"Cid, anong ginagawa mo?"

Tanong ko sa kanya ng makawala ako sa yakap nya

"Dinadamayan ka! Sorry, Jamie if di kita napagtaggol ng maayos kila Andy, siraulo kasi yun, hayaan mo nasapak ko na sya para sayo! He should learn his lesson by now!" malumanay nyang sagot sakin Medyo nagulat naman ako sa sinabi nya, ano daw?

Nasapak?

Si Andy?

Bakit nya ginawa yun?

Para sakin?

"Ano?"

"Yes! I punched him! I should have done that the first day that he insulted you, but I tried to stop myself because he is still my friend. Pero kanina hindi ko na talaga nakayanan kaya ayon! Sinapak ko ang loko!"

"Bakit?" Sobrang pagtataka kong tanong sa kanya.

Bakit nya ginawa yun? Para san?

"I will explain, but first we need to go!" Hindi na nya ko inintay na makasagot kasi biglang hinila narin nya ko sa parang bench na may bubong sa gilid ng field.

Medyo umuulan pa rin kasi, hindi na ito ganun ka lakas tulad kanina.

"Sinapak mo si Andy? Bakit mo ginagawa yun? Dapat di mo ginawa yun baka kayo ang magaway ni Andy. Di ba kaibigan mo yun, tsaka wala ka naman obligasyon para ipagtanggol ako di naman tayo magkaano ano"

Nakayuko ako nito ng bigla nya ng hawakan yung balikat ko kaya napaangat ako ng ulo at tiningnan sya.

Nakatingin sya sakin ng diretso at halatang seryoso yung mukha nya. Ibang iba sa mapagbirong Cid na nakilala ko

"Anong wala akong obligasyon Jamie? Anong Wala! Meron Jamie, meron! Hinding hindi ko hahayaan ang kahit na sino na ganunin ka. Kahit kelan! Magkamatayan na!"

Medyo naiilang na ko kasi sobrang lapit nya sakin kaya napilitan tuloy akong tumalikod para makaiwas sa mga titig nya.

"Ano bang ibig mong sabihin? Alam mo hindi na kita maintindihan! Mabuti pa siguro umalis na ko." Aakma na sana akong aalis pero pinigilan nya ko.

"Hindi pa ba halata Jamie, yung mga actions ko? Hindi pa ba halata kung ano yung gusto kong ipahiwatig sayo?" Sabi sakin ni Cid pero hindi ko alam kung ano yung mukha nya habang sinasabi nya sa akin ang mga yan kasi nakatalikod parin ako sa kanya. Ewan ko di ko sya maharap naiilang ako!

May hindi ba ko alam?

"Anong actions? Hindi talaga kita gets! Sige na nga alis na ko. Okay na ko, samin nalang ako magpapalit. Medyo nilalamig narin kasi ako. Bye!"

Aalis na sana ko ng bigla nya kong yakapin ulit mula sa likod. Sobrang higpit ng pagkakayap nya, kaya agad na napalitan yung lamig na nararamdaman ko ng init na nagmumula sa katawan nya.

"Gusto kita! Gustong Gusto kita! Hindi pa ba obvious sayo lahat ng actions ko? Hindi ko pa ba nagpaparamdam at napapakita sayo ng maayos para hindi mo mahalata!"

Sobrang nagulat ako sa sinabi nya kaya di ako nakapag salita agad at parang napako ako sa kinatatayuan ko. Napansin siguro nya kaya bumitaw sya sa pagkakayakap at hinarap nya ko ulit sa kanya.

"Naririnig mo ba ko Jamie! Gusto kita! Oo alam kong lagpas isang buwan palang tayong magkakilala pero nung una palang kitang nakita may naramdaman na kong iba! Pucha! Eto ata yung tinatawag na Love at first sight. Humanga ako sa ugali mo, unang kita ko palang sayo alam kong mabait ka, matapang ka and higit sa lahat napaka ganda mo Jameson Jamie Sandoval. You're the most beautiful person, I have ever met in my entire life. Kaya pinilit kong makipagkilala, kahit alam kong mahirap kasi di ba pangit ang impression mo sakin at sa mga barkada ko! Sobrang hiyang hiya nga ako kasi di ko alam kung paano ka kakausapin. Pero wala! Hindi ko kayang hindi ka makausap at makilala, kaya nilakasan ko yung loob ko at kinapalan ko na mukha ko para ang makausap ka. Sobrang saya ko nung kinausap mo na ko at sa tuwing nakakasama kita, nakakausap, nakakasabay sa lunch or meryenda. Lalong lumalaki yung pagkagusto ko sayo ay mali! Yung pagmamahal ko sayo." Sibrang nagugulat ako sa mga sinasabi sakin ni Cid ngayon.

Mas lalo pa akong nagulat ng bigla nyang hawakan yung magkabilang pisngi habang nakatitig parin sakin ng diretso mata. He looked so determined! Yun bang alam mo sa tingin mo palang sa mga mata nya na totoo yung mga sinasabi nya at meant nya yun.

"Oo Mahal na kita! Sigurado ako dun! Tapos kanina nung makita kitang nasaktan ni Andy. Grabe yung galit na naramdaman ko, parang gusto kong pumatay ng tao, pero pinigilan ko kasi nandoon ka. Ayokong makita mo or akalain mo na ganun akong klaseng tao. Pero nung makaalis ka tapos pinagsasalitaan ka parin nila! Di ko na nakayaanan. Sumabog na ko at nasapak ko si Andy! Wala akong pakialam kahit magalit sila sakin! The only thing that matter for me is you! Ang mahalaga ikaw! Kaya wag na wag mong sasabihin na wala akong obligasyon or karapatan na ipagtanggol ka. Kasi meron Jamie, meron! Dahil mahal na mahal kita kung alam mo lang! I can and I will do everything for you!"

Medyo lumalalapit na sya sakin neto

Di ko alam kung anong irereact ko! Nakatulala lang talaga ko habang sinasabi nya yun.

"Jamie?"

"Jamie?"

"Jamie?"

"Uy Jamie, naririnig mo ba ko? Ang sabi ko mahal kita!"

Medyo napasigaw na sya nyan.

Anong sasabihin ko?

Anong irereact ko?

Sobrang nagulat talaga ko at the same time, naguguluhan din sa mga sinabi nya!

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot sa mga bagay na ito. Hindi ako handa sa ganitong sitwasyon! Ayoko ko nito!

Kaya kung ano nalang yung nararamdaman ko.l, yun ang inilabas ko bilang tugon sa mga sinabi ni Cid.

"Sorry!"

Pagkatapos kong sabihin ang salitang yun ay tumakbo na ko paalis!

I'm so sorry Cid!

Pero hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko.

Hindi ko alam kung anong irereact ko sa mga sinabi nya!

Hindi ko talaga alam!

Naririnig ko pang tinatawag ako ni Cid pero I choose to just ignore him!

I can't!

I really can't!

To be continued

A/N

Happy 3rd Anniversary MewGulf!
I love you both so much!

Happy 3rd Anniversary MewGulf! I love you both so much!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

WAANJAIMJORA

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon