Malalim lang akong napahinga ng sa wakas ay nagawa na niyang buksan ang pintuan niya.

Kahit halata ang panghihina niya, nagawa niya pa ring magulat dahil sa pagdating ko lalong lalo na ang tatlong babae sa likod ko.

"Gaga! Ang putla mo!" sambit kaagad ni Ate Ash sa kanya.

"Kakakain mo yan girl." si ate Butter naman ang nagsalita na nagawa pa akong bahagyang itulak patabi upang maunahan niya lang akong makapasok sa pintuan.

"Gaga., maputla na nga.. paano mo nasabing kakakain niya yan?" tutol naman ni ate Jelly at sumunod na din sa dalawang pumasok sa loob.

Napailing na lang ako sa likuran nila. Siguro katulad ko ay napapaisip na din si First minsan kung sino talagang may totoong sira sa utak sa kanilang apat.

Binalingan ko ng tingin si First. Katulad kanina ay tahimik pa rin siyang gulat na nakatingin sa tatlong babae.

"A-anong ginagawa niyo dito?" tanong niya kalaunan sa mga babae bago ako balingan ng tingin.

"I miss you." sambit ko sa kanya habang walang boses na lumabas sa bibig ko.

Napatitig lang siya sa akin. Bahagya pa siyang ngumiti na nagpangiti na din sa akin at tumagos iyon sa puso ko.

"I miss you too baby."walang boses din niyang senyas na lalo lang nagpasaya sa puso ko dahil sa muling pagtawag niya sa akin. I'm inlove with her, i know. Matagal ko ng alam iyon. Kahit pa alam kong iba talaga ang nilalaman ng puso niya.

"Gaga, I miss you." napabaling ang tingin namin sa kapatid kong umiiyak pang lumapit sa kanya upang yakapin siya.

"B-bakit? A-anong?" naguguluhan namang tanong ni First habang niyayakap na din siya pati ng dalawang sina Ate Ash at Ate Jelly.

"Shut up First.. gaga ka talaga! Baliw ka pang tunay. Alam na naming hindi ikaw ang pumatay sa mommy ko.. sinabi na ni Tork kay Butter na ni-chismis naman niya sa amin ni Ash." umiiyak ding sambit ni ate Jelly sa kanya.

"Bakit ka nagsinungaling?" tanong ni Ate Ash sa kanya.

"Wala lang.. para iba." sagot ni First sa kanila na nagpatigil sa pag-iyak nilang tatlo.

I'm happy to see them na bumalik na sa dati ang pagiging magkaibigan nila. I'm also happy na tignan si First na ngumingiti na ngayon dahil sa kanila.

***

First points of view:

I'm shock and happy to see them. Masaya din ako na kahit sa kabila ng lahat ng nangyari ay nagawa pa rin nila akong patawarin.

"Wala lang.. para iba." sagot ko sa sunod-sunod nilang tanong.

Kaagad naman silang kumalas sa pagkakayakap. Nagtaas pa sila ng kilay sa akin.

"Anong iba?" tanong ni Ash.

"Baliw ka nga!" sambit naman ni Jelly.

"Gaga!" mura ni Butter. "Ano nga? Bakit nga?" tanong niya pang muli na nagpailing na lang sa akin.
.

"Kasi half truth naman kasi ang lahat ng sinabi ni Ate Sage tungkol sa pagkamatay ng ina niyo Jel. Kahit pa hindi ako mismo ang pumatay sa kanya, ako naman ang dahilan kung bakit namatay siya." baling ko kay Jelly. Pansin ko pa ang paglungkot ng mukha niya na nagpabalik ng lungkot at pagsisisi ko dahil sa nangyari noon.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang