Hindi ako pinanganak kahapon noh!

"Kailangan ba may dahilan para maging kaibigan mo ang isang tao! Hindi ba pwedeng wala lang or gusto ko lang. I find you interesting kaya gusto pa kitang makilala." Sinabi nya sa sakim.

"Ano ba ako sa tingin mo Mister? Bagong bagay or isang bagay na hindi ordinaryo para maging interesado ka? Tao po ako! Tao! At for your information! Isa po akong tao na hindi madaling magoyo ng mga manloloko! Kaya kung trip trip mo lang ito! Please iba nalang! Wala ako sa mood! Kung gusto mo ng..." Nagsasalita pa sana ako ng bigla nalang syang tumawa sa harap ko.

Aba siraulo pala ito eh! Bigla bigla nalang tatawa! May nakakatawa ba sa sinasabi ko?

"Ah ganun! Tapos ngayon tatawanan mo ko! You know what! I'm done! May pasok pa ko! Kaya kung ako sayo! Umalis alis ka sa daraanan ko!" Sabi ko, I've learn how to be tough over the years, sa lahat ba naman ng pinagdaanan ko! Hindi pa ba ko matututo? Habang aakmang aalis na sana ko, pero pinigilan na naman nya pero this time seryoso na yung mukha nya ng harapin nya ko.

"No! Please! Gusto lang talaga kitang makilala! I have no ill intention regarding you! I can never do that especially to you! Please just give me this chance, I promise! You will never regret that you did trust me! Promise!" Seyosong sabi nya sakin. Medyo natigilan ako ng ilang segundo after ko marinig yung sinasabi nya. Tumingin lang ako sa kanya, trying to read his face to see if he is really telling the truth.

Mukha naman syang seryoso. Halata kasi sa mukha nya ehh. Kaya ayun medyo nawala na yung inis ko.

Makikipagkilala na ba ko?

Wala naman mawawala di ba? Makikipagkilala lang naman eh!

Yes! Para matapos na itong usapan na ito at makapasok na ako! Malalate pa ako dahil sa damuhong na ito eh!

So, what I did was, huminga muna ko ng malalim before tumingin ulit sa kanya at kausapin sya.

"Okay, I'm Jamie, Jameson Sandoval, Jamie nalang for short! Ayan kilala mo na ko! Okay na ba! Are you happy now?" nakipagkamay na din ako sa kanya. Para matapos na yung usapan then aalis na sana ko pero ayun pinigilan nya ko ulit.

"Where are you going?" He asked me.

"Papasok sa class ko saan pa ba ko pupunta sa tingin mo?" Minsan kasi may mga tanong na hindi na dapat pang tinatanong!

"Haha sorry! Uhm, can I join you?"

"Saan? Sa class ko? Bakit?"

"Yes! If okay lang naman sayo! Ihahatid lang naman kita don't worry, I will leave after you enter your classroom" I looked at him confusedly! Ang weird nya talaga, ang kulit kulit pa!

"Please! Please let me join you! Please!" At dahil nga sa sobrang kulit nya! Wala na akong nagawa kung hindi pagbigyan nalang sya.

Nagpatuloy yung paguusap at paglalakad papuntas sa class ko.

Nagpapalitan na kami ng mga details sa buhay buhay namin like family background nya. Why did he choose this course! Friendship nila Andy at kung ano ano pang mga bagay tungkol sa kanya pero syempre pili lang yung akin ayoko pa rin naman masyado magtiwala noh.

"Please let me be your friend na! I promise you will never regret it! Gusto lang talaga kitang makilala! Don't ask me why kasi maski ako hindi ko rin alam kung bakit! Basta ang alam ko lang, yun ang gusto kong mangyari at gawin ngayon. Please Jamie! Please let me be your friend! Please!"

Normal naman siguro ito! Nag ooffer lang naman sya ng friendship! Yun ang sabi nya.

"Wait! Bakit sasamahan mo pa ko sa room ko! Wala ka bang pasok? Anong oras na oh, I'm sure your morning class is about to start too!"

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon