Grabe napagod talaga ako sa byahe namin ni Jamie. Medyo malayo kasi tong resort na ito kaya tumabi muna ako kay Jamie sa pagtulog. Siguro okay naman sa kanya, tatabi lang naman ako. Lumayo ako ng konti sa kanya kasi baka mag init na naman ako di ko mapigilan.



Patay na talaga ako pag nagkataon nya! I kissed his head then sleep...

Jamie POV

(Nagising)

Di pa ko masyado dumidilat ng maramdaman kong nakayakap ako sa isang katawan. Medyo nagulat ako kasi katawan ng lalaki ehh! Napabalikwas at napadilat talaga ako dahil dun buti nalang di sya nagising.

Akala ko kung sino si Love lang pala.

Teka asan kami?

Oo nga pala, nagpadala ako sa kanya somewhere.

Saan kaya ito? Ang ganda ng room at sobrang lambot ng kama.

Wait! Anong oras na ba? Maliwanag na kasi yung sikat ng araw, pumapasok na sa kwarto namin.

Pagtingin ko sa cp ko, alas-tres na pala ng hapon! Grabe ang tagal ko naman palang nakatulog. Siguro dahil narin sa nangyari at sa pagod.

Nagdecide ako na tumayo na at lumabas sa kwarto. Nanlaki naman yung mata ko sa nakita ko!

Wow ang ganda! Nasa may tabing dagat kami. Grabe ang ganda talaga. Asul na Asul yung dagat! Walang masyadong tao dito. Mukha syang Private resort kasi may mga nakikita akong mukhang mga service crew.

Bati nga sila ng bati pag napapadaan sila sakin. Nagdecide akong magpunta sa may malapit sa dagat para sana magrelax pero ewan ko di ko napigilang hindi maiyak. Naalala ko na naman kasi yung nangyari.

Yung mga bagay na naalala ko nung biglang muntik mahawakan ni Cid yung ano ko.

Sobrang sakit!

Sa totoo lang ginawa ko naman ang lahat para makalimot pero ewan ko ba sa tuwing may hahawak sakin ng ganun or kahit na simpleng yakain ako ni Cid, or halikan. Bumabalik sakin lahat! Alam ko normal lang yun sa mga magkasintahan. Normal lang na yakapin nya ko. Normal lang na gustuhin nyang mahalikan ako.

Medyo nakokonsensya nga ako kasi feeling ko OA yung naging reaction ko sa ginawa ni Cid kahapon, pero anong magagawa ko?


Sumasakit parin yung dibdib ko! Sobrang sakit parin!

Sobrang sakit parin para sakin na balikan lahat ng nakaraan ko! Mga nakalipas na karanasan na never ko nang gusting maalala pa. Gusto ko nang magmove on! Gusto kong maging tunay na masaya sa kasalukuyan at takasan na ang nakaraan!

Believe me! Yun talaga ang gusto ko! Gusto kong maging masaya at open sa piling ng mahal ko. Sa piling ni Cid pero para ako palaging hinahabol ng mga nangyari sa nakaraan kaya hindi ko magawang tunay na maging masaya para sa kasalukuyan!

Umiiyak lang ako ng bigla akong nakarinig na may nagsalita mula sa likod ko.

It's Cid! He is not telling, he is asking! Yung tanung na ayoko sanang marinig sa kanya kasi sa totoo lang hindi ko alam kung papaano ko sya sasagutin!


'Love, what really happen to you! What's going on? Why are you always like that?' Ngayon nasa may harapan ko na sya nagsasalita. Halata sa mukha nya na sobra syang nagaalala for me.

Pinunasan nya na din yung mata ko nung napansin nyang umiiyak ako.

"Love please tell me. Sobrang nagaalala na ko for you. Honestly, matagal na kitang gustong tanungin about this pero halatang ayaw mong pag usapan kaya never akong nagattempt na tanungin ka. Love! Boyfriend mo ko! I think may karapatan naman akong malaman kung bakit at kung anong dahilan kung bakit lagi kang nasasaktan ng ganyan! I feel so helpless whenever I saw you cry, I want to help you, but I don't know how especially if you won't let know the reason behind those tears! Please love I'm begging you. Sobrang nagaalala na ko sayo! Please tell me! I can take anything. Kahit ano pa yan, kayang kaya kong tanggapin ang lahat!' Sobrang desperation yung nakikita ko ngayon sa mga mata ni Cid.

"Pero natatakot kasi ako, Love!" Takot na takot ako sa kung anong magiging reaction nya sa mga malalaman.

'Na ano love?' He asked me again, this time, he he already holding me so tight.

"Na ano!" Hindi ko talaga masabi! Hindi naman kasi madali ito. Hindi ko alam if kakayanin ko yung magiging reaction nya pag nalaman nya yung past ko!

'Love, please tell me!' Halang may frustration na sa boses nya.

'Na pandirihan mo ko! Na kamuhian mo ko! Na layuan mo ko! Na magiba yung tingin mo sakin! Na katulad ng iba maging masama din yung tingin mo sakin!' Hindi ko na napigilan kaya nasabi ko yan! Totoo naman! Sobrang natatakot talaga ako sa kung anong magiging reaction nya

'Love? What do you mean by that, mahal kita! Mahal na mahal alam mo yan! Kahit ano pang nakaraan mo matatanggap ko yun! Dahil nasa past na nga ehh! Minahal kita kung ano ka ngayon hindi sa kung ano ka dati! Kaya please naman love don't always assume kung anong magiging reaction ko or kung anong magiging sagot ko sa mga bagay bagay. I know myself, Love!'

Medyo malakas na boses nya nung sinasabi nya yan hindi ko talaga kaya !

Natatakot ako!

'Nasasabi mo lang yan ngayon pero pag nalaman mo kung yung past ko...' Hindi ko na kinayang ituloy tumalikod na ko para sana umalis kaya lang hinabol ako ni Cid and lumuhod pa sya sa harap ko. Sobrang ginagulat ko yung ginagawa nya.

'Please love tell me I can take anything! I promise I will never leave you. Hindi ko pa ba napapatunayan sayo kung gano kita kamahal! ' May halong pagmamakaawa nyang sabi. Kaya napaluhod narin ako sa harap nya. I feel so weak and vulnerable!


'Marumi akong klase ng tao, Cid. Pinagsawahan na ko! Marumi ako! At higit sa lahat mamamatay tao ako. Pumatay ako Cid! Naiintindihan mo ba yun! Kaya sabihin mo! Mamahalin mo pa ba ang isang katulad ko!'

'What do you me...'

"Madumi na ko, Cid! I'm used! Sobrang madumi na ko! Hindi mo deserve ang isang tulad ko! You deserve better! I killed someone! I'm a killer! I'm sorry! I'm so sorry!"

TO BE CONTINUED
WAANJAIMJORA

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Where stories live. Discover now