Kasabay ko sana lumabas sila Connie pero biglang hinawakan ni Cid yung kamay ko hanggang makalabas kami.

I don't know, but after what happened yesterday, nawala na yung takot or ilang feeling ko with Cid. Napalitan na yun ng feeling na parang may paro parong lumilipad sa tyan ko! I feel it too before pero mas genuine ngayon. Wala na syang halong takot or uncertainty like before. Ang hirap nya iexplain pero all I can say now is I like what I'm feeling.

Ganun lang kami habang papunta sa isang restau-bar dito sa resort at syempre mawawala ba naman yung kantyawan na nagmumula sa dalawang babaeng kasama namin ngayon! I really appreciate his gesture talaga, siguro he felt na baka hindi ako comportable na kaming dalawa lang kaya eto inaya nya sila Connie. I know I would still be happy if kaming dalawa lang pero mas masaya ako ngayon. Medyo na miss ko din kasi yung mga kaibigan eh, I would definitely enjoy this vacation!

Pagdating namin sa restau-bar, nakita kong nakaupo sila Andy at yung iba nilang barkada, nandito rin pala sila. Grabe ang ganda dito, modern pero intimate. Masaya naman ako na nandito sila kasi kahit papaano we've became close after these two years naging kami ni Cid. Hindi na nila ko binubully, takot lang nila sa kay Cid!

Pero wait bakit andito sya? Nagbago yung sayang nararamdaman ko nung nakita ko yung isang particular person na nakaupo sa tabi ni Leon. She was laughing while talking to Cid's other friends.

Eh sino pa ba edi yung bestfriend ni Cid, si Aira!

Kelan pa sya nakauwi? Yes, alam kong mag bestfriend lang sila pero I don't know! There is something about that girl na hindi ako mapalagay! I still can't feel comfortable pag nakikita ko sya lalo nat kasama si Cid. Hindi ko pinapahalata kay Cid kasi ayoko naman maging mukhang jealous and clingy boyfriend pero hindi ko talaga matiis.

After namin sa 1st year college, umuwi ng US si Aira. Dun sya nag 2nd year and 3rd year I think. Need daw kasi ng kasama ng mommy nya sa US as per Cid. Nakahinga nga ako ng maluwang. Sobra ilang talaga ko sa babaeng yan. Halata naman kasing may gusto sya sa boyfriend ko ehh. Kung paano nya tingnan si Cid! Mga tingin yun ng taong higit pa sa friendship ang habol! Yung mga tingin na ganun alam kong my meaning at longing. Ewan ko nga ba jan kay Cid why can't he sense that. Pinagaawayan nga namin minsan yan ehh kasi sobrang madalas sila dati kung magusap sa calls. Nalulungkot daw kasi si Aira sa US! Okay lang sana if once a week pero hindi ehh araw araw noon magkausap sila! Galing diba!

Flashback

Andito kami ngayon sa library, nagpapatulong kasi sya sakin sa isa nyang subject ng biglang magring yung phone nya.

'Love, wait ahh tumatawag lang si Aira?' sabi ni Cid.

Ano ba yan si Aira na naman, kailangan ba araw araw magkausap sila. Palagi nalang napuputol yung mga moments namin ni Cid dahil sa kanya ehh. Kaya sa sobrang inis ko kinuha ko yung phone nya and I ended the call.

Nakakainis na babaeng yan! Why can't she just stop bothering my boyfriend! Di sya maghanap ng sarili nyang guguluhin.

'Love, why did you do that?' Medyo napalakas yung pagsita nya sakin nyan kaya medyo nainis din ako sa kanya! Mga lalaki talaga minsan napaka manhid!

'At nagtanong ka pa! Bahala ka nga jan magsama kayo ng Aira mo! Sa kanya ka mag paturo tutal sya naman lagi mong kausap ehh'

Kaya ayun umalis na ko. Bwisit na lalaking toh di marunong makiramdam.

Buong araw hindi ko sya pinansin! Tanong nga sya ng tanong bakit daw ako nagkaganun or if did he do something wrong daw ba!

Napakamanhid nya! Kaya ayun sa inis ko nasabi ko rin sa kanya

'Love, please tell me. Hindi naman ako manghuhula ehh para malaman kung bakit ka nagagalit nalang ng bigla sakin. Please tell me! Please! Pretty please!' sabi nya yan with matching pacute pa.

'Eh kasi naman ikaw ehh, palagi nalang kayong magkausap ng Aira nayan! Araw araw kausap mo sya! Ganoon ba sya kahalaga sayo para paglaanan mo sya ng panahon ng ganyan. Grabe araw araw nalang kayo magkausap! Kayo nalang kaya, gawin nyo boyfriend at girlfriend ang isat isa! Saling pusa lang ata ako sa inyo dalawa ehh!'

Medyo nagulat pa nga yung itsura nya ehh nung marinig nya yung mga sinabi ko then biglang tumawa ng napakalakas. Buti nalang walang tao dito sa room kasi kung hindi patay kami.

'Love, si Aira lang yun! You don't have to be jealous of her. She's just my friend and you? You are my life, so you don't have to be bothered with her!' He sounded like, what I'm feeling right now is so invalid at walang basihan.

'Selos ka jan! Hindi ahh!' Sagot ko! Di naman ako nagseselos ehh! Hindi talaga! Pangit lang kasi tinganan yung ganyan.

'Ay naku ang love ko tinatanggi pa! Oh, sige na! I promise minsanan ko nalang sya kakausapin if that's what's bothiming you. Halika nga dito!'

Pinalapit nya ko sa kanya then hinug. Tinaboy ko naman sya! Inis pa ko sa kanya tapos yayakapin nya ko? Hindi sa lahat ng oras madadaan nya ako sa paglalambing nya. I need to be firm about this so that he will learn and hear my message.

'Ewan ko sayo! Lumayo ka sakin!' I tried na palayuin ulit sya pero hindi nakinig ang lalaking ito kasi lalo pa kong nilapit sa kanya. Ay naku bahala na nga! Ano pa nga bang magagawa ko! Edi maniwala kay Cid!

Pero hindi parin ako matatahimik sa babaeng yan! Napaka nya! Kung akala nya makukuha nya sakin si Cid! Never! Over my dead body!

End of flashback

Jaime POV

Diba! Kahit noon palang hindi na talaga okay ang pakiramdam ko sa kanya. Pinipilit ko naman tanggalin ito sa puso't isipan ko pero hindi ko talaga maiwasan hindi maghinala sa babaeng yan eh.

Napakalakas kasi ng kutob ko sa kanya. Yung paano nya ako tingnan at si Cid! Iba talaga yung mga mata nya. Kung pwede nga lang kumilos ang mga tingin siguro ay mas magiging lantaran yung pagkahumaling nya kay Cid. Her eyes is not the eyes of a bestfriend, but the eyes of someone who is loving that person that she is looking at.

Subukan lang talaga ng babaeng yan na sirain ang kung anong meron kami ni Cid, makikita nya hinahanap nya. Anong akala nya, porket lalaki ako hindi ako papatol sa kanya. Hindi ako papayag na agawin nya ang akin noh!

Selfish na kung selfish, but I'm just protecting what is mine.


Magkamatayan na!

To be continued
WAANJAIMJORA

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora