Kaya yun nalang ang ginawa ko para iparating sa kanya na sinusuportahan ko sya. Mukha naman naintindihan ni Cid yun actions ko kaya. After noon ay isang malaking ngiti ang nakita kong namutawi sa mga labi nya. Nagtanguan nalang kami sa isa't isa.

Halata ding maraming nagulat sa ginawa ko. Pati na rin sila Andy, pero dahil ongoing yung game, dedma tuloy ang loko! Para talaga kaming naguusap gamit yung mga mata namin.

Na parang naiintindihan namin lahat ng gustong sabihin ng isa't isa.

After a few more seconds, nagsimula narin syang maglaro. Ako eto pinapanood lang sya sa gilid!

Shoot dito!

Shoot dyan!

Halos lahat ng puntos ng team namin nanggagaling kay Cid! Tama nga sila! Magaling talaga sya, ngayon ko lang kasi sya nakitang maglaro in actual! Sa lahat ng beses na magshoshoot sya tinitingnan nya ko at ngumingiti sya sa akin ng sobrang tamis.

Na sya namang kinakakilig ng mga babae dito sa tabi ko! Inaakala ata nila para sa kanila yung mga ngiting yun. Naririnig ko pang nagbubulungan yung mga haliparot (sorry for the term haha) na babae dito sa tabi ko,

Binaliwala ko nalang sila at tumungin nalang ako ulit kay Cid. Isang ngiti nalang yung sinusukli ko sa kanya

After ng game, as expected, panalo kami!

100 - 40!

Grabe ang galing nila! Habang nagcecelebrate yung team at yung mga tao.

Hindi maiwasang hanapin ng mga mata ko si Cid. Nakita ko syang masayang nakikicelebrate kasama yung mga ka team nya. Napakarami ding babaeng lumalapit sa kanya. Yung iba halos itapon na nila yung sarili nila kay Cid para lang mahawakan sya. Nakikita kong nginingitian nalang sila ni Cid.

Napagdesisyunan kong umalis na sana, tapos narin naman yung goal ko at bakit ako pumunta dito. Kailangan ko nang bumalik sa katotohanan!

