Simula

83 6 0
                                    

“Lola, sino yung lalaking nasa cabinet mo?” tanong ng aking apo. Napangiti ako nang makilala agad ang tinutukoy niya.

“Pogi ba?” tanong ko sa kanila. Namula naman ang pisngi ng apo kong babae kaya natawa ako at napabuntonghinga. Dumungaw ako sa bintana at inalala ang lahat ng pangyayari noon.

“Siya ang unang paksa sa mga ginagawa kong akda.” nakangiti kong sambit. Hindi ko naman alam kung ano ang reaksiyon ng aking apo dahil sa labas naman ako nakadungaw. Tumingin ako sa puno kung saan lahat nagsimula.

Sa punong mangga na iyan, diyan ko siya unang nakitang tumutugtog ng gitara at unang pag-uusap naming dalawa.

Sa araw din na iyon, naisipan kong magsulat ng mga tula. Dahil sa kaniya, nakapagpublish ako ng libro at siya yun ang paksa.

“Ano po bang meron sa inyong dalawa noon? Siya ba yung lolo ko?” tanong niya. Napalingon ako saglit sa kaniya at nakita ko talaga ang kuryusidad sa kaniyang mga mata.

Siya sana kaso hindi pumayag ang tadhana.

“Mahal mo siya, la?”

Oo, sobra.

“Hindi.”

“Eh bakit? Kung wala naman palang kayo noon, bakit nasa iyo parin ang litrato niya ngayong matanda ka na?” parang naguguluhan niyang tanong. Tumingin ako sa kamay ko at ngumiti.

Nangako ako.

Nangako ako sa kaniya.

“Lola?”

“Naging parte siya sa buhay ko kaya dapat kong itago yung litrato niya.” sabi ko.

“Bakit nga, lola? Nasaan na siya ngayon?”

Hindi ako makasagot agad sa apo ko. Nawala ang ngiti ko nang maalala ko ang pangako namin sa isa’t isa.

“Darating rin ang araw na maintindihan mo ang ibig kong sabihin, apo. Pagdating panahon.”

Inutusan ko siyang kunin ang isang kwaderno sa ilalim ng kama ko. Ngumiti ako nang muli ko iyong makita.

“Basahin mo iyan kung gusto mong malaman. Maintindihan mo lahat kung bakit hanggang ngayon nandiyan parin ang litrato niya.” sabi ko.

“Kapag dalaga ka na, basahin mo iyan.” sabi ko ulit. Nalilito man pero tumango siya sa akin. Napangiti naman ako at ginulo ang buhok niya.

Babalikan ko lahat. Sisimulan ko sa simula. Sa dating tagpuan, sinta.

Sa Dating Tagpuan, SintaWhere stories live. Discover now