2 - KLEIN

6.9K 235 79
                                    

Kahit ano'ng gawin ko, nagagalit sa akin ang mga tao... Hindi naman ganito ang buhay ko bilang artista noong una. Mahal ko ang pag-acting at pagmo-modelo. Maraming nag-akala na sisikat ako at maraming magmamahal sa akin. Pero maraming nangyari. Marami akong natutunan simula nang pumasok ako sa mundo ng showbiz...

Kahit na marami kang nagawang tama, ang nag-iisang mali mo pa rin ang tanging pupunahin ng mga tao. 

Siguro nga ay kasalanan ko rin. Nagpa-uto ako at masyadong nagtiwala nang sobra sa mga tao. Hindi ko ugaling pagdudahan ang mga tao lalo na 'yung mga napamahal na sa akin. Palaging sinasabi ni Alice na masyado akong mabait at hindi makaka-survive ang tulad ko sa realidad ng mundo at mga tao... Siguro nga. Siguro nga masyado akong nagtiwala... at ako lang din ang nalugmok sa bandang huli. Ako pa rin ang nagdusa sa bandang huli.

Sa lahat ng nangyari, mas pinili ko na lang na manahimik sa media hindi tulad noon. Wala na lang akong ibang inatupag kundi ang kumita ng pera para sa pamilya ko. Iyon na lang ang pinanghahawakan ko kaya nagagawa kong tiisin ang lahat ng 'to. 

23 years old ako noong una akong pumasok sa showbiz. Hindi ako katulad ni Ate Klea na matalino at siguradong may future pagkatapos mag-aral kaya pinili kong magtrabaho muna at hintayin siyang makatapos. Nagsimula ako sa pagmomodelo, hanggang sa may nakadiskubre na may talento ako sa pag-arte. Maganda ang naging simula ko, pero hindi maganda ang kinahinatnan no'n. 25 years old na ako ngayon. Sa nakalipas na dalawang taon, hindi na ako gumaganap sa malalaking palabas. Madalas ay extra lang ang ganap ko at minsan naganap sa mga variety shows na gumagawa ng kung ano-anong challenges... Minamaliit ako ng mga tao sa paligid ko pero wala naman akong magagawa.

Simula ng magkaroon ako ng maraming scandal at issue, wala ng tumanggap sa akin na kompanya o factory na pwede kong pagtrabahuhan... ayaw raw nila sa katulad ko. 

Kaya ginawa ko na lang lahat ng pwede. Tiniis ko na lang ang mundo ng showbiz dahil kailangan kong kumita nang maayos-ayos. Tahimik na naman ang buhay ko, e. As long as wala akong ginagawa na dahilan ng pag-stand out kong muli sa mga tao, tahimik lang ang buhay ko. Kaunting tiis na lang naman, titigil na ako rito at mag-aaral na ng college. Kaunting tiis na lang. Gusto kong manatiling tahimik ang buhay ko sa showbiz hanggang sa huli. 

"Angel... why are you covering my face? Kinakahiya mo ba ako?" tila wala sa sariling tanong ni Castor. 

Pero mukhang ang lalaking 'to ang sisira sa tahimik kong buhay.

"H'wag kang magulo, baka may makakilala sa 'yo," bulong ko na lang habang tinatakpan pa rin ng jacket ang mukha n'ya na pilit n'yang inaalis. Buti na lang at medyo nanghihina siya ngayon dahil sa kalasingan.

Bakit ba siya nagpakalasing nang ganito kahit mukhang mahina ang tolerance n'ya sa alak? Hindi ba siya natatakot para sa career n'ya?

Tumuloy ako sa apartment ng pinsan ko na pag-aari ng pinsan ko sa Canada. Walang nakatira doon. Madalas akong matulog sa apartment na 'yon lalo na sa tuwing nakakaranas ako nang matinding stress mula sa mga bashers ko na bawat galaw ko yata ay ikinagagalit nila. Ayokong makita nina Mama, maski na ni Alice na nahihirapan ako kaya tinitiis ko na lang nang mag-isa. Malakas naman ako sa mga gano'ng bagay. 

Saglit lang akong nalulungkot dahil wala na 'kong panahon para do'n... dahil kailangan ko ulit lumaban at maging malakas kinabukasan.

Hinihingal ako nang tuluyan ko nang maihiga sa kama si Castor. Pinahid ko ang pawis sa noo ko saka nanghihinang napaupo sa kama. Muli akong tumingin kay Castor saka hinubad ang sapatos n'ya at inilapag sa sahig.

"Castor, hindi po ako crazy stalker ha. Ayaw mo po kasing sabihin kung saan ka nakatira tapos si Sir Cassian hindi po nasagot sa tawag ko kanina kaya wala akong choice kundi dalhin ka po rito. Ayoko namang pong masira ang career mo kapag may mga nakakita sa 'yo na lasing na lasing saka baka po may iba pang kumuha sa 'yo na masamang tao. Promise..." inangat ko ang kanang kamay ko, "wala po akong masamang balak sa 'yo saka hindi po ako masamang tao," saad ko kahit alam kong hindi n'ya ako naiintindihan ngayon dahil sa kalasingan n'ya. 

Behind the LightsWhere stories live. Discover now