HRM din kinuha ko, dapat business kasi yun ang gusto ng parents ko pero hindi ko naman kasi hilig un. Mahilig ako magluto, mana ko sa lola ko and besides anjan naman si kuya Troy at ate Liezel para saluhin yung reponsibilidad na patakbuhin yung company ni mom and dad. I want to have my own restaurant someday. Kaya HRM kinuha ko para I know how to manage it bukod sa marunong naman na ako magluto.

Sarap talaga maging bunsong anak! Anyways, mabalik tayo kay Jamie.

That man! That beautiful selfless man! Iba sya sa lahat ng nakilala ko. Nung una ko palang syang makita.

May naramdaman na ko agad for him. Pakiramdamn na never kong naramdaman sa kahit na sinong nakilala ko. Nung time na yun, para sya lang yung tao sa harap ko as in literal na tumigil yung mundo ko.

Siguro dahil narin sa nakaganda nya kaya nahulog agad ako. Yes, maganda sya kahit bihis lalaki sya. I don't know why I fell in love with him kasi kung titingnan mo sya mukha naman syang lalaki lalo na if iijujudge mo yung pananamit nya.

Pero wala eh tinamaan talaga ko sa kanya. Mukha syang inosente pero malakas ang dating. Simple lang sya! He doesn't need anything to stand out, di katulad ng mga babae dito sa university na kung ano anong kolorete ang suot pero imbes na mapaganda sila is lalo sila nakakairita tingnan. Just his simple presence is all he needs to catch my attention, I'm sure others too! Naka salamin din sya pero kitang kita ko pa rin yung ganda ng mga mata nya.

Isama mo pa yung mapupula nyang mga labi na panigurado napakasarap halikan pucha ano ba tong naiimagine ko. Matangos nyang ilong! Dun palang naramdaman ko na yung feeling na gusto ko syang makilala pa ng lubusan.

Tapos nalaman ko pang kilala sya ni Andy, lalo akong nagkaroon ng pagasa na madali ko syang makikilala. Kaya agad agad kong tinanong kila Andy ang tungkol sa kanya. Medyo nagtaka pa nga sya kung bakit ko daw tinatanong. Nalaman ko na scholar pala sya ng school na ito. Dun ko napalaman na sobrang matalino pala sya, ang alam ko kasi napaka hirap makapasok dito pwera nalang kung sobrang maimpluwensya yung family nyo tulad ng family ko.

Tapos nung nakita ko kung paano sya lumaban kay Andy, dun ko rin nasabi na napakatapang naman ng taong ito. Wala kasi kahit na sino ang lumalaban kay Andy. Maimpluwensya kasi yung family ni Andy tulad ng family ko. No one dares to cross me and him.

only Jamie!

Mas lalo akong humanga sa kanya at parang inaadya ata ng pagkakataon na magkita kami kasi nakita ko syang nagaaral dun sa gilid ng stage sa may covered court.

Ang cute nya and kakaiba talaga sya pero mukhang di ata maganda yung tingin nya sakin. Nadamay ata ako sa inis nya kay Andy kaya ayun lagi nya kong sinisigawan at sinusungitan.

Pero wala, feeling ko pag di ko sya nakilala, may malaking bagay na mawawala sakin so ang ginawa ko, tinawagan ko si kuya Arthur, my older brother. Best friend nya kasi yung anak ng may ari ng school na to, kailangan kong malaman yung schedule nya.

Para alam ko kung paano at saan ko sya pupuntahan. Ika nga nila, deperate moments requires deperate solution.

Nagulat pa nga si kuya kasi never daw akong humingi ng pabor sa kanya tapos nung nalaman nyang para sa isang lalaki, aba pinagalitan ba naman ako. Baka daw ginagawa ko na nanaman yung mga issues at gawain ko nung nasa US.

Pero ang sinabi ko lang sa kanya ay "No! iba to kuya! Promise! It is different! He is different!"

Mukha naman naniwala sya kaya yun tinulungan nya ko. Mukha man akong stalker kasi simula noon inabangan ko sya sa gate, ayoko naman sa room nya baka mabigla pero as usual sinungitan na naman nya ako. Grabe itong taong ito.

Kumukulo ata ang dugo nya pagnanakita ako pero dahil super persistent ako.

Wala ata ang salitang pagsuko sa bokabularyo ko!

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Donde viven las historias. Descúbrelo ahora