"KANINO KA NAGMANA?"

34 1 0
                                    


"KANINO KA NAGMANA?", iyan ang laging bungad na tanong ng mga tao sa paligid ko. Ako nga pala si Athena Menchavez, lumaki sa pagmamahal ng aking mga magulang at kapatid ngunit sa hinaba-haba ng panahon pakiramdam ko ay parang palaging may kulang sa pagkatao ko at iyon ang nais kong malaman.

 Isang araw, namulat na lang ako sa isang pamilya, ang Pamilya Menchavez. Wala akong maalala sa aking pagkatao, basta ang alam ko ay tunay ko silang magulang sina Mommy Margareth at Daddy Jeydon. Ngunit ako ay nagtataka bakit sa tuwing may ibang taong bumibisita sa aming tahanan ay palagi nilang tinatanong "Bakit magkaiba kayo ng mga magulang at kapatid mo? Bakit sila maputi, ikaw ay hindi? Bakit matangkad ka at ang iyong mga kapatid ay hindi naman katangkaran? Kanino ka ba nagmana?", lagi ko na lang naririnig ang mga salitang iyan, kailan ba matatahimik ang isip ko kakaisip. Dumating na sa punto na kinekwestiyon ko na ang sarili ko, gabi-gabi iniiisip ko, imposible na maging ampon ako dahil ang apilido ko ay Menchavez at hindi naman sa akin pinaramdam ng aking magulang na isa akong ampon, kaya imposible ang sinasabi ng mga taong nasa paligid ko. 

Kinabukasan, papunta na sana ako sa kwarto ng aking magulang dahil may ibibigay akong regalo sa kanila ngunit sa hindi inaasahang panahon narinig ko ang aking Mommy at Daddy na nag-uusap, hindi ko sinasadyang marinig ang kanilang pinag-uusapan ngunit hindi ko na pala namalayan na bumagsak ang regalo na dapat ay ibibigay ko sana sa kanila ng aking marinig kung ano ba ang pinag-uusapan nila. Ito ay tungkol sa aking pagkatao, ang kulang sa aking pagkatao, ang tanong na nais kong malaman ang kasagutan, "Kailangan na natin pumunta sa ibang bansa, dahil baka hanapin pa siya ng kaniyang tunay na mga magulang, napamahal na ako kay Athena hindi ko siya kayang ibigay sa tunay niyang mga magulang, pinalaki ko siya ng maayos at na parang tunay na anak, natatakot ako na malaman niya ang tunay niyang pagkatao, hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya sa piling natin kaya hanggat maaga ay pumunta na tayo sa ibang bansa" ani ni Margareth. "Sige ayusin na natin ang mga papeles para makaalis na tayo sa bansang ito, 'wag ka mag-alala hindi natin pababayaan si Athena" tugon naman ni Jeydon. Ang mga salitang aking narinig ay sapat na para malaman ko ang aking pagkatao, ang matagal ng tanong sa aking isipan ay ngayon ay nalaman ko na rin, na AMPON AKO.

THE DARK SECRET OF MENCHAVEZΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα