Chapter 31: Lied

En başından başla
                                    

"Bakit kailangan mong lumabas?" nagdududang tanong ko dahil bakit naman kailangan niyang lumabas?

"I dont want to disturb you" he answered na nakakunot ang noo

"Sigurado ka ba na wala kang tinatago sakin?"

"Why would I? Bakit ko kailangan magsinungaling when it's just a phone call? Kung ayaw mong maniwala e di tignan mo tong call register ko" lumapit siya sakin at inabot yung phone niya pero hindi ko tinanggap

"I didnt mean it that way, Im sorry. Nagtataka lang ako dahil may tatawag sayo gayong alas cinco pa lang ng umaga" I said at tinalikuran na siya para matulog ulit. Kahit sinong girlfriend naman siguro magtataka di ba? Who will call him in this ungodly hour na pwede namang mamaya na lang?

Naramdaman kong lumubog yung isang side ng kama kaya alam kong umupo siya "Babe naman.."

"Okay lang. Matutulog na lang ako ulit" kinuha ko yung isa pang unan at tinakip sa mukha ko. Mas prefer ko ng matulog kaysa makinig sa explanationa niya dahil totoo man yan o hindi alam kong paniniwalaan ko pa din naman.

After an hour nagising na ulit ako at naligo. Wala kaming kibuan pero hawak niya yung kamay ko habang naglalakad kami pababa sa restaurant kung saan kakain kami ng breakfast. Pagdating namin may ilang tao na din na nag aalmusal. Naka buffet yung mga pagkain at ikaw mismo ang kukuha. Dumiretso agad kami ni Derick sa mesa, kumuha ng plato and settled ourselves in pancakes and garlic bread.

"Kailan ang enrolment for second sem?" basag niya sa katahimikan

"Next week"

"Hmm.. Oo nga pala bukas pwede na makita ang grades natin. Kinakabahan ka ba?"

"Medyo. Baka kasi ibagsak ako nun ni Veluz"

"Oh shit, ako din pala. If it happens na ibabagsak niya ako sa english, okay lang ba babe na sa department na namin ko na ie enrol yun?" tanong niya

"Oo naman. In the first place hindi ka nga dapat nag cross enrol" bago pa man maisip ang sasabihin ko, automatic na lumabas na ang mga salitang yun sa bibig ko. This is the trouble with words. They're like bullets that if you shot them, there's no way of getting them back

"Babe.. Are you still mad?" hinawakan niya yung kamay ko pero pasimple kong tinanggal. Mabuti na lang din at kumakain kami para hindi naman halata na iniiwasan ko siya

"Hindi"

"Hindi, pero ganyan ang tono mo" his jaw tightened at umiling

"Gusto ko lang. Masama ba?" ugh ano bang meron sakin?! Parang may ibang kaluluwa sa katawan ko, I cant control my mouth!

"Pwede naman natin pag usapan eh. Without that snide remarks of yours" nararamdaman kong naiinis na siya dahil masama na ang tingin niya.

"Maayos kong sinasagot ang mga tanong mo so how come you're saying that?" sinikap kong gawing neutral yung tono ko pero hindi ko alam if I successfully did it. Anyway, bahala na.

"It seems to me na hindi dahil dyan sa tono ng pananalita mo. Kung may problema pwede naman pag usapan eh. Hindi mo kailangan magsinungaling sakin na hindi ka galit kung kabalikataran naman yung pinapakita mo"

"Hindi nga ako galit!" I snapped

"Then what's with the non sense conversation now?!"

"Nonsense?! O sige change topic tayo! Do you think accountable si PNoy sa pagkamatay ng SAF 44?" nakatingin lang siya sakin ng masama na halatang nagtitimpi

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin