Chapter Nine: BOOBYBIRDATTACK :(

Start from the beginning
                                    

Ngumiti rin naman ito at niyakap siya.

"Hay Keisha nagpapasalamat ako na ikaw ang naging ako. Alam ko proud na proud din ang ama mo kung saan man sya naron." umiiyak na sabi ng ina.

Kumalas siya mula sa pagkakayakap ng ina at pinunasan ang mga luha nito.

"hmmm 'Nay 'wag na tayong mag ala MMK dito hindi pa papatok ang story natin kulang pa sa ganap." pabirong sabi nya sa ina.

Natawa naman ito at nagpaalam na tatao muna sa munting tindahan nila. Sinundan nalang niya ito ng tingin habang palabas ito ng bahay. Pagkatapos ay napapabuntong-hiningang ipinagpatuloy nalang niya ang pamamalantsa.

"TALAGA??!!" Hindi makapaniwalang tanong ni Jas nang ikuwento niya sa kaibigan ang pag-imbita ni Pierre sa kanya sa Golden Wedding Anniversary party ng grandparents nito sa mansiyon ng mga Cruisse habang kumakain ng fishballs sa loob ng campus.

"Shhh iskandalosa ka beks. Oo nga ang sabi nya gusto daw akong ma-meet ng lolo't lola nya." aniya

"You already!!" sabay turo sa kanya ng kaibigan. "Hmmm good luck nalang sa'yo beks for sure andon si boobybird keri mo ba syang ihandle? Imposibleng wala sya don." sabi ni Jas

Nagkibit balikat nalang sya.

"Alam mo namang hindi ko pinapatulan at wala akong balak patulan si Sanja diba. Eh, bakit ba kasi hindi ka na lang sumama sa akin." suhestyon niya.

"Wow!! Makapag-aya ka bestfriend, party mo??" nagbibibrong tanong ng kaibigan. "Ni hindi nga ako invited eh at hindi narin kailangan dahil hindi rin naman ako makakapunta may lakad kami ng aking mother dear sa araw na iyon." dugtong ni Jas

"Ganon ba?" aniya

"At nako jusmio beks ayaw kong makita si boobybird at baka makalunok ako ng bato at biglang maging si Darna maitumba ko pa sya Hahahaha" ani ni Jas

Natawa na rin sya sa hirit ng kaibigan nang biglang magmaasim ang mukha habang nakatingin sa likod nya.

"And speaking of the boobybird paparating siya kasama ang mga dummy nya ano nanaman kayang peg ng mga yan?" ani ni Jas

"Shhh anu ka ba baka marinig ka." aniya.

"Kung sasabak sila sa gera dapat may bala ang mga utak nila ha kundi hmmm." ani ni Jas

Sasawayin pa sana niya ito pero di na naituloy dahil nasa harap na nila ang mga ito.

Nakatingin sa kanya si Sanja at bahagya pang nakataas ang kilay nito.

"Hoy babae! Mag usap nga tayo!" ani ni Sanja

"About what? C'mmon Sanja what is it?" tanong ni Jas.

"Hoy bakla, huwag ka ngang makialam dito." pagmamataray ni Sanja.

"Ooops English nga pala 'yon alin ba don ang naintindihan? Wala ka bang dalang translator? Kayo girls paki tagalog nga ang sinabi ko para sa friend nyo!" pagtataray ni Jas

"Jas its ok," aniya

Hinila niya si Jas palayo sa grupo ni Sanja at pinakiusapan itong dumuon muna bago hinarap ang grupo ni Sanja.

"Bakit? Ano ba iyon? May problema Sanja? Aniya

Ngumiti ito ng mapakla.

"Isa lang naman ang problema ko IKAW!! (sabay duro sa kanya) Ang gusto ko 'wag kang pumunta sa party ng grandparents ni Pierre!" ani ni Sanja na wariy nanakot pa.

Nang marinig iyon ni Jas ay hindi ito nakatiis at lumapit na at nakialam sa usapan nila.

"Wait! Anong karapatan mong pagbawalan sya e mismong lolo ni Pierre nag-invite sa kanya?" singit nito mula sa likuran ni Sanja at bahagya pang binangga ang dalaga. "Wow ha teh lakas makadikta ha! Sino ka asawa? First lady ng Pinas? How come? Power trip!! Hahahaha ayos peg mo teh ha anong natira mo? " pang aasar ni Jas.

Destined To Be MineWhere stories live. Discover now