May isang kwarto pala sila, Bakit pa nila ako hinayaang dito matulog. Edi sana, Wala akong sakit ngayon. Nadagdagan pa tuloy ang sakit ng katawan ko.


Alam kong hindi nila ako priority pero sana, Hinayaan o inalok man lang nila ako dun sa isang kwartong sinasabi nila. Kahit hanggang sa gumaling lang sana yung sugat ko para hindi ako mahirapan ng husto. Kahit makalat, Pipilitin kong linisin. Hindi naman ako tamad na nilalang.


"Ha? Sa bodega?!" halos sabay-sabay nilang saad maliban kay Klarence na walang emosyong pinapanood kami ngayon.


Nakapatong naman ang ulo ni Ben sa hita ko at mukhang inaantok na din.


"Patutulugin niyo siya sa bodega?!" narinig kong sabi ni Dan.


Narinig ko ang buntong-hininga ni Klarence.


"Dun siya sa kwarto namin." sabi niya bago buksan ang pinto.


Natigil kaming lahat sa sinabi niya. Nakatitig lang kami sa kaniya dahil mukhang pati mga kasamahan niya at si Ben ay hindi makapaniwala sa inaasta niya.


"Ano? Tutunganga na lang ba kayo?" malamig niyang saad.


Umirap siya. Mukhang hindi niya nagugustuhan ang tinititigan siya.


"Tss..." sambit niya bago ako lapitan at buhatin.


Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Shemay! Binuhat ako ni Klarence. Tumingin siya sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin. Pinili ko na lang na tumahimik pero sobrang naiilang talaga ako. Nakita ko ring sumunod sa amin si Ben. Dala-Dala pa din ang laruang robot niya.


"Ben." pagtawag niya kay Ben.


"Po?"


"Sa tabi muna kita. Si Ate Bella mo muna sa kama mo." sabi niya.


Tinawag niya ba ako sa pangalan ko? May ate pa! Totoo ba to? O nananaginip lang ako? Tsismoso siguro siya kanina ng nag-uusap usap kami ng mga kasamahan niya.


"Ate Bella," nilingon ko siya "Magpapagaling ka ha?"


Napatitig ako sandali sa kaniya. Ang gaganda ng mga mata niya. Kahawig niya talaga ang kuya niya. Ngumiti ako at tinanguan siya.


--


"Ikaw ang kukuha ng pagkain ngayon." pakinig kong usapan sa salas.


Medyo mabigat pa din ang pakiramdam ko na sinasabayan pa ng pagsakit ng likod ko dala ng pagkakatilapon ko mula sa kotse. Pasalamat na lang ako at hindi ganun kalala ang impact sa akin kaya't hindi ako nabalian o namatay.


Gusto kong uminat ngunit mas pinili ko na lamang na huwag munang gumalaw dahil makakaapekto iyon sa katawan ko. Nilingon ko ang kabilang kama at napansin kong malinis na ito at walang nakahiga. Siguro'y nasa labas na si Ben at Klarence. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng CR at iniluwa doon si Klarence na topless at basa ang buhok.

Zombie Apocalypse✔Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum