"Jamie naman! Bakit kasi hindi mo ko pinapansin. (medyo napansin ata nyang nakatingin samin lahat) all of you! Anong tinitingin tingin nyo? Ano ba tingin nyo sakim? Movie that you can watch?"

Eto na naman sya, alam nyo ba na isa sa nalaman ko sa ugali nya is may pagkaimpatient sya tapos madali din syang mainis pero he always try to control naman daw lalo na pagkasama nya ko. Minsan lang talaga lumalabas yun ng di nya namamalayan.

"I said! What the hell are you looking at?" He yelled again.

"Cid! Tumigil ka nga sa kakasigaw!" Agad kong hinawakan yung kamay nya para pakalmahin sya. Umiwas ng tingin samin yung mga tao. He looks at me!

Sya pa talaga may ganang umasta ng ganyan samin dalawa! Sa sobrang inis ko, ayun umalis ako, as in para kong tumatakbo pero naglalakad parin pero kahit anong takbo ko as usual nahabol nya parin ako

"Tapos ngayon aalis ka? What the hell naman Jamie oh!"

Hinarap nya ko sa kanya, kaya iniiwas ko nalang sa kanya yung mga mata ko.

"Jamie. Please don't be like this. Ano bang problema? Please tell me naman! Hindi yung ganito bigla bigla ka nalang tatakbo ng walang pasabi. Alam mo naman hindi ako magaling sa guessing game diba?"

Medyo malapit na yung mukha nya sakin and halatang nafrufrustrate na rin sya kaya ayun give up ako hindi ko rin sya kasi matiis.

Lumayo ako konti sa kanya at tumalikod tsaka ako nagsalita. I don't think I can say this with me facing him because kahit ako hindi ako makapaniwala na I feel this way. Nalilito pa rin ako! Naguguluhan sa mga nangyayari sakin!

"Kasi namin biniro mo nga ko kanina tapos right after you said sorry for doing that, noong naglalakad tayo. Noong may lumapit sayong mga babae na halata namang nilalandi ka inentertain mo naman. Tapos muntik na nga ako matumba dahil dun sa mga babaeng yun wala lang sayo. Akala ko ba mahal mo ko. Akala ko ba ako lang! Akala ko ba wala kang ibang titingnan pero pag may ibang babae ka nang kasama kinakalimutan mo na ko. Ganyan ka ba talaga ha! Cid! Ganyan siguro talaga kayong mga lalaki! Nakakainis ka alam mo yun! Kung alam ko lang di..."

Hindi ko na natuloy yung sinabi ko kasi bigla nya kong hintak paharap sa kanya tsaka ako niyakap ng pagkahigpit higpit then nagsalita sya malapit sa tenga ko!

"Babe, sorry if you got jealous because of my action earlier" Nagselos? Ako nagseselos? hindi ahhh

"Nagselos ka jan hindi ahh!" I tried na umalis na sana sa pagkakayakap nya pero mas lalo nyang hinigpitan kaya ayun no choice ako kundi hayaan nalang sya

"Hindi daw nagseselos! Sige sabi mo eh!" Nakangiting sabi nya sakin

"Sinabi ng hindi eh! Hindi ako nagseselos! Bakit naman ako magseselos!" I seriously said to him!

"Okay, Love! Pero seryoso, Love! I'm sorry for making you feel like that. I promise that it would not happen again. Sinusunod ko lang naman yung advise nila Andy! Siraulo talaga yun ipinahamak pa ako!"

Sila Andy? Anong kinalalaman ng mga yun dito?

"Sabi kasi nila dapat daw ientertain ko yung mga ganoon para di sila masyado magalit sayo. I did that for you, love! Pero ngayong alam ko nang hindi okay sayo. Hinding hindi na ko makikipagusap sa ibang babae pwera nalang if sobrang mahalagang makausap ko sila. Ni lumapit sa ibang babae hinding hindi na. Gagawin ko yun para sayo. Ganoon kita ka mahal. I can do everything for you My love!"

Bwisit ka Andy ikaw pala may pakana pero napansin ko lang bakit ba nasasanay sya na love ang tawag sakin kaya kumawala na talaga ko para mas makausap sya

"Okay understood, hindi sa pinagbabawalan kita sadyang naguguluhan lang ako kasi diba pag may nililigawan ka na dapat sa kanya na focus mo. Paano ako maniniwala sayo if ganoon yung makikita ko. I'm trying to open myself to you tapos ganoon makikita ko. Tsaka nga pala matanong nga kita, Cid. bakit ba laging Love ang tawag mo sakin, hindi naman tayo ahh para magkaroon tayo agad ng enderment sa isa't isa." Tanong ko sa kanya, nagulat ako nung bigla syang tumawa! May nakakatawa ba sa sinasabi ko?

"Hahaha gusto ko and totoo naman, Love kita so Love ang tawag ko sayo. Gusto mo ikaw rin love ang itawag mo sakin."

Ano daw? Aba loko ito ahh kaya ayun medyo pinalo ko braso nya

Tawa naman sya ng tawa!

Aba natuwa ang loko!

"Ahh ganoon, ewan ko sayo! Bakit tayo ba para tawagin kita ng ganoo?"

"Hindi nga (pabulong) pero malapit na!"

"Anong sabi mo?" May sinabi pa sya pero di ko na masyado narinig

"Wala, Love! Ang sabi ko ang cute mo kaya mahal kita na mahal kita!"

"Ay nako ewan ko sayo puro ka kalokohan!"

"Love, hindi kalokohan yun! I love you talaga!"

"Ay ewan ko sayo!" then ayun naglakad na ko para pumunta sa cafeteria ulit, nagugutom na ko, at lalo pa kong nagutom sa kabaliwan ng isang ito!

Hinabol naman nya ko then ayun sinabayan nya na ko maglakad. Nagkukulitan pa nga kami ni Cid habang naglalakad. Kung ano ano ba naman kasi sinasabi niya sakin! Para syang ewan!

" Ang cute! Cute ng Love ko!"

"Alam mo, love! Gusto ko gumawa ng mini sculpture mo! Para kahit san ako magpunta dala dala kita!" I feel weird hearing this to him. Sino ba naman kasi makakaisip ng ganyan, diba?

Muni sculpture? Hahaha patawa talaga!

"Ay nako ewan ko sayo! Baliw kana!" sigaw ko sa kanya habang nagpalatuloy sa paglakad ko.

Alam nyo kung titingnan nyo kami para na talagang kami.

Actuallyasaya na ko sa ganito!

Kuntento na ko!

Buti nga hindi sya nagtatanong tungkol sa label namin. Hindi ko pa kasi alam yung isasagot ko.

Pero ngayon isa lang ang nararamdaman at nasa puso ko, sapat na sakin yung ganito. Sapat na lagi syang andyan sa tabi ko. Sapat na lagi ko syang nakikita!

Sana lang talaga hindi sya magbago o magsawa sakin. Alam ko naman na mahirap makibagay sakin madalas ako.

Okay na ko sa ganito! Masaya na ko! Sana pati sya!

TO BE CONTINUED

WAANJAIMJORA

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Where stories live. Discover now