"Try mo haluin ulit at paghiwalayin. Ano ka ba binibiro lang kita kanina. Nagpauto ka naman?" natatawang sabi ko sa kanya.


"Ikaw talaga Senyora, ha? Masyado ka namang mapagbiro." Pinunasan pa niya ang basa niyang noo. "Pinagod mo pa 'ko." Narinig kong bulong niya.


"May reklamo ka?" tinaasan ko siya ng kilay sabay irap.


"W-wala po, Senyora."


"Oh? Ano pang itinatayo-tayo mo riyan? Binabayaran ka, ang kaluluwa mo, ang katawan mo dito! Gumawa ka at 'wag kang magpakaposte riyan! natatakot ang mga alaga kong kabayo. Labas na dito!"


"Sus, kamukha mo naman 'yang mga kabayo mong alaga," bulong ulit niya.

Aba? Ang lakas ng loob nitong sagutin ako, huh?


"May sinasabi ka?"


"Wala ho, sabi ko aalis na ako."


"Mabuti, dahil kung himdi ka pa aalis, baka ipakain ko sa 'yo lahat 'tong darak. Naiintindihan mo?"


Umalis siya nang padabog. I smiled sarcastically while watching her na lumabas ng kwadra. Ay, oo nga pala, hindi ko pa nasasabi na nasa loob pala ako ng kulungan ng mga kabayo – kwadra ang tawag. Sa mga hampaslupang hindi pa nakakaalam, kwadra ang tawag. Ngayon alam n'yo na?



***

SUMAMPA ako sa kabayo. Inalalayan siyempre ako ng nag-iisang dakilang alalay ko – si Facundo. Lahat ng utos ko sinusunod niya, at ako lang ang may katulad niya. Rare si Facundo, 'no?


"Senyora," napakagat siya ng labi habang nakatango at parang may sasabihin.


"Ano?" mataray kong tono – as usual, 'wag ka nang magtaka dahil isnabera at mataray ako. Atleast ako aminado, hindi plastik.


"Hindi ko pa po nadadakip si Dora."


"Ikaw talaga, Facundo. Simpleng bata lang hindi mo pa mahuli. Kailangan ko na siya ngayon din! May misyon akong iuutos sa kanya."


"Iyon nga po, Senyora," napakamot siya sa batok niya. "May misyon din siyang ginagampanan kay Senyora Angelica."


"Ano?! Ang hampaslupang Angelica ba ang narinig ko?!" bulalas ko.


Argh! Kailangan ko talagang makipagtuos sa Angelica na 'yan, eh. Lahat na lang ng mga inuutusan ko, inaangkin niya. Utusan man niya si Facundo, ayos lang sa 'kin! Nagamit ko na 'yan, sa kanya na 'yan. Charot!


Ipaslak ko pa sa baga niya!


"Iniinis talaga ako niyang Angelica na 'yan, ha?! Puro mga second hand kong utusan ang inaangkin niya! Humanda siya at magtutuos kami! Facundo! Ihanda na ang machine gun!"


"Senyora, anong gagawin mo sa machine gun?!"


"Gusto mo ibaril ko sayo nang malaman mo?!"


"Masusunod senyora!"


"Ga-gang-bang-in kita, Anne Gelica! Humanda ka sa 'kin!"


Siya nga pala, darating din naman 'yong tamang araw, hindi naman ako cheap para ako pa 'yong pumunta sa kanya 'di ba? Hahayaan ko na sa kanya si Dora, pwe! Ang cheap niya! Second hand, na aangkinin pa niya. Sa kanya na 'yan si Dora! Hahahaha! 


Natatawa ako sa laki nang bibig niyang Anne Gelica Curtis na 'yan? At aagawan pa ako sa katagang Senyora,ha?! Manigas siya dahil ako ang nag-iisang Senyora at sasambahin ng mga hampas lupang mga alipin!


"Facundo, ibalik mo na lang 'yan."


"Senyora, bakit, hindi mo na ba itutuloy ang plano mong gerahin si Donya Anne Gelica?"


"Gusto mo sa 'yo ko ituloy!? Hindi ba sabi kong ibalik mo na? Huwag mong hayaang lagyan ko nang bala 'yan at igera sa tiyan mo?!"


"P-pasensya na senyora!"


"Facundo, nasaan na si Diego? May duty ba siya ngayon?"


"Si Diego po? Wala, nando'n siya sa Europe at nakatambay po."


"Gano'n ba? Tawagan mo siya, agad agad! Madali ka!"


"Masusunod, Senyoraa!"


Kung nasa kanya si Dora, pwes ipaslak niya sa bibig niyang malaki! Sa akin si Diego, ang animal hunter na hampas lupa ko ring alipin!


Dadating ang araw na maghaharap tayo Anne Gelica, at sa araw na iyon, asahan mong makakatikim ka nang masasakit kong salita! Aahon ako at dudurugin kita!


(drama? ansabeeehhh?!)

COMPLETED: SENYORA (Vice Ganda) - Ian Joseph Barcelon (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon