Chapter 2

1 0 0
                                    

Cassie's POV

Half day lang ang klase ko ngayong araw. Ayain ko sana si Alessa na mag-gala ulit sa mall pero inunahan na niya agad ako na may importante daw siyang lalakarin ngayon. Ayoko din na bumalik agad sa boarding house na tinutuluyan ko dahil panigurado na mababagot ako dun. Nagawa ko na din ang mga school works ko at kahit pa may kapatid ako na nandito lang din sa kamaynilaan, hindi ko naman maaabala yun. Kaya eto, pinili ko na lang mag-ikot ng mag-isa.

I was just wandering inside ng mapadaan ako sa isang clothing shop na nandito sa loob, and I immediately saw ang poster ng bawat miyembro ng bandang Saga na nakadisplay sa bawat corner ng showcase nila. Kung nandito lang si Alessa, for sure magtatatalon na naman sa tuwa 'yun. Lalagpasan ko na lang sana 'to ng makita ko ang solo poster ni Hunter Lee dito. As I look at his smiling picture, hindi pa din maalis sa'kin ang impression ko sa kanya: that he was in sorrow. Hindi ko talaga alam kung bakit pero ganun ang nararamdaman ko. Hindi ko namalayan na matagal na pala ang pagtitig ko sa poster ng biglang may narinig akong boses, "Fan ka ng Saga?"

Naglingon ako sa pinagmulan ng boses, galing ito sa isang lalaki na naka-facemask at baseball cap. Muli kong binalik ang tingin ko sa poster, "Naku hindi. Pero 'yung bestfriend ko sobrang fan nila."

"Ganun ba. Titig na titig ka kasi dyan sa poster." sabi nito sa'kin.

"Parang may malaking sikreto kasi tong si Hunter. Kahit sabihin mo na gwapo, magaling kumanta at smiling face, parang malungkot lang siya. Ewan ko ba. Yun ang nakikita ko eh." I answered. Nasa pagtitig pa din ako ng naisip ko ang sagot ko. Teka, bakit ko sinabi ng malakas 'yun? Nang sinilip ko ang lalaki, napansin ko ang panlalaki ng mata niya. Hindi ko maiwasan ang mailang at mapahiya kaya naman dali-dali akong kumaway dito at nagpaalam.

Sa pagmamadali ko, hindi ko napansin na may tumatakbong dalawang lalaki sa gilid ko kaya naman nawala ako sa balance ko. Babagsak na sana ako ng biglang hatakin ng lalaking nagtanong sa'kin kanina ang braso ko at pasalo akong kinuha mula sa beywang ko. Sa bilis ng pangyayari, kumapit ako ng mabilis sa balikat niya para muli akong makabalik sa balance dahilan para maging malapit ang katawan at mukha namin sa isa't isa.

"Are you ok miss?" tanong niya sa'kin. Hindi ko nagawa agad sumagot sa tanong niya dahil sa gulat. Hindi marahil nito napansin na nawala sa pagkakasabit sa kabila niyang tenga ang kanyang facemask na nagpakita ng kanyang mukha.

"H-Hunter Lee?" gulat na sabi ko. Malapit pa din ang mukha namin sa isa't isa kaya kitang-kita ko kung paano biglang nanlaki ang kanyang mata. Kinapa niya ang kanyang mukha at ng napansin na wala sa ayos ang kanyang face mask, agad siyang nagbitiw sa pagkakahawak sa'kin at inayos ito.

Nasa pag-aayos siya ng kanyang facemask at cap habang pabalik-balik naman ang tingin ko sa kanya at sa poster niya. Kahit anong gwapo kasi ni Hunter sa picture, hindi talaga makukuha ng camera ang kabuuan ng isang tao. He was indeed more attractive in person. Sayang talaga at hindi ko nakasama si Alessa ngayon.

Tapos na si Hunter sa pag-sesecure ng kanyang facemask ng muli siyang lumapit sa'kin, "I'm sorry for what happened. To formally introduce myself, my name's Hunter. But pwede sa'tin lang 'yun?" bulong na sabi niya.

"Sure." tanging nasabi ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa reaksyon ko ngayon. Mukhang na star struck ako kay Hunter.

"Thanks. Can— I get your name?" ngiting tanong niya sa'kin while offering his hands to shake. Saka naman ako nagising sa ulirat ko at naalala ang mga pinagsasasabi ko sa kanya: on how he look so depressive to me. Nakakahiya!

"Cassie," sabi ko sabay shake-hands sa kanya ng mabilis at agad ko naman binitawan, "Nice meeting you, pero kailangan ko ng umalis."

Patalikod na sana ako ng bigla niyang muling kunin ang isang braso ko upang pigilan, "Wait. I'm really sorry for being impolite by aking and saying those things kanina."

Accidentally Meeting Hunter : SAGA Series Book 1Where stories live. Discover now