don't think about it okay?" sagot ko na bahagya lang na ikinakunot ng noo niya.

"Then bakit parang nag-aalala ka kung nakausap ba ng Clover na iyon ang mommy mo?" dagdag pa niyang tanong.

Umiling lang ako sa kanya at peke na lang na nagbigay ng ngiti upang mabaling lang ang atensyon niya. Mahihirapan ako kung ipapaliwanag ko pa sa kanya ang napag-usapan namin ni mama kagabi. Madami nang nalalaman si Tork tungkol sa buhay ko, ayaw ko ng dagdagan pa iyon dahil mas lalo lang siyang malalagay sa alanganin. Being a deivil drug carrier is not easy. Lalo pa't alam ko na kung ano ang magiging epekto nito sa katawan ng tao. Sumasagi din sa utak ko ang mga taong napipiling turukan ng drogang iyon. Ang mga taong katulad naming may malalakas ang resistensya lang ang nakakayanan ang epekto niyon. Mga taong may kakayahan at mahusay ang mentalidad na kayang kontrolin ang epekto nito sa utak namin.

Kagaya nga ng sabi ni mommy noon tungkol sa epekto ng dievil drug sa akin., hindi ako nakalimot.. hindi ako nagaya kina Blue at Ivory na pansamantalang nawalan ng kamalayan sa paligid. Hindi ako nagaya kay Dew na nagawa pang makapatay dahil sa hallucinations niya habang nasa ilalim siya ng epekto ng droga. Dahil sa halip na magaya ako sa kanila kabaliktaran niyon ang nangyari sa akin. Animo'y may photographic memory ako dahil halos lahat ng nangyari sa buhay ko ay kaya kong maalala ang bawat detalye.


***

Author's Note: Happy birthday to us First.. haha 1 year ka na. Sana matapos na kita. Haha

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Thank you.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now