"It's okay, 'di naman kami nainip kasi napasarap din ang kwentuhan namin. Bago ko pala makalimutan, Aestherielle? Meet Architect Kai Smith and Engineer Khirro Nixon Ledesma. Sila ang kilala kong makakatulong sa pagpapatayo ng boutique at book shop mo. "

Parang may kung anong sumabog sa utak ko na biglang ikinabingi ko pero tanging ang malakas na pagtibok lang ng puso ko ang naririnig ko. Kinakapos ako ng hininga at ipinapanalangin ko na sana hindi ako mag-palpitate.

Buong tapang na nag-angat ako ng tingin at nakasalubong ko ang mukha ng taong naging permanente na sa utak at puso ko. Tikom ang bibig na nakatingin siya sa'kin at hindi ko man lang mabasa ang emosyon sa mga mata niya. Parang siya 'yong dating Khirro na kilala ko. Hindi ko alam kung gaano na kami katagal nagtinginan at natauhan na lang ako nang tumikhim si Architect Kai.

"Nice to meet you, Ms. Aestherielle. It's a great privilege for us to work with you. "

Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya.

"Nice to meet you too, Architect Kai. "

Tiningnan ko si Khirro at nakita kong pasimple siyang siniko ni Athaliah.

Nanginginig ang kamay na inabot ko ang kamay niya. Pagkadaop pa lang ng mga palad namin ay agad kong inalis dahil sa kuryenteng naramdaman.

"N-Nice to meet you, Engineer Ledesma. "

Tumango lang siya sa'kin at medyo nakahinga ako ng maluwag pagkadating ng order namin. Kumain muna kami bago nagsimula ang pagpaplano. Ibinahagi ko sa kanila ang Plano at ideya ko sa ipapatayo kong boutique at bookshop. Next week na agad nila sisimulan ang construction.

Tinatry kong huwag mailang at maging pormal pero nagpa-panic ako sa tuwing sinasagot ko ang mga tanong niya.

Alas sais ng hapon natapos ang pag-uusap namin ngunit hindi pa rin tumitigil ang ulan. May family dinner pa naman sa bahay at ayaw kong ma-late.

6:30 nang naisipan kong magpaalam na sa kanila.

"Hindi pa tumitigil ang ulan, Aesthe. " Athaliah

"May family dinner kasi sa bahay. Baka ma-late ako if hihintayin ko pang tumigil ang ulan. "

"Sige, samahan muna kitang mahintay ng taxi. "

"No, Athaliah. I'll be okay. I'll go first Architect and engineer, thank you again for the time. "

"Text me when you arrived. " Athaliah

Tumango ako sa kaniya at nagmamadaling lumabas ng cafe'.
Naghintay ako ng taxi pero kapag may humihinto nauunahan naman ako ng mga ibang pasahero. May balak pa bang tumigil ang ulan? Kinuha ko ang cellphone ko ng biglang tumunog.

Ace pangit calling...

"Hello? "

"Ate? Where are you? Nandito na sina lolo at lola tapos may bisita tayo. "

"Wala pa akong masakyan eh. Baka ma-late ako ng kunti pero hahabol ako. "

"Sige po ate. Ingat sila sa'yo. "

Bago ko pa siya masinghalan pinatay niya na ang tawag.

May tumigil na gray car sa harap ko at nahugot ko ang hininga ko nang bumaba ang bintana.

"Hop in"

Walang pag-aalinlangan na pumasok ako sa passenger's seat. Buong biyahe tanging tunog lang galing sa aircon ng sasakyan niya at ang pagbuhos ng ulan ang nagsilbing ingay sa pagitan naming dalawa. Gusto kong kausapin si Khirro pero hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Buti pa noong una na kahit masungit siya ay nakikipagsagutan naman siya at asaran sa'kin. Pero, bakit niya naman ako kakausapin kong iniwan ko siya? Ang tanga mo talaga, Aestherielle.

Hindi na ako nagtaka nang tumigil siya sa harap ng bahay namin. Magpapasalamat na sana ako pero bumukas ang gate hudyat na para ipasok niya ang sasakyan niya sa garahe.

Paghinto ng sasakyan sabay na lumabas kami ng pinto.

"S-Salamat pala sa paghatid, Ki-Khirro. Sumabay ka na sa'ming mag-dinner. "

Tumango lang siya at sumunod sa'kin papasok ng bahay. Pagpasok pa lang namin sa living area  sumalubong sa'min ang mga taong masayang nag-uusap.

"Nandito na po si ate at Kuya Khirro. " Ace

Nabaling ang atensiyon nila sa'min at doon ko nakita ang mga magulang ni Khirro kasama na mga kapatid niya.

Kahit naguguluhan lumapit ako sa parents ko at binigyan sila ng halik sa pisngi. Nagmano ako kay lolo at lola then nilapitan ko si tita Avii at niyakap.

"I missed you, Aestherielle. I'm glad dahil umuwi ka. "

"I missed you too, tita. "

Umalis siya sa yakap at masuyong sinapo ng mukha ko at mahinang nagsalita.

"Pwede bang mommy ulit ang itawag mo sa'kin? "

Hindi ko alam pero biglang uminit ang magkabilang sulok ng mga mata ko.





"I want to be your daughter-in-law, mommy Avii. "





[A/N: Omo!!!  Daughter-in-law na agad, Aestheeee. Amywaysss, late update. A-update sana ako kahapon kaso naubusan ng load. Tapos late ngayon dahil tinapos ko pa mga activities ko huhu. Enjoy reading, Zingers. Labyuuuu]

I'm in love with you (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now