Ang cute nya, singkit yung mata nya! Maputi and kasing tangkad ko lang din.

Si Yvonne naman, mas matangkad sakin ng konti. Parehas silang maganda at mukhang mabait.

"Yes, girl! We should be friends. Connie is right! Cute ka kasi tulad namin! We would love to know you more and be friends with you." segundang sagot ni Yvonne.

Sabay abot nung kamay nila sa kamay ko para makipagkamay.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti at maging masaya sa mga naririnig ko from them.

Sila na ba? Sila na ba yung mga kaibigan na iniitay ko noon pa? I hope yes! Mukha naman silang totoong tao at hindi katulad ng mga taong nanakit lang sakin.

"Okay! I would love to be friends with you too! Sorry ulit ahh!" I said! They become excited hearing my answer.

Tuwang tuwa talaga sila! Para silang mga bata na tumatalon pa!

"Yehey! We have new friend na, Yvonne!" Connie excitedly said. Napangiti naman ako sa kanila and simula nga noon naging friends na kami.

~~~

Sinama ko rin sila dito sa tambayan ko, which is cool daw kasi ngayon lang daw nila nalaman na maganda daw palang gawing tambayan yung gilid ng stage at tabi ng stock room.

Tinanong ko din kung bakit Girl yung tawag nila sakin eh kahit naman bakla ako mukha parin akong lalaki. ang sagot lang nila.

"Ah, ayun ba? Wala, I think malakas lang talaga yung radar namin sa mga cute sister na katulad mo, besides you look so beautiful too! Kung magpapahaba ka lang ng buhok! Sure na mukha ka na talagang babae!" Masayang sabi sakin ni Connie.

Mabait sila sobra, hindi sila katulad ng ibang student dito sa school nato na medyo maarte, pero I can't blame them laking mayayaman eh.

Pero sila Yvonne at Conie, hindi ganun! To the point na sinasamahan nila ko dito sa tambayan ko eh, kahit parehas silang anak mayaman kaya super thankful din ako.

Isa pa sa kinakatuwa ko ay yung magkatulad din kaming mahilig magaral.

Kaya super nagkakasundo talaga kami.

~~~

After a few hours of studying.

Inabot na pala ako ng gabi dito sa court ng di ko namamalayan.

Umalis na rin sila Yvonne kanina kasi sinundo na sila ng mga driver nila.

Buti nalang wala ako klase earlier kasi wala yung professor namin kaya nakapag aral pa ko dito. Need ko kasi may quiz kami bukas. Siguradong hindi ko magagawa yun later.

Aalis na sana ako kasi 7:00 pm na, may pasok pa ko. Actually, di ko pa pala nasasabi na working student din ako. Nagwowork ako sa isang restaurant, bilang dishwasher and cleaner.

Need ko mag doble kayod kasi kung hindi wala akong pambaon, ni pamasahe papasok sa University na ito wala ako! Kaya kadalasan nilalakad ko lang para tipid. Need ko din magabot ng panggastos sa bahay. Alam ko naman na kulang budget ni mama.

Di na kasi ako nagavail ng allowance sa scholarship ko kasi pag ganun, hindi sakop ng scholarship ko yung miscellanious fee which is mahal din kaya eto work work work.

It's either I get coverage for my miscellaneous or for my allowance. I can't have both!

Naglalakad ako sa gilid ng mga bench sa covered court, nang bigla akong tamaan ng bola.

"Aray naman!" sigaw ko habang hinahanap kung saan nanggaling yung bola.

"hahahaha sapul pre, galing ko talaga!"

Narinig kong sabi nung bumato sakin, at nung makita ko kung sino! Si Andy lang pala. Nakita ko ring pinagtatawanan nila ko pwera kay Cid.

Yung mukha nya? Parang nagulat, na awang awa sakin, na nagagalit? Nakakuyom kasi kamay nya, kanino sya galit, sakin? or kila Andy?

Sa sobrang inis ko sinugod ko yung grupo nila! Hindi na ko makakapayag ng laging ginaganito nila. Okay lang nung high school kami, pero iba na ngayon! Hindi na kami mga bata para sa mga ganitong bagay!

"Ano bang problema mo! Inaano ba kita! Wala ka na ba talagang mapagtripan kung hindi ako? May sira ka na ata talaga!" sigaw ko sa kanya.

"Pakialam mo! Eh gusto ko mambato, may magagawa ka ba? Tsaka kala ko kasi poste! yun pala ikaw!" sabi ni Andy sabay tawa ulit.

"Aba talagang..." Aakma sana akong sasapakin sya, di ko na talaga matiis itong isang ito pero bago ko pa malapat yung kamay ko sa kanya ay nahawakan na nya yung kamay ko at saka ako tinabig na naging dahilan upang natumba ko.

"Aray! Ang sakit!" sobrang sakit tuloy ngayon ng balakang ko.

Medyo nagulat din yung itsura nya sa ginawa nya then after a while, nagbago at muling pumalit ang nakakaasar na mukha nya. Patakbo na lumapit naman sakin si Cid para tulungan ako, and para din sitahin si Andy medyo malayo kasi sya sakin.

"Pre hindi na tama yang ginagawa mo!" sabi ni Cid kay Andy habang tinatayo ako.

"Are you okay?" Hindi ko alam kung totoo yung pinapakira sakin ngayon ni Cid. Hindi ko maiwasang hindi rin mainis sa kanya lalo pat kasama nya sila Andy kanina! Bakit hindi pinigilan sila Andy sa balak nila

Ng makatayo ako at agad agad akong bumitaw sa kanya. Mukha naman syang na disappoint sa gunawa ko pero wala akong pakialam!

"Wag kang makialam pre, nagkakatuwaan pa kami hahahaha" Sabi ng isa sa kaibigan ni Andy. Sabay sabay ulit silang tumawa ng mga kabigan nya. Pwera kay Cid na ngayon mukha ulit galit and nagpipigil.

"Sa totoo lang pre, ewan ko ba kung anong nakita mo sa taong yan at kinakausap mo. Di ka ba kinikilabutan sa tuwing lalapitan mo sya. Di sya bagay satin lalo na ang isang tulad nyang parang isang basura."

"Pre sumosobra ka na!" Nagulat ako nung biglang sugudin at kinuwelyuhan naman ni Cid si Andy na sya namang tinanggal ni Andy. Mukhang magaaway ata sila!

Nakangisi lang si Andy habang ginagawa ito ni Cid sa kanya.

"Bakit totoo naman eh, napakahirap lang nya! Mas mahirap pa ata sya sa hardinero namin, at kung tutuusin parang tayo pa nga ang nagpapaaral sa kanya kasi tayo nagbabayad ng tuition, sya hindi! Kaya may karapatan akong gawin sa kanya ang lahat. At ikaw bakla ka!" Sabay lapit sakin. I tried to step back but he already held my wrist which is masakit kasi mahigpit yung pagkakahawak nya

"Kung ako sayo, aalis na ko kasi di ka nababagay dito, di ka namin ka level! Para kang daga na sumisira sa imahe ng school namin."

Di ko na kinakaya yung mga sinasabi nya kaya, pinilit kong alisin yung pagkakahawak nya sa kamay ko kahit sobrang nahirapan ako kasi mahigpit talaga yung hawak nya.

Nang makawala ako ay agad agad akong tumakbo paalis mula harap nila..

Sobrang sakit! Parang tinutusok yung puso ko ng ilang ulit.

Di ko namalayan umiiyak na pala ako!

To be continued

WAANJAIMJORA

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Where stories live. Discover now