My heart sank on what I've heard. Ilang beses kong kinumbinsi si Aldrien na sabihin sa pamilya niya ang kondisyon niya ngunit ayaw raw niyang maging pabigat kaya kami nalang raw muna. 

Isa pa hindi rin daw niya balak sabihin sa akin kung hindi nadulas ng gabing 'yon.

Humikbi ako, kasabay ng paghikbi ni Mrs. Costales.

"As a mother, learning this gave me an excruciating pain. Walang katumbas ang sakit na malaman mong bilang na ang araw ng anak mo. Bakit hindi n'yo sinabi?"

"I-it was his c-choice." sumisinok kong tugon.

Napakasakit sa aking malamang bilang na ang araw ni Aldrien ayon sa kanya, kaya hindi ko masisisi si Mrs. Costales sa nararamdaman niya. Alam kong mas masakit 'yon para sa kanya.

"That kind of illness is not just some kind of flu that you can hide and mend eventually. That's leading him to death, and it's painful that both of you didn't told us. Akala n'yo ba hindi kami masasaktan? Hindi kami mangungulila kung hindi namin malaman? Bakit hindi ninyo sinabi agad?" humikbi si Mrs. Costales.

Gusto ko pang mangatwirang si Aldrien ang may gustong ilihim sa kanila, pero ayaw kong lalong pahirapan ang kalooban niya. Sa pagkakataong ito, nauunawaan ko kung saan siya nanggagaling.

"Kung sana sinabi n'yo agad, napadala natin siya sa ibang bansa. Find the best specialists for him, give him the best treatment he'll needed. Sana mas mapapahaba natin ang buhay niya."

Ayaw ko ng magsalita, ayaw kong dumagdag sa nararamdaman niya. Kaya pinili kong lapitan siya at yakapin.

Ang inaasahan ko itutulak niya akong palayo, ngunit nagpaubaya siya at malaya kong nayakap.

Humikbi siya sa balikat ko at hindi ko mapigilang tumulo rin ang luha.

I know how painful it is. I felt it, and I knew my pain can't compare to what she's feeling right now, but still it hurts. Ina na rin ako kaya alam ko ang pakiramdam. Alam ko ang hinagpis ng isang ina tuwing masasaktan ang kanyang anak. At ito, hindi lang basta-bastang sakit, it's life and death.

"Please marry him."

Tila tumigil ang lahat ng marinig ko 'yon. Natigil ang paghaplos ko sa likuran niya ng dahil do'n.

"He loves you, and I know that... that can make him happy." humiwalay siya sa yakap. "Kung wala na akong magagawa para pahabain ang buhay niya, gusto kong mapaligaya siya. Gusto kong ibigay ang lahat ng makapagpapaligaya sa kanya."

Awang ang labi akong umiling. "Hindi po maaari."

"You'll get there anyway, paaagahin lang natin."

"Hindi niyo po naiintindihan."

Muling bumagsak ang mga luha niya. "I'm begging you, Callista. Please marry my son."

Gusto kong tumanggi at ipagtapat sa kanyang hindi ganoon ang relasyon namin ni Aldrien. Kasinungalingan ang lahat at hindi rin gugustuhin ni Aldrie'ng ikasal kaming dalawa.

"I know what's holding you back." inayos niya ang sarili at pinatatag, "he's my son. Nasa sinapupunan ko palang siya kilala ko na siya, habang lumalaki alam ko na kung ano siya. Akala lang niya nailihim niya sa amin pero noon palang tanggap ko na. I know what he desires, I know what he wants. But still I want him to have family on his own, kaya namin pinipilit na mag-asawa siya. But deep inside me, I know who my son is. And I accepted that long ago."

Tiningnan ko siyang puno ng pagtataka. Alam niyang lahat ng 'yon ngunit bakit gusto niyang magpakasal kami ng anak niya? Hindi ba parang lalo niyang aagawin ang kasiyahan ni Aldrien kung gagawin namin 'yon?

Los Ricos #3: He's Literally the Man of my DreamsWhere stories live. Discover now