Patuloy na nag-uusap sina mama at tita lovie tungkol sa darating na birthday ni mama maging ang engagement party namin ni Clover. Nakikita ko ang pagiging malapit nila sa isa't isa maging si tito Oliver ay komportableng nakikisingit din sa usapan. Maging si Dr. Hiroshi nga ay ganoon din ang ginagawa na parang ang lapit lang ng loob nila sa isa't isa gayong ngayon ko lang sila nakitang magkasama. Napapaisip tuloy ako kung anong uri ng relasyon mayroon sila noon.

Nanatili akong tahimik na nagmamasid sa paligid habang pansin ko na naman ang paglapit ni Clover sa pwesto ko. Nagtatanong niya akong tinitignan na sinuklian ko lang ng bahagyang iling dahil ayoko munang magsalita. Nakuha niya naman iyon at tahimik na lang din siyang tumabi sa akin habang hawak na naman ang mga kamay kong kanina ko pa pala mahigpit na magkahawak.

"What's your plan?" pagkaraan ay mahina niyang tanong.

"I want to talk to my mom after this." mahina ko ding sagot sa kanya na nagpahigpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Binalingan ko siya ng tingin at kita ko sa hitsura niya ang pag-aalala.

"I'll be alright." paniniguro ko sa kanya dahil kung gusto man akong gawan ni mama ng masama ngayon ay hindi niya na paabuti pang makapunta ako sa birthday niya. Automatiko ng pumasok sa utak kong plano niyang tapusin ang lahat sa birthday niya kaya niya pinapapunta ang lahat ng kaibigan ko doon.

"Can I come with you?" sambit ni Clover matapos ang ilang segundong pagtitig niya sa mukha ko. Ramdam na ramdam ko ang pag-aalala niya pero alam kong kaya ko lang kausapin ng mag-isa si Mama. At isa pa, ayokong idamay pa siya.

Umiling ako sa kanya kapagkuwan upang tutulan ang kagustuhan niyang sumama sa akin na makipag-usap kay mama pagkatapos ng usapan nila ng mga magulang niya.

"Please be careful.. I'm here, okay? Call me if you need a help." nag-aalala pa niyang sambit na bahagya ko na lang na nginitian. As if naman na tatawagin ko siya kung manganganib ang buhay ko. Di bale ng ako ang mapahamak, huwag lang siya.

Isang oras din ang nagdaan ng magdesisyon ng umalis si Mama kasama ng asawa niyang si Dr. Hiroshi. Nagpaalam na din ako sa mga magulang ni Clover na babalik na din sa unit ko kasabay ng pag-alis nina mama.

Nagpumilit pa ngang muli si Clover na sumama ngunit isang ikot lang ng mata ko ay wala na din siyang nagawa. Nadadala pa din pala sa irap ang impaktong iyon.

"M-mom." tawag ko sa kat mama ng ilang distansya na ang layo namin sa unit ni Clover.

"You love him right?" biglang sambit naman nito ng balingan niya din ako ng tingin. "I thought it's Craige pero si Clover pala ang mahal mo." dagdag na naman nitong sambit.

"Sayang.. iisang tao lang sana sa kanila ang mababawian ng buhay pero ngayong nasiguro kong pati pala ang anak ni Lovie ay may koneksyon din sayo.. pasensyahan na lang."

"M-mom please..—

"What?!"

"Huwag niyo po silang idamay ma.. Clover is your bestfriend son at alam kong kaibigan mo din ang ama ni Craige na si Tito Rigor. I remembered him mom, pumupunta siya sa mansyon noon upang makipagkita sayo kaya huwag niyo na po sanang idamay ang mga anak ng mga kaibigan mo.. ako lang ang may kasalanan sayo, kaya ako na lang ang singilan mo.. Hurt me as long as you want mom.. huwag niyo lang po silang idamay." pakiusap ko sa kanya.

"It's not only you First. Lahat ng pamilya mo ay malaki ang kasalanan sa akin.." mahinahon niyang paliwanag bago pa biglang nag-iba ang emosyon niya. "Lahat din ng tinuring kong kaibigan noon ay malaki ang kasalanan sa akin kaya huwag na huwag kang gumawa ng kahit ano para lang mapigilan ang mga plano ko!!" galit niyang singhal sa akin na hindi ko na naintindihan kung anong ibig sabihin ng ibang sinabi niya.

"What did you mean? May kasalanan din ba si tita Lovie sayo?" paglilinaw ko pa sa kanya.

Ngumisi siya sa akin bago niya pa hawakan ang balikat ko.

"Not only her, First.. all of them.. kaya nga sinasabi ko sayo noon.. iwasan mo ang ibang tao lalo na ang pakikipagkaibigan sa kanila dahil darating ang panahon iiwanan ka din nila." sambit niya na ramdam kong may ibang ibig sabihin doon.

May nagawa bang kasalanan ang mga kaibigan niya noon sa kanya bago pa man niya ako makuha? Kaya ba ayaw niya akong magkaroon ng kaibigan noon dahil masama ang naging karanasan niya tungkol dito?

Sinenyas niya sa akin ang pagbukas ng elevator upang mauna akong pumasok kaya sumunod din naman ako. Sumunod silang pumasok kaya kaming tatlo lang ang nasa loob ngayon. Aaminin ko sa sarili na habang nasa loob kami ay halos kapusin ako ng hininga dahil sa nararamdaman ko na namang takot sa kanya. Hindi ko din malaman kung bakit hindi ko iyon mapigilan. Siguro ay nasanay lang akong nasa bangungot ko lang siya palage, -sinasaktan ako.

Nang huminto ang lift sa floor kung nasaan ang unit ko, iniiwasan kong isipin na lalabas din sila kasabay ko ngunit iyon nga ang nangyari.
Sumama silang dalawang lumabas sa akin. 

Natigilan pa akong maglakad habang silang dalawa ay nagdire-diretso lang na pumasok sa unit ko. Malalim pa akong napahinga ng maging ang code ng pintuan ko ay alam ni mama.

Kahit kinakabahan ako ay wala akong magawa kundi ang sundan na din silang dalawa. Wala na din namang saysay kung matatakot pa ako dahil iisa lang din naman ang kahahantungan ng lahat ng ito..

Ang magiging katapusan ng buhay ko.

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Thank you.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon