Naghahanda ako ngayon ng makakain nila Liza ng biglang may kumatok sa pintuan namin

Ano ba yan istorbo naman!

'Liza! Pakibukas naman nung pinto! May tao ata!' utos ko sa kapatid ko pero mukhang hindi ako naririnig ni Liza, nasa kwarto kasi sila ni Joshua naglalaro! Kaya ako nalang yung sumagalit para tingnan kung sino iyon.

Pagbukas ko ng pinto, bigla kong nahulog yung hawak kong sandok dahil sa gulat nung makita at marealize ko kung sino yung nasa pinto.

Bumalik na sya!

"Ma!" Napasigaw ako nang makita ko kung sino yung nasa harap ko ngayon. Si mama nandito na sya!

Walang ka abog abog akong lumapit sa kanya. Niyakap ko sya ng pagkahigpit higpit, aaminin ko nung una pakiramdam ko may galit ako kay mama kasi pakiramdam ko iniwan nya na kami, pero ngayon andito na sya! Parang nakalimutan ko lahat ng yun at napalitan ng sobrang saya yung puso ko dahil andito na sya!

Sa wakas!

Andito na yung mama ko!

'Huhuhuhuhu mama andito ka na sa wakas! Bumalik ka na! Mama! Akala ko hindi mo na kami babalikan! Huhuhuhu mama namiss kita sobra!' sabi ko sa kanya habang hindi ko rin mapigilan yung pagagos ng mga luha ko.

Grabe na miss ko talaga sya. Andito na si mama!

'Patawarin mo ko anak, hindi ko ginustong iwan kayo! Wala lang akong mapagpipiliian nung time na yun dahil akala ko mas makakabuti para sa inyo na lumayo ako para sa trabaho pero nagkamali ako. Niloko kasi ako nung amo ko. Ilang buwan akong hindi pinasahod, buti na nga lang tinulungan ako nung isa nyang anak kaya nakatakas ako! Malupit sya anak! Lalo na sa katulad kong alam nyang mahina at umaasa sa ipapasahod nya! Nagbuhay hayop kami sa puder nya anak! Patawarin mo ko anak! Patawarin mo si mama! Huhuhuhu'

Nang marinig ko yung paliwanang ni mama, sobrang naawa ako sa kanya. Narealize ko na parehas lang pala kami na sobrang nahirapan nung mga panahon na yun. Sobrang nasasaktan ako para sa mama ko. Hindi nya deserve ang mga ganitong bagay at pagtrato. Isa lang syang ina na gustong maiahon sa hirap ang mga anak nya! Awang awa ako kay mama, kasi ngayon ko lang din napansin na puro pasa yung katawan nya at puro sugat yung mukha nya.

Kawawa naman ang mama ko! Bakit ba may mga taong naaatim trumato ng ganito sa kapwa nila!

Nang maghiwalay kami sa pagkakayakap sa isat-isa, hinawakan ko ang kanyang kamay at kinausap sya.

'Okay na po yun mama! Ang mahalaga andito na po kayo! Miss na miss po kita! Miss na miss na miss na miss! Kung alam mo lang po, kung pwede lang pumunta ako dun sa Bicol para hanapin kayo gagawin ko! Kaya lang! Kaya lang! Mama!'

'Anong nangyari anak? Bakit ganyan ka makaiyak? May nangyari ba sayo nung wala ako? Nasaan si Ate Aubrey mo at Si papa mo? Bakit ikaw lang yung nandito?'

'Mama!' Hindi ko alam kung dapat pa bang sabihin ko kay mama yung mga nagyari! If dapat pa ba kasi paniguradong masasaktan sya.

'Anak! Bakit! Anong nangyari! Sabihin mo kay mama! Anong nangyari!' Pilit na pagtatanong ni mama kaya napagdesisyunan ko na nararapat lang na sabihin ko sa kanya lahat nang mga nangyari.

Nung gabing din yun ikinuwento ko kay mama lahat ng naranasan ko at kung bakit wala na si Papa at si Ate dahil na rin sobrang nagtataka na din sya sa sobrang pagiyak ko. Sobrang nagalit at sinisi pa nga yung sarili nya sa mga nangyari. Kung hindi lang daw sya umalis at iniwan kami kay papa hindi daw mangyayari yun.

"Patawarin mo ko anak! Kasalanan ko lahat ng nangyari sa inyong magkakapatid! Sana ay narito ako para protektahan ka! Sana narito ako pagipagtanggol ka sa demonyong lalaki na yon! Hayop sya! Paano nya nagawa yun sa pinakamamahal kong anak! Bakit! Anong nangyari sa iyong ama! Ang sabi nya sakin noon ay nasa maayos ang lahat! Lubos kong pinanghawakan na kahit wala man ako sa inyo tabi ay naraan sya para kayo ay pangalagaan. Ang sabi nya sakin hinding hindi nya kayo iiwan! Ang sabi nya sakin ay lagi nya kayong babatayan pero ngayon malalaman ko hindi pala ganun ang nagyari? Pinabayaan nya kayo! Iniwan at ipinamigay! Napaka bata pa ng mga kapatid mo para danasin ang mga sakit at paghihirapan na iniwan ng papa nyo sa kanila! Bakit! Hindi ko mainitidihan kung paano nya naatim na gawin yun. Paano nya yun nagawa! Paano! Kinamumuhian ko sya! Paano nya naatim na pabayaan kayo! Na ipamigay ko! Hinding hindi ko sya mapapatawad! Hinding hindi!" Ramdam ko ang sobrang galit sa boses ng aking ina.

Iyak lang sya ng iyak habang kinuwento ko lahat ng nangyari! Tapos niyakap nya lang ako kasi sobrang naiiyak nadin ako. Sobrang sakit kasi malinaw pa sakin ang lahat. Bakas pa nga sakin yung mga sugat na nakuha ko galing sa pambubugbog na ginawa sakin ni John.

Ang sabi ko nalang hayaan na nya kasi okay na ako, kasi andito na sya at kasama namin nila Liza. Kahit sobrang masakit pa rin sakin, pinilit kong maging okay sa harap ni mama! Ayoko kasi patulo nyang sisihin yung sarili nya kasi in the first place biktima din sya ng tadhana tulad ko!

"Wala kang kasalanan, mama! Parehas lang tayong nasaktan! Alam kong hindi nyo ginusto ang iwan kami! Masaya na po ako na nandito kayo! Hindi na ko nagiisa para bantayan at palakihin ang kapatid ko. Sobrang malapit na po akong sumuko at magpaubaya pero dahil nandito na po kayo, nagkaroon po ako ng pagasa na magiging maayos ang lahat! Nandito na po kayo, Mama! Mahal na mahal ko po kayo! Mahal na mahal!"

Sobrang masaya na ko kasi nandito na sya at kasama namin nila Liza. Akala ko hindi na ko makakaramdam ng ganitong saya! Ang buong akala ko mamamatay na lang ako sa piling ni John pero hindi, mabait parin sakin ang panginoon.

Sobrang nagpapasalamat ako sa kanya kasi binalik nya sakin si mama at sila Liza. Kuntento na ko sa ganito. Ang hiling ko lang sana manatili na kaming ganito. Alam ko magiging masaya na ko. Alam kong sa sarili ko na makasama ko lang sila masaya na ko at yun yung akala ko, nawala lahat ng saya ko ng isang araw dumating nanaman sakin ang isang bagay na susubok sa katatagan ko at ng pamilya ko.

TO BE CONTINUED
WAANJAIMJORA

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें