"Doc, sigurado po ba kayo? Paano po mabubuntis ang anak ko eh lalaki po siya! Imposible po yun! Baka po nagkakamali po kayo!" Sabi ni mama, halatang maski siya ay hindi makapaniwala sa mga sinabi ng doctor sa amin.

"Hindi po nagsisinungaling ang Science, ma'am! Buntis po ang anak nyo ngunit kung gusto nyong makasigurado, maaari po kayong magtungo sa hospital sa bayan para mas makagawa sila ng mas maiiging test para sa anak nyo." Sagot ng doctor.

Halo na halo na lahat ng emosyon at iniisip ko! Pagkalito, takot, kahihiyan kasi napakabata ko pa, galit, pero isa lang ang sigurado ko! Kung totoo naman ang kalokohan na ito, ayoko ko nito lalo na't bunga ito ng pambababoy sakin ni John. Ayoko ko nito!

Sobrang nakatulala lang ako hanggang sa makauwi kami. Sinusubukan din akong kausapin ni mama pero dinedma ko lang sya.

"Anak, bukas na bukas din ay luluwas tayo sa bayan para ipatingin ka, ngunit sa tingin ko naman ay hindi nagkakamali ang sinabi ng doctor. Nagtataka parin ako kung paano ito nangyari at nabuntis ka pero isipin nalang natin na blessing eto para sa iyo! Sa kabila ng lahat ng nagyari, binayaan ka ng diyos ng isang anak." Sabi ni mama yan habang pauwi kami. Hindi ko sya kinibo kahit sobrang nayamot ako nang sabihin nyang blessing ang batang eto na nasa tiyan ko.

Paano naging blessing ang bunga ng isang pambababoy! Paano naging blessing ang isang bagay na simula ngayon ay laging mag papaalala sakin ng sakit ng nakaraan kk. Nagsisimula palang akong maging okay! Sa patuloy na paghilom ng mga pisikal na sugat ko akala ko magagawa ko nang makalimot pero hindi pa pala.

Dahil sa batang ito, patuloy akong hahabulin ng nakaraan! Nakaraang ayoko nangkailanman ay balikan!

Nawala na lahat ng pagasa ko sa buhay! Wala na kong gana! Suko na ko! Ayoko na!

Pagdating namin sa bahay pumasok ako agad sa kwarto ko at nagwala!

Bakit ba ganito! Hindi na ba ko pwedeng maging masaya! Bakit ba ganito nalang palagi! Pagod na pagod na ko! Hindi pa ba sapat lahat ng paghihirap ko! Bakit ako pa? Hindi pa ba sapat na nasira at nabababoy ako! Tapos ngayon mabubuntis pa ko!

Ayoko ko na!

Napakabata ko pa!

Sigaw lang ako ng sigaw habang sinisira at tinatapon lahat ng gamit ko sa kwarto. Agad agad naman akong sinundan at pinasok ni mama para pigilan.

'Anak, tama na! Makakasama yan sa anak mo! Tama na yan! Pakiusap, Anak! Tama na!'

Ngunit hindi ko sya pinakikinggan, patuloy lang ako sa pagwawala.

'Anak, tama na! Makakasama yan sa anak mo! Tama na yan! Please anak!' Patuloy na pag-awat sakin ni mama pero sigaw lang ako ng sigaw sa kwarto. Iyak lang din ng iyak!

Sa totoo lang pagod na kong umiyak! Ayoko na! Pagod na pagod na ko!

~~~

Alas dos na ng madaling araw, tulog na tulog na sila mama habang ako eto pinagmamasdan ko lang sila ngayon at umiiyak! Hindi ko lubos maisip na mangyayari sakin eto! Simple lang naman ang gusto ko! Ang nais ko lang ay mabuhay ng tahimik kasama ang pamilya ko. Makatapos ng pagaaral para pagdating nang panahon ay matutulungan ko sila mama sa pagtratrabaho. Maiahon kahit papaano ang pamilya ko kahit kaunti sa lugmok naming pamumuhay pero bakit ganito! Imbes na maging okay ako, araw araw nalang nagkakaroon ng bagong dahilan para sumuko ako.

"Patawarin nyo ko sa gagawin ko mama! Pero pagod na pagod na po talaga ako ! Ayoko na po. Suko na ko sa lahat ng problema at pagsubok na dumarating satin! Sorry po talaga!"

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Where stories live. Discover now