"Uh..." kumuha na rin ako ng pera sa aking bulsa. "Lugaw with egg saka lechong kawali."

Marahan niyang inilayo ang aking kamay sa kanya.

"No. Tulad ng sabi ko, I'll pay for your food," tanggi niya sabay lapit sa tindero para mag order.

"Plain lugaw na lang pala sa akin!" agap ko. "B-baka hindi ko rin maubos kapag... ganoon karami...sir."

Humarap siya sa akin at humalukipkip.

"Nahihiya ka ba sa'kin, ma'am Ysabelle?" nanunuya ang kanyang boses.

Halos tumigil ako sa paghinga. Napalunok ako dahil tuon na tuon ang kanyang mga mata sa akin.

Tumikhim si sir Noah at umayos ng tindig. "Are you sure? Plain lugaw lang ang sa'yo?"

"H-hindi naman ganoon kalakas ang appetite ko," pagtango ko sabay talikod sa kanya. Humawak ako sa aking tiyan.

That was definitely a lie. Laking probinsya ako kaya malakas akong kumain. In Batangas, hindi lang alumsal tanghalian at hapunan ang meals namin. Parang bawat pagdaan ng dalawang oras ay magluluto ng meryenda si mama, magpapakape o kaya nama'y may kapitbahay na magbibigay ng pagkain. Kailangan sa amin sabay sabay kung kumain. Kaya kapag kakain ang isa, kakain ang lahat. Hindi katulad dito na kung kailan ka lang magutom.

I put my arm on the table. I resisted the urge to turn around and watch sir Noah. Ganito ba talaga ang pagkakaroon ng crush? Na kahit simpleng bagay na ginagawa niya'y parang magugustuhan ko yata, maging simpleng pag oorder lang o pakikipag usap.

Maybe it's the way he always looks like he's in intelligent conversations. Or how manly he stands. Open, wide and relaxed.

I sighed deeply in hopes to slow down the thumping of my heart. I need to drink something.

And speaking of drinks, Thelma, sir Allen and sir Frankie crossed the road with milk tea in their hands. Then they sat on their seats.

"Gusto mo?" alok sa akin ni Thelma. I shook my head.

"Matagal pa ba? Gutom na ako," ani sir Allen.

Mayroong naglapag ng lugaw sa aking harapan, with egg at may letsong kawali. Pinalitan ko na ang order ko!

Tiningala ko si sir Noah, ngunit hindi siya tumingin sa aking direksyon. Nagpatuloy lang siya sa paglalagay ng mga mangkok sa harap nila Thelma.

Nag abot ang tindero sa kanya ng mountain dew. At laking gulat ko nang ilapag niya muli iyon sa tabi ng aking lugaw.

Tahimik kaming apat nila sir Allen. Nadama ako ang paninipa ni Thelma sa aking binti sa ilalim ng mesa.

When sir Noah sat beside sir Frank, he eyed each of us. Then he arched a brow.

"I thought you were hungry," he gestured to the food in front of us.

Bumalik muli ang ingay nila sir Allen nang magsimulang kumain. Inabot niya sa amin ang baso na may nakalagay na mga kutsara.

Sir Frank and Sir Allen were extra hyper when we finished eating. Sa lakas ng boses nila'y iisipin mong mga studyante sila sa halip na guro. Nang makarating kami sa sakayan ng tricycle ay nagpaalam ako kay Thelma. Taga Greenbreeze siya. Malapit lang sa school. Lalakad pa siya pabalik sa school, hinatid niya lang ako rito sa sakayan.

"See you tomorrow, ma'am," niyakap niya ako. "Tawagan mo ako mamaya. Naiintriga ako sa ten thousand na yan."

"So sabay kayo ni ma'am Ysabelle?" usisa ni sir Frank kay sir Noah. "Tutal nama'y nakatira siya sa'yo. I mean, pareho kayo ng apartment."

A Silence In The ChaosWhere stories live. Discover now