I know, I did the right thing on going here! I know and I do not regret it! Not even a single bit!

~~~

Malapit na sana ko sa door exit ng covered court ng magulat ako kasi nasa harap ko na si Cid, halatang tumakbo sya papunta sakin kasi medyo hinihingal pa sya, nagulat ako nung hinigit nya yung mga kamay ko.

Hindi sya nagsalita, ang sumunod nalang nyang ginawa ay hinila ako. Nagsimula kaming umalis dito sa court at pumunta sa kung saan.

Buti nalang at busy yung mga tao kaya hindi masyadong napansin yung ginawa ni Cid.

Lakad!

Lakad!

Lakad!

Gustong gusto kong kunin ung kamay ko sa pagkakahawak ni Cid pero ewan ko ba di ko magawa. Nakakapanghina yung hawak sa akin ni Cid ngayon! Yung feeling na hinigop nya lahat ng lakas at kakayanan ko para kumawala sa kanya.

Kaya hinayaan ko nalang syang dalin ako sa kung saan. After ilang minute ng tahimik na paglalakad, nakarating kami sa lugar kung saan kami nagusap nung nakaraang linggo.

Ang ganda talaga dito!

Kahit medyo madilim na, kitang kita ko pa rin kung gaano kaganda yung lugar na ito.

"Jamie!" tawag sakin ni Cid, binitiwan na nya yung kamay koat harapin ako.

"Ahh Cid. Congrats ahh panalo kayo! Ang galing mo!" Segway kong sabi sa kanya alam ko kasi kung ano yung sasabihin nya at parang di pa ako ready na marinig yun

"Thank you! Nung una wala akong ganang mag laro pero nung dumating ka ewan ko bumalik lahat ng sigla ko. Thank you talaga sa pagpunta! Pero Jamie, gusto ko sana itanong sayo, bakit ka pumunta? Ang buong akala ko..."

Medyo malungkot nyang tanong sakin, hindi ko na sya pinatapos sumagot na agad ako sa tanong nya.

"Ahh yun ba! napadaan lang ako!"

Ay naku, Jamie! Ano bang klaseng dahilan yan! Napadaan? Lumang dahilan na yan! Nakita kong paano naging malungkot ulit yung mukhya ni Cid. Halatang na disappoint sya sa sinabi kong dahilan.

"Ahh ganun ba! Pero thank you parin sa pagpunta! May isa pa pala akong tanong sayo? Bakit mo ko iniiwasan? Lahat na ata ng paraan ginawa ko para makausap ka, after nung last natin na paguusap pero wala, lagi mo akong iniiwasan! Kinukontyaba mo pa sila Yvonne para hindi ako makausap or makita man lang. Ganun mo ba ko kaayaw kaya ba iniiwasan mo ko?" Tanung nya sakin.

"Ahh Cid, I'm sorry pero feeling ko kasi, mas mabuti na yun! Mas okay na umiwas ako kasi wala rin namang patutunguhan kung magkikita pa tayo. Saka naisip ko din na baka infatuation lang yung nararamdaman mo sakin or awa pwede naman yun diba? Naisip ko if iiwas ako sayo, malaki yung chance na mawala yung kung ano man ang nararamdaman mo para sakin at baka may mahanap kang mas okay at mas bagay for you!"

"It's not true Jamie, sinigurado ko sayo hindi simpleng infatuation or awa ang nararamdaman ko for you. Kung bibigyan mo lang ako ng pagkakataon na ipakita sayo yun sinisigurado ko sayo na hindi ka magsisisi. Please just give me this incredible opportunity to prove it to you! Please!"

"Pero Cid..."

Hindi talaga pwede!

Hindi pa ko ready!

Pero ewan ko iba yung sinasabi ng puso ko ngayon. Ang sinasabi ng puso ko ay gusto nyang sagutin ko ng sige at oo si Cid. Hindi ko alam kung kelan at paano naging ganito ang sinasabi ng puso ko pero eto ang totoo.

Ngunit kung gaano kalakas ang kagustuhan ng isip ko na sagutin sya ng OO, ay sya rin kagustuhan ng isip ko na humindi sa kanya!

Nalilito na ko!

"Jamie! Please give me a chance! I know nabibigla ka pa sa mga kinikilos ko pero I can assure you totoo lahat ng ito! Please! Don't walk away from me again! Hindi ko kaya! I tried kahapon na hindi ka puntahan pero ewan ko may sariling utak ata ang paa ko at ayaw makinig sakin. Just give me this chance! Hindi ko naman hinihingi sayo na sagutin mo ako agad or suklian mo yung nararamdaman ko! Just give me this chance to prove myself to you! Please Jamie! Jamie!"

May halong pagmamakawa na yung boses nya. Sobrang higpit din ng pagkakahawak nya sa kamay ko. Hahayaan ko na ba sya? Sinong susundin ko? Ang puso ko na gusting sumagot ng Oo, o ang isip ko na kabaligtaran ang gusto.

Tinitigigan ko lang yung mata nya at halatang sobrang nagmamakaawa na ito and nasasaktan? I can't help but feel affected with him. Napaisip tuloy ko sa sinabi nya na chance lang naman yung hinihingi nya!

Hindi nya hinihingi na mahalin ko agad sya! Hindi ko naman sya need sagutin di ba? Naisip ko tuloy na siguro hayaan ko na lang sya then pagdating ng panahon ay magsasawa din sya sa huli.

"Pero Cid! Sigurado ka na ba talaga sa mga sinasabi mo, kasi ngayon palang sinasabi ko na sayo hinding hindi ko masusukliaan yung feelings mo. Napakarami kong obligasyon at inaalala na ayoko nang dagdagan pa."

"Yes Jamie! I'm sure! Just give me this chance! I promise I will do my best in courting you so that I can prove myself to you."

Tiningnan ko sya sa mga mata nya.

Makikita ko naman na totoo yung mga sinasabi nya! Gosh! bahala na nga!

Napalitan na din yung mga matang niyang kanina ay punong puno ng kalungkutan,ngayon ay mga matang punong puno ng hope?

What should I do!

Ay naku bahala na! Chance lang naman di ba! Para matapos na itong pagkalito na ito! Sobrang naguguluhan na kasi ako!

Huminga ako ng malalim bago sya tingan ulit sa kanyang mata at ibigay yung sagot sa mga tanong na kanina pa nyang sinasabi at hinihingi sakin.

"Okay!" I answered him.

TO BE CONTINUED

WAANJAIMJORA

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Where stories live. Discover now