"Cid! What are you doing?" Kinakabahan ako habang sinasanbi ko ito!

"Please! Join me na!" Sinabi nya ito na parang wala lang, Grabe ano ba ito! Wala ata akong choice kung hindi pumayag! Halata kasi sa itsura nya na hindi sya papayas pag tumanggi ako.

I tried to look at our environment, medyo nakakaagaw na pala kami ng attention! Gulay! Ay bahala na nga!

"Okay! If you say so!" Sagot ko then umiwas na ko ng tingin sa kanya at umalis sa pagkakacorner nya. Lumayo ako ng konti sa kanya.

Grabe yung lakas ng kabog ng dibdib ko. Ano ba ito! Nilagay ko yung kamay ko sa dibdib ko. Napapikit ako habang pinapakiramdaman yung tibok neto!

Pagdilat ko nagulat ako ng nakita kong nasa harap ko na pala sya!

"Ang pusang gala!" Na out balance pa ko habang sinasabi eto sa kanya. Gulay na lalaking toh! Ano bang ginagawa mo sakin!

Buti nalang nahawakan nya ko before ako tuluyang matumba.

"So, wanna have lunch with me?" Tanong nya ulit, kaya napatingin ulit ako sa kanya na ngayon ay sobrang kung makangiti parin na nakatingin sakin. He looked so hopeful! Wala namang masama di ba?

Grabe yung tingin nya sakin ngayon. Yung para syang nagpapacute na ewan. Yung mata nya kasi eh.

Weird! Oo, overrated na ko sa kasasabi neto, pero ang weird talaga ng taong ito!

"Okay!" Sagot ko para lang tumigil na sya sa pagpapacute nya, then tsaka ko tinanggal yung paghahawak nya sa sakin. Umatras ako konti sa kanya, then I looked back at him again. He looked so shocked with my answer. Bakit ka ganyan!

"What? Talaga? Pumapayag kana?" He asked me again.

"Oo nga! Paulit ulit!" I said to him. Medyo nagulat naman ako sa naging reaksyon nya.

"Yes!" Pasigaw nyang reaksyon sa sagot ko.

Baliw ba sya! Sumisigaw talaga? Napatingin tuloy yung mga tao sa paligid ko.

Gosh! Nakakahiya!

"Cid!"

"Oppsss sorry!" Sagot nya sakin sabay ngiti ng nakakaloko!

"Ganyan ka ba kasaya dahil lang sa pumayag akong makipaglunch sayo? Ganoon ba ka kabig deal sayo ito?" Tanong ko sa kanya.

"Yes!" He answered me directly, habang nakatingin sya ng diretso sa mga mata ko. Nagbago din yung mukha nya from being nangiti to being so serious.

Lubdub lubdub lubdub (imagine tibok ng puso sound)

Omg! What the hell is this! Bakit nagiging ganito yung pakiramdam ko! Ano ba itong kakaibang nararamdaman ko ngayon?

Napansin siguro nya yung reakyon ko kaya nagbago yung mukha nya. Napalitan ito ng mukhang nagaalala.

"Oh! Sorry about that! I guess I'm too annoying and fast again! God! Bakit ba lagi nalang akong ganito!" Sabi nya sakin na may halong kaba sa boses nya.

'I'm really sorry Jamie! Hindi ko sinasadya!" Dagdag pa nya!

"Ay na ko ewan ko sayo, kung ano ano sinasabi mo! Akala ko ba kakain tayo! Halika na! 1 hour lang break ko?" Sabi ko nalang sa kanya trying to change the topic then nagstart na ko maglakad palayo sa kanya.

Naramdaman ko nalang na tumakbo sya para lumapit at sumabay sakin sa paglalakad ang pinagkaiba lang, nakangiti na syang nakatingin sakin. Hindi na nya ako tinanong ulit, sumasabay nalang sya sakin. Buti naman kasi hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Naguguluhan ako na ewan!

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Where stories live. Discover